Minsan may isang simpleng estudyante, pumapasok sa eskwelahan upang mag-aral. Walang alam sa buhay kundi magsumikap at mag-aral hanggang sa matutunan niyang magmahal. Ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa taong gusto niya. Naging masaya siya sa pag-aakalang maganda ang takbo ng kanyang love life. Kala niya ganun nalang din kadali ang bagy-bagay pagdating sa buhay pag-ibig. Sabihin na nating tanga siya.
Dahil bago palang sa ganitong aspeto ng buhay, hindi siya marunong manligaw, ni nahihiyang tumingin sa taong nagugustuhan. Ang alam lang niya ay umasa, na sa mga susunod na araw ay sila na ng babaeng gusto niya.
Dumating ang araw, nakatanggap siya ng impormasyon na ang babaeng iyon ay may boyfriend na. Hindi niya alam kung paano haharapin ang sakit na nadarama sa nalamang masamang balita. Nalungkot, Umiyak, Sobrang nasaktan. Sa unang pagkakataong nakadama ng pag-ibig, nadama rin kung gaano ito kasakit.
Mapagpanggap ang lalaking iyon. Hindi niya ipinapakita ang nararamdaman sa mga kaibigan. Kinimkim ang sakit, at ikinubli ang luha sa ilalim ng maskarang bumabalot sa buo niyang pagkatao. Sinubukan niyang mamuhay ng normal, pero kahit anong gawin niya sobrang sakit.
Umaasa pa rin siya na sa darating na panahon ay maibabalik ang pagkakaibigang nasira ng pagmamahal--- at dumating nga iyon. Nanumbalik ang dating relasyon. nanumbalik ang sigla at nanumbalik ang pag-asa na bukas, sila na. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, naulit ang bawat pangyayari.
Nasira ang pagkakaibigan at muling tumulo ang luha.
Si lalaki ay pilit nag move on. Kinalimutan ang masakit na karanasan at makalipas ang halos 8 buwan, heto nanaman, nanunumbalik ang dating nararamdaman na akala niyang wala na nga.
HINDI KO ALAM KUNG PAANO KO LALAMPASAN MULI ANG SAKITNA NADARAMA SA TUWING NAAALALA KO NA MALAPIT NA ANG ISANG TAON NGUNA AKONG MASAKTAN.....
ang masakit na ala-ala, ayoko nang balikan..
5 comments:
toL..,cnu ung girL..c J b?
hmmm bata ka pa bro. Hindi pa yan ang tunay na pagibig na sinasabi mo. Ang Pagibig talaga hindi puro saya may lungkot, sakit at pait din yan. Siguro hindi para sa isat isa talaga yan pangit naman kung pilitin natin ang sarili natin diba. About sa sakit na nararamdaman mo isa lang ang solusyon dyan libangin mo sarili mo sa gawain mawawala yan.Sana makatulong ako sayo ahehe TOINKS
@pretsel Maker salamat bro :D makakatulong yang payo mo
@betch oo kung sa tingin mo siya nga :D
KA. EMO !!!!
hahaha..
gnyn pla pag.emo..
mgling mgsulat ng mga blogs !!
esp. kung tungkol sa
lablyp am pinag.uusapan !!
XD XD
eto nlng tndaan mo !!
TiME CAN HEAL EVERYTHiNG..
EVEN THE DEEPEST OF ALL WOUNDS :]]
tma b grammar koh?
enxa bobo lng !!
hahaha
bsta time can heal everything
move on !! d2 nmn aq !! hahaha
chareng !! :]]
@ezh not emo.expressive lng
Post a Comment