Isa na siguro sa mga pinakamagandang twist ng buhay ang pag-ibig.
Masarap mainlove. Aminado ako don.
Feeling mo lutang ka, feeling mo siya lang ang mundo mo.
Wala kang iniisip kundi siya, at kung paano masasabi sa kanya ang nararamdaman mo.
Love inspires us to do more for our beloved.
It makes us happy whenever we don't even want to smile
Ang pagibig ang nagbibigay ng lakas sa bawat sandali na nahihirapan ka.
Pero kaakibat rin ng pagibig ang Sakripisyo.
Lalo na yung mga one sided love affairs.
Mahirap makita yung mahal mo na may kasamang iba kung saan masaya sila
Mahirap magparaya at higit sa lahat mahirap umasa.
Bakit ko ba sinasabi ang mga ito?
Siguro dahil sa wala akong maisip na ilagay sa blog na to (Joke)
Dahil sobrang dami ko nang nakikitang nabubulag ng pag-ibig.
LOVE IS BLIND. Karaniwang makikita mo yan sa autograph book ng mga bata. Pero ano ba ang idea nila sa love? Nakaexperience naba sila ng puppy love?
I do not believe in this saying. Ang pag-ibig ay hindi bulag. Ang mga TAO na umiibig ang nagBUBULAGBULAGAN. We tend to go with the flow in terms of love. And the worst is we tend to tell others its love but the truth is it's just an infatuation.
Yun din ang mahirap sa isang pag-ibig. Kung paano mo malalaman kung love ba or infatuation. We commonly interchage intong dalawa na to but to be sure, LOVE IS PAINFUL.
Sa mga nakaexperience na dito ng two-sided love ang swerte niyo. Una sa lahat hindi sayang ang efforts na binigay mo for your partner.
Sa mga lonesome na brokenhearted single sided lover, wag ka magalala. Love will come at a perfect time with the perfect person. Ito ang pinakamahirap sa lahat, yung efforts mo, tapos mawawasak lang lahat. As what was said in the saying "Ang Pag-ibig ay tulad ng isang Tao na naghihintay ng bus sa stasyon ng tren" We need to open our minds para malaman kung nagmumuka naba tayong tanga.
I was also inspire by this quote na narecieve ko sa text ng classmate ko "Ang Pag-ibig ko sa kanya ay parang tubig sa timba na umaapaw--------SAYANG".
People, especially tayong mga teenagers, be responsible of our answer and our acts and always be ready to face the consequences na paparating.
Ang the best saying I can say na mula sa aking kawirduhang pagiisip ay ito:
"Ang pagibig ay parang ukay-ukay (cheap? no no). Patiyagaan humanap ng maganda. Patyagaan humanap ng swak sayo halukay ka lang sa tabi-tabi makukuha mo din ang pinakamagugustuhan mo."
Hope na itong kakaunting naibahagi ay makatulong sa inyo
0 comments:
Post a Comment