Baha. Naexperience ko na rin. Part 2
Actually etong blog na ito ay batay sa aking naobserbahan sa ating paligid.
Shocks ganito na pala katindi ang sinapit ng Pinas sa nagdaang bagyong Ondoy
Napakadaming tubig, napakakapal ng putik, maraming tao ang nawalan ng bahay, at ang masakit pa doon ay maraming tao ang nawalanm ng mahal sa buhay.
Ikaw? Kung kumakanta-kanta ka lang sa bahay ninyo noong kasagsagan ng bagyo ay marahil napakaswerto mo nang tunay. Ni hindi mo naranasan mababad sa tubig, at makipaglaban kay kamatayan.
Sabi nga ng mga tao ang dahilan daw ng ganitong mga pagbaha ay ang pagpapakawala ng tubig ng mga DAM. OO tama sila isa itong dahilan pero bakit dati hindi naman ganito karami ang tubig na dala ng mga bagyo?
Marahil ay isa na itong signos na malapit na nga ang rapture (pagkawasak ng mundo). Unti-unti na sa ating pinap[aramdam ng inang kalikasan ang bagsik ng kanyang paghihiganti.
Ako, oo inaamin ko na hindi rin ako isang tao na sobra ang pagpapahalaga sa kalikasan. Ako kasi si tapon dito, tapon doon. Kalat dito kalat doon. Kaya hindi ko alam kung tama nga lang ba na kabayaran sa aking ito o may darating pa? (sana wala na).
Mahirap mawalan ng Tirahan, ng Mahal sa buhay at ang mawala ang lahat sa iyo. Kung baga back to basics ika nga pero sa bawat struggles na ito dapat matuto tayo.
Siguro nga dasal ang kailangan nating lahat. Tulad ng Pagdarasal upang lumihis si Pepeng sa Pinas at gumana nga ito. Pero tuwing kailan lang ba tayo nagdadasal? Tuwing hihiling? Tuwing nanganganib? o araw araw?
Let's Keep changing ika nga. Huwag tayo ningas Cogon. Kung sa ngayon ay ganito na kabagsik ang kalikasan, paano pa kaya bukas? Kailangan na natin igaling ang inang kalikasan. Kailangan ibangon ang nalugmok na ina.
Sisimulan ko ito.
0 comments:
Post a Comment