Grabe ang bagyong Ondoy kahapon and first time sa buhay ko naexperience ko ang totoong bagyo.
Dati nung bata pa ako pag bumabagyo wala akong pakialam. Nakikita ko lang sa tv yung baha, mga bubong at mga bakas ng kahirapan.
Ganito ang nangyari kahapon.
Sabado, gawaan namin ng project umuulan na talaga noon pero still nagpunta ako sa classmate ko
Pumasok si mommy at c ate nagpunta sa school nila. Si papa lang naiwan sa bahay.
Umulan ng sobrang lakas at tinetext na ako ng aking nanay sabi "bunso umuwi kana, si papa mo puntahan mo sa tulay sinundo ako d pa ako makaalis dito sa work walang jeep".
Ako naman nagsabi teka lang. Busy kasi ako gumagawa ng project.
Syddenly, may tumawag ng malakas sa bahay ng classmate ko.
"BAHA BAHA BAHA!"
Dali-dali naming binuksan ang gate sa likod at na shock kami dahil sa kusina palang nila ay may tubig na.
qWat? tatlo lang kami sa bahay nila, ako, classmate ko at kapatid niyang bata. Grabe nataranta kami dahil umaagos talaga yung tubig.
Ilang sandali pa ay baha na sa bahay nila. Hala cge walis dito dustpan jan.
Buti na lang tumulong sila kapitbahay. wew barado na ang cr nila dahil di na kaya ang tubig so pinaagos na sa sala nila.
After that umuwi na ako para puntahan si papa sa tulay malapit sa amin. Walking distance. 10 minutes walk ginawa ko lng 5 mins dahil na rin sa humabol na baka sa akin. WTF!
walang tao sa bahay! Brang out kasi c ate ay sumundo daw sa tulay kay papa. Nasalubong ko siya sa kanto wala daw si papa so ako dinoble check ko at pumunta din ako sa tulay.
waaaa! Grabe ang tulay sa amin sarado na. Ang dating patay na ilog, ngayon buhay na buhay at rumaragasa pa.
Kawawa ang mga bahay na lubog sa baha. Including ung computer shop ng classmate ko!
As usual, mga pinoy, daming tao sa tulay nakuha pang mangalakal at magsaya habang karamihan ay nagaalala (kasama ako doon).
Wala si papa! baka inanod na? Baka nakatawid? litong lito ako.
Buti na lang nagtxt c TOMBOY sa kapitbahay namin (kaibigan namin yon). Kasama daw niya si papa.
Tuwa talaga ako! Si mommy nagtxt d daw makakauwi nasa office parin. Natulog kami sa dilim ng brown out.
Kawawa talaga yung mga pamilya sa baba ng tulay, yung mga baboy, mga gamit at bahay nasalanta.
Grabe talaga ang bagyo ngayon. Dahil daw sa DAM kaya tumaas ang tubig pero no no.! Dahil sa Climate change yan.
Imagine yung mga dating hindi binabaha like itong sa lugar namin, sa edsa lahat ng mga di binabaha, ngayon ilog na.
So always be aware. What goes around turns around. Tama ba?
at hindi ko ito makakalimutan. First ever bagyo na super bagyo talaga.
Ondoy may you rest in peace! Grrrrr
Baha. Naexperience ko na rin.
Related Posts:
Duda Kasabay ng bawat hampas ng alon Ang mapapait na ala-ala'y akin nang ibabaon. Kasabay ng dagat na ngayon ay mahinahon Ang pagdating ng aking pinakahihintay na panahon. Ngunit kasabay din pala nito ay ilang kalituhan P… Read More
Nang isang gabing ako'y naging isang makata.Hinahanap ko lang marahil ang isang pagkalinga na noon ko pa ninanais. Hindi ko alam kung nauukol na ba ang panahon. Ang alam ko lang ay masaya ako. Hindi maipinta ang aking mga ngiti. Ito ay dahil sa sayang dulot ng ma… Read More
Frustration to Inspiration Ako ay isang frustrated photographer. Nung high school nag-simula ang fascination ko sa pag-kuha ng mga litrato. Sa pag-kakatanda ko, nagsimula ito dahil nanghihiram-hiram ako ng DSLR sa mga kaklase ko noon. Since g… Read More
Frustration to Inspiration Ako ay isang frustrated photographer. Nung high school nag-simula ang fascination ko sa pag-kuha ng mga litrato. Sa pag-kakatanda ko, nagsimula ito dahil nanghihiram-hiram ako ng DSLR sa mga kaklase ko noon. Since g… Read More
Sistemang paikot-ikot "Anong gusto mo maging pag-laki mo?" Ito ang karaniwang tanong sa atin noong mga bata pa tayo. Karamihan sa mga sagot natin (o ng mga bata) ay ang maging doktor at nurse para daw makatulong sa may mga sakit. Hindi din nam… Read More
0 comments:
Post a Comment