Friday, October 16, 2009

Bakit ba kelangan may twist?

Sana bata na lang ako. Sana tulad ng siang bata manhid nalang ako sa mga realidad ng buhay, kung saan hindi ako maaapektuhan ng mga bagay-bagay sa paligid pero hindi pwede.

Kasabay ng pagmamature ang mga sakripisyo. Bakit ko ba sinasabi ang mga ito ngayon? Dahil sobrang badtrip lang ako at depress sa mga pangyayari sa mga bagay-bagay sa mundo.

This was not a good day the same as with last years october 16. Saktong 1 year na nung nabalian ako ng buto. All of my dreams as a child and as a teenager mejo lumabo na. The dream of being a CAT officer, the dream of playing volleyball at marami pang iba.

I just turned into a mess. Basura nalang ako ngayon. Limitado ang mga ginagawa, kelangan maingat kundi baka mafracture ulit.

Lahat ng ito dahil sa katangahan at immaturity. Sobrang hindi lang ako mature magisip sa idad kong 14 last yr kaya ito ang napala ko.

I just want to quote the saying I learn from the movie Finding Nemo "He is the one who went through that, don't help him let him get out by himself"

Genuine. Akalain mo habang pumapasyal lang sa bahay ng pamangkin ay may natutunan pa ako sa isang cartoon movie. Ako ang may kasalanan kaya naging ganito ang buhay ko, ako din ang dapat tumanggap at gumawa ng paraan upang mabuhay ng maayos MULI.

Ang sakit kasi kapag nakikita mo yung iba na may ginagawa na kung tutuusin ay kaya ko naman KUNG hindi lang ako nagkaganito.

Ngayon ko lang na feel yung regret. Akala ko nung una kakayanin ko, na kaya kong mabuhay ng normal pero ngayon mahirap.

I am tired of living with this mask. Sobrang hirap na ako magpanggap na masaya pero inside Im not. If I can turn back time but sadly I can't.

There are chances. Yes and I hope there's one for me.

I was so disappointed. I hate twists like these.

0 comments: