Hapon ng September 19, 2009. Nagpunta ako sa bahay ng kaibigan. May napagkasunduan kasi kami na pupunta sa aming isang classmate para maglaro ng audition.
Isang mainit at normal na hapon. Dumating ako sa bahay ng classmate (avery) ko with matching payong kasi mainit. Naghintay kami.
Ayos na sana. Boring pero may twist.
Nung nasa terrace kmi ng 2ndfloor nila, dumaan yung isa naming classmate (vienna) kasama yung isa naming schoolmate (ate sarah). Pupunta cla sa school. Walking distance lang naman. Sumabay na kami.
Napagusapan namin habang naglalakad yung tungkol sa baliw sa lugar kung saan kami naglalakad ng biglang....
Ate Sarah: Dito yon. Dito kami..
Biglang may normal na lalaking tumawid na nakangiti.
Nung una akala ko, hindi yun yung baliw kasi ang tino ng itsura.
Ate sarah: Ayan sya!
Dinikitan ng baliw ang mga girls. Eto namang si Ako hinarang ko syempre.
Ako: Kuya bakit?
Dedma ang baliw. Hinabol ang mga girls. Wala kaming magawa kundi tumakbo din habol-habol ang baliw. Ako at yung isa kong kasamang lalaki (aniel).
Aniel: Louie dampot bato
Ako: (dumampot ng mejo malaking bato) ikaw?
Aniel: sige.
Huminto sa pagtakbo ang baliw. Huminto din yung mga girls. Tpos bigla ulit nanghabol yung baliw.
Ako: (sigaw) ate sarah takbo ayan na! Ate sarah ayan na.!
Sigaw na lang ginawa ko. Mejo malayo kasi sila samin. Hindi kami pinansin nung rapist na baliw na yon. Demonyo pa kung tumawa. Walang hiya. Nung makarating na sila sa highway doon na kami tumakbo ni aniel. Worried na kmi kasi di na namin cla makita. Nakaliko na sila.
Lakad-takbo na ang ginawa namin nang masalubong namin pabalik ang baliw. Malungkot. Aha. Tapos na ang adventure.
Buti rumesbak yung dalawa pa naming classmate (ella at ces). Inalalayan nila sila ate sarah.
Nung nasa school na kami saka ko lang nalaman na nadapa pala si ate sarah at pagtingin ay nasa harap niya na yung baliw w/ his killer smile na nakakadiri daw (watda pang telenovela) pero ewan ko kung bakit umalis yung baliw.
Wow super nabawasan ang aming calories. Layo kaya ng tinakbo namin. Pero it changed the mood of the afternoon. Naging nakakatawang nakakatrauma na nakakainis.
The afternoon went ok habang naglalaro kami ng audi.
Pauwe na kmai ni romelyn, hinanting namin yung baliw. Wala na cya.
eto po ang kwentong malatelenovela.
---ang baliw..:D
moral lesson:
Looks are deceiving. Magingat palagi sa taong nakikilala.
ng dahil sa baliw.
Related Posts:
Pinoy HenyoOk. it's been six months, eight days, twelve hours since you went away. Ay mali, it's been a while since my last blog post. Nakakatigang kasi this past few days eh, alam mo naman, super busy pala talaga pag senior ka, puro ka… Read More
1 Grading Down. 3 to go.Kahapon, kinuha na namin ang card namin for first grading at dahil doon, eh naeexcite nanaman ang aking nanay na malaman kung ano ang rank ng kanyang anak. Lage na lang sila nageexpect na makakasama ako sa rank at dahil ayaw … Read More
InconsistencyAko yung tipo ng tao na gustong i-try lahat ng bagay--wag lang drugs at yosi. Ako yung tipo ng estudyante na bibong-bibo. Oo sige, sabihin na natin na ako yung tipo ng tao na mahangad or in other term eh gusto lahat maachieve… Read More
Ako bilang teenagerAko bilang teenager, hindi man ako ganoong kalakas, hindi man ako popular, hindi man ako superhero, may magagawa pa rin ako.Ako bilang teenager, kahit hindi ako dawit sa gulo, kahit wala akong malay na nagkakaganoon na nga, k… Read More
Linggo ng Wika 2010Kapag sumali ka sa isang kompetisyon, isa lang ang kahulugan niyon. May kagustuhan kang manalo. Pero hindi lahat ng kompetisyon ay nakalaan para sa iyong pagkapanalo. May mga oras na kailangan mo na matalo at magreflect kung … Read More
0 comments:
Post a Comment