Hndi alam ang dahilan ng aking muling pagdalaw dito sa mundong naging aking sandigan noong mga nakakaraang mga buwan. Marahil dahil dinala lang ako dito ng aking mga kamay para magsulat ng kung ano man.
Gusto ko ang magsulat. Sa pagsusulat nasasalamin ang nakukubling mga saloobin patungkol sa isang usapin. Ito ay buhay. Ito ay lakas. Ngunit sa mga nakakaraang buwan, nawalan na ako ng buhay at lakas para magsulat. Waring natuyong bigla ang aking isipan at nanigas ang aking mga kamay. Hindi na ito makapagsulat. Nawalan na ako ng oras para makipagtalakayan dito sa mundong ito--ang aking sariling mundo na kung saan ako ang bida.
Hindi ko alam ang susunod na pagkakataon. Mas lalong hindi ko alam ang susunod na talakayan. Ang alam ko lamang ay may susunod pa. Ang alam ko lang ay mananatili itong bukas upang salubungin ang panahon na handa na akong muli.
Untitled101
Related Posts:
Desisyon Naniniwala ako na ang buhay natin ay naka-ugat sa kung ano ang desisyon na ating binibitawan, maging ito man ay mabuti at masama. Minsan may pagsisisi pero wala naman tayong pwedeng gawin kung hindi ang panindigan ang ating … Read More
Untitled101Hndi alam ang dahilan ng aking muling pagdalaw dito sa mundong naging aking sandigan noong mga nakakaraang mga buwan. Marahil dahil dinala lang ako dito ng aking mga kamay para magsulat ng kung ano man. Gusto ko ang magsulat… Read More
So long 2011 Ilang oras na lang ay magpapalit na naman ng taon. Isa na namang makabuluhang taon ang magtatapos at may bagong taon na naman na papasok para matututo. Sa totoo lang, ang daming nangyaring pagbabago sa akin ngayong taon na i… Read More
Para sainyo ate at kuya Darating at darating ang panahon na kailangan nating maging propesyonal Isang araw, narinig ko iyang statement na iyan sa aking kapatid sa YFC community na si kuya Adam. (tingnan ang litrato namin dalawa sa ibab… Read More
0 comments:
Post a Comment