Wednesday, March 16, 2011

I'll always remember YOU

I always knew this day would come...
Ang bilis talaga ng panahon. Ilang araw na lang at matatapos na din ang lahat. Bilang na nga pati mga oras, mga segundo. Pati nga mga minuto kayang kaya na din bilangin. Alam ko naman, alam nating lahat na dadating tayo sa ganito. Pero ang hirap din pag nasa ganito ka nang sitwasyon. Ayaw mong iwan ang ilan sa pinakamahal mong tao sa buhay mo.

We'd been standing one by one
Sa tinagal tagal ng panahon nating magkakasama, natuto na din tayong tumayo sa mga sarili natin. Dati takot na takot tayo sa mundo. Ngayon proud na proud na tayong nakatindig at sinasabing, sige i-try mo ako. Isa isa na tayong ready--ready para tumapak palabas ng institusyong kinalakhan nating lahat.

With the future in our hands. So many dreams, so many plans.
Noong June, kaunti pa lang yung naghahanda para sa kolehiyo. Madaming may aftershock pa ng 3rd year life. Maraming ayaw pa magpatuloy, pero wala tayong nagawa kundi maging 4th years. sa pagdaan ng mga panahon, napuno tayo. Naging mga responsableng estudyante. Nanindigan. Nagdesisyon. Unti-unting nangarap. Hanggang ngayon, patuloy pa rin na nangangarap. Namulat tayo sa kasabihang "libre lang ang mangarap". Bawat isa gusto maging successful. paano tayo magsusucceed kung ayaw nating bumitiw sa institusyon natin ngayon?

I always knew after all these years. There'll be laughter, there'll be tears...
Sobrang naging makabuluhan ang taon na ginugol ko sa high school dahil kasama ko kayo. Hindi ko makakalimutan yung mga pagkakataon na mangiyak-ngiyak ako sa kakatawa. Yung sobrang ang ingay sa science laboratoty nung second year tayo dahil sa mga palaka. Yung tawa tayo ng tawa kay JP na nadulas sa hagdanan. Yung MEYHI chocolate. Yung pagpiyok ni sir Garces. Yung "patingin please" phrase nung retreat. Ang dami kong tinawa kasama ninyo. Hindi ko rin makakalimutan yung mga tampuhan, mga konting awayan at di pagkakaunawaan. Yun kasi yung mga nagpatibay sa samahan natin bilang isang klase diba?

I never thought that I'll walk away, with so much joy but so much pain and IT'S SO HARD TO SAY GOOBYE.

But yesterday's gone, we gotta keep moving on. I'm so thankful for the moments, so glad I gotta know ya. The times that we had, I'll keep like a photograph, and hold you in my heart forever. I'll always remember you.

All is set ika nga. May grad song na tayo. May sosootin na tayo sa graduation. Naannounce na din ang honor students. Pati mga awards na iba ay meron na din. Nagpractice na din tayo for graduation. May papasukan na tayo for college. May plano na tayo for next year kahit konti lang. Araw na lang ang binibilang.

Kaya bago matapos ang lahat, maraming maraming salamat sa inyong lahat. Sa 64 na kaibigan, kaklase, kapuso, kapamilya, kapatid, kabarkada at kabuddy, naging sobrang saya ko. Di ba obvious? Alam ko alam niyo na sobrang masaya ako. kanina, last flag ceremony na natin yun sa sols, pinilit ko kayong batiin lahat ng good morning. Pinilit kong maging busy kakalibot sa school para manlang malibot ko yun bago mag graduation. Pinilit kong ngumiti buong araw para man lang kahit huli nakasmile pa rin ako sa school. Bukas, walang pasok. Sa biyernes, the end na?

Di bale, alam ko naman na magkikita-kita pa rin tayo. Pero tandaan niyo, lab ko kayo sagad!
Oh siya, sentimental na masyado to. HEHE
Pakinggan niyo na lang grad song natin:


12 years din pala ako naging Selettinian. Ang tagal noon. Halos buong buhay ko sa kasalukuyan umikot na sa sols.

Natatandaan ko pa, noong kinder 1 ako, panghapon ako pumapasok. Hinahatid ako noong dati naming kasambahay. Tapos na homesick ako. Umiyak ako at tumakbo palabas ng campus. Umuulan noon. Wapake ako kung mabasa man ako. Namiss ko kasi yung bahay namin.

Kinder 2 ako, bago teacher namin. Hinanap ko yung dati naming teacher sa bagong etacher namin. Nagaagawan kami sa placemeat na kulay blue tuwing recess. Nakaindian seat kami sa floor during some discussions. Nagsayaw pa ako nung graduation.

Grade 1, dumami ang kaklase. Naalala ko pa nga noong first time ko na meet si Camille, isa sa mga trustworthy friends ko ngayon. Ang sungit pa nga niya nun. Naaalala ko din nung nagkaroon ng leak sa room namin. Tumulo yung tubig from the 2nd floor. Early recess tuloy kami. Naalala ko pa noon pag tinatamad ako sa discussion, gumagapang ako sa lapag, pumupunta ako sa shelves, inaayos ko yung mga libro. naaalala ko din yung mga pagkakataon na sumisigaw yung teacher namin dahil may daga sa drawer niya. Naaalala ko din yung pinalo kami ng teacher namin sa kamay doon sa harap ng klase dahil late kami after break.

Grade 2, First day noong, nag-ayos kami ng kurtina dahil inutusan kami ng teacher namin. Nakilala ko noong yung mommy kuno ko ngayon. Nakilala ko di si top 1 ngaun noon. Sakto lang, only few memories retain. Medyo tinamad kasi ako mag-aral nun.

Grade 3, naexcite ako mag first communion. Pinagpraktisan pa nga namin nung yung haw haw flakes. Parang host kasi yun. Same ang adviser namin noong grade 2. Nagleave si Ma'am kasi manganganak siya. Pinaglihi daw sa kakyutan namin ang anak niya.

Grade 4, kumakanta kami ng iba't ibang songs pero ang lyrics mga rehiyon sa Pilipinas, lugar noon at mga kapital ng bawa't lugar. Para daw matandaan namin agad. Excited din ako noon kasi naka panta na kami noon papasok.

Grade 5, naging sobrang maingay ang science class. Pano ba naman kasi reproductive system ang pinag-aaralan. Alam mo naman ang mga kabataan diba. Nag-usbungan na din ang crush crush na yan.

Grade 6, naging adviser namin yung isa sa idol kong teacher sa pagsasayaw. Ang dami niyang pinapagawa sa amin tulad ng iba't ibang sayaw na practicum at pati pagkanta. Naaalala ko din, intrams noon, nagalit siya sa amin, binasag niya yung mug na may halaman sa desk niya tapos sabe niya hindi daw kami makakapaglaro. Kami naman nagalsahan, sabe namin uuwi na kame, pero in the end, nakagraduate naman kami ng matiwasay.

1st year na, bagong uniform na. Dati blue ngayon black na. Dati tuck-in ngayon TAK OUT na. Madaming nawala sa batch namin noong elem pero mas madami ang pumalit. Eto yung taon na sobrang bumuo ng pangalan yung batch namin. Lahat kasi ng contests pinapanalo namin. Tuloy ang init ng tingin ng ibang year sa amin. pati tuloy adviser namin nakikipagtalo na sa ibang teachers for us. 1st time ko din makapagswimming with classmates ng panahong ito.

2nd year, nagbago ng sections mildy. Naging classmate ko ulit si TABA (Lanz). Dumating sa school si BFF. Bumubuo pa rin ng pangalan section namin. Nagdissect kami ng palaka na hinuli pa namin sa school. Sinorpresa din namin yung adviser namin na si sir Erwin. 21st birtdhay niya kasi yun. Ayun napaluha naman namin siya.

3rd year, medyo ang sarap ng buhay. Ang tibay na ng samahan. Dagdagan pa ng adviser na super lovable. Isama ang competitiveness= tres de san juan. Halos lahat ng pagkakataon na naging 3rd year ako memorable, though di ko kayang i-specify, mananatili yun na lessons for I'd learned a lot from this school year.

and lastly, 4th year. The best year of high school. Hanep sa projects, hanep sa extracurricular activities hanep sa lahat. Lahat ng mga nangyare masaya at todo-todo kasi nga ang iniisip namin huli na ang lahat.

Lahat ng ito ang bumuo sa pagkatao ko. Lahat ng ito ay pagpapaalala kung sino ako. Kahapon lang lahat ng ito. Ngayon ala-ala na lang. Ala-ala ng isang masayang kabataan. Ala-ala ng isang SALETTINIAN. Ala-ala ko, kasama kayo.

tama na nga. Wag na malumbay. :]

Bago pala ako matapos, CONGRATULATIONS SA ATIN SILVER GRADUATES OF SOLS!


4 comments:

J-O-Y-C-E said...

wow. louie. ang drama. hehe. good luck sa magigigng buhay mo. keep the faith and stay awesome. :') Byeee.

Bino said...

congratulations!!! :)

www.damuhan.com
www.thebumupstairs.com

Ang Babaeng Lakwatsera said...

Congrats ^_^

Renz said...

@joyce siyempre good luck din sau batchmate!

sa inyo pong 2, salamat :]