Tuesday, January 5, 2010

Baliw ba ako?

Naguusap-usap kaming magkakatabi sa upuan dahil wala pa naman kaming lessons at may aftershock pa ang buong class mula sa nakaraang bakasyon. Siyempre malalaki na kami, hindi na kaiba sa amin pagusapan ang tungkol sa love life.

Siyempre tanungan yon, so may point na ako ang napagbuntungan ng mga tanong.

Striking question is "Mahal mo pa ba siya?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Di ko rin kasi sure if may feeling ba ako sa kanya and 1 thing ayoko ng balikan. Moving on process number 2 na ako. Nagawa ko na dati kaya lang bumalik yung feelings. Ngayon, ayoko na. Sobrang hirap. Pero sumakit lalo ulo ko kagabi dahil dito sa quote na toh..

The minute you think of giving up...Think of the reason why you held on for so long


Tama nga naman.
Kung tutuusin madami na rin akong effort. Imagine, more than a year na ang OBSESSION ko sa kanya. Obsession. Tama ang nabasa niyo.

Halos araw-araw na lang napapadaan siya sa isip ko. Ewan ko. Ang gulo gulo. Alam ko namang hindi na pwede eh. Pero bakit ako baliw na nakahawak pa din sa kamay niya? Nababaliw sa kakatitig sa kanya ng palihim. Nababaliw sa tuwing nakikita siyang papalapit. Nababaliw sa mga oras na tumatakbo siya sa utak ko. Nababaliw ako. nababaliw. Nababaliw sa tamis ng kanyang mga ngiti. Nababaliw sa maliiit niyang boses. Nababaliw akong kasama ka kahit sa panaginip lang. Nababaliw ako. nababaliw. Nababaliw ako pag nagtetext ka. Nababaliw ako pag kinakausap mo ako. Baliw na baliw ang puso ko dahil sayo. Baliw man ako kakaasa sa wala, wala naman akong magawa. Alipin lang ako ng kabaliwan na ito. Ako'y isang baliw. Baliw dahil sayo!

(puro baliw. Nababaliw na kasi ako.)

16 comments:

ANENG said...

BASE ako!!!

ahaha!
NABALEEEEEEW ka na renz!!
adik ka!
let go. move on. nyahaha

Renz said...

@aneng..d ko nga alam kung paano ko ulit uumpisahan..ayt

Arvin U. de la Peña said...

ang masabi ko lang kung saan ka masaya ay doon ka..kung silang dalawa ay nagpapasaya sa iyo ay iyon ang mahirap..move on na lang..

Jag said...

uhmm hindi ako expert sa love parekoy eh ksi mgulo din ang buhay pag ibig ko hehehe...uhmmm...tamang timpla lng cguro yan puso at damdamin ang kinakailangan...naks! may ganoon p akong nllman haha...gudlak!

badmj97 said...

makapa stress ka...alam mo brother...pinagdaanan ko na rin yan..isa lang dapat mong gawin snayin mong maging manhid..yap tama manhid..sa una mahirap pero kksanayin mo rin hanggang sa mawala ang feelings mo o her..ok???

batanggala said...

ayan,nabaliw na rin ako.haha... wel, wala naman ako ma say, kasi sa kapag pag-ibig na ang pinag uusapan wala pa akong ekspiryens pag dating sa bagay na yan. pero payo lang, baka sakaling makatulong, kung nasasaktan ka na, e siguro mas mabuting itigil na. alam ko mahirap pero, wala e, ganun talaga, pero sana, dumating yung araw na makahanap ka rin ng taong magmamahal sayo na kayang suklian ang love na ibibigay mo...waaah...ang cheesy naman...haha... o sya hanggang here na lang! :)

chuwie said...

ou nga nababaliw ka na talaga..wahaha

marami talagang nababaliw sa pag-ibig, kaya ingat ka habang di pa malala yan...hehehe

happy new year pala..=)

Pretsel Maker said...

kaya mo yan!!!!! Nandito lang kami kapag kaylangan mo ng kasama

Gino said...

hinay-hinay lng bro, baka ma siraan ka..hahah
don't take life too seriously., enjoy and moved on.

Renz said...

@arvin. moving on again and again na ulit ako :D

Renz said...

@jag oo bro. Tamang timpla lang nga..galing..salamat

Renz said...

@badmj oo bro natry ko na din magpakamanhid, sa una effective pero sa bandang huli bumigay din ako

Renz said...

@batanggala..naghahanap na din ako..hoho..hirap maghanap :D

Renz said...

@chuwie..waa? positive na pala..baliw ako haha

Renz said...

@pretsel amker..salamat po..sobrang nakakatouch naman yung cumment mo.,thnaks ng madame

Renz said...

@Gino..salamat sa payo pre..tama ka..hinay-hinay lng