Friday, March 4, 2011

Career Talk

****Actually, ang career talk na tinutukay ko sa taas ay hindi naman isang pormal na career talk. Naisipan ko lang na yun ang i-title for formality sake.

March 3, 2010, Huwebes, nagtatake kami ng RAT or sige na, para pahabain eh Reginaol Achievement Test. Tantiya ko eh mga alas kuwatro na yun nga hapon. Kasalukuyan nagdiriwang ang aming mga cells nun dahil huling exam na namin yun ngayong school year na nangangahulugan ding huling exam para sa high school life. Natatandaan ko pa naman (dahil kahapon lang yun) ang subject namin nun ay values ed (na napakahirap i-analyze kasi tagalog). Yung proktor namin, itago na lang natin sa pangalang SER, eh nagpapamigay ng fliers ng isang school na itago na lang natin sa pangalang SCHOOL. Isa-isa niya kaming binigyan ng flyers (na kalaunan ay pinalipad naman ng ilan dahil sa kadahilanang ginawa itong eroplano talaga).

Ang ang catch?

Habang binibigay niya yung mga flyers, sinasabihan niya kami na huwag ka mag-aral jan. Depende sa tao. Kapag sa amin na medyo may napasahan na na magandang school ang sinasabi ni SER eh "wag ka dito mag-aral." Kapag naman sa mga nahuhuling classmate namin "Oh, dito ka na. maganda dito".

Oh diba? Natatawa lang akong isipin na first time ko makaencounter ng nagpropromote ng negatibo. Pero kalaunan ay binawi din naman ni SER yung mga sinabi niya. Sinabi niya na maganda naman din daw yung SCHOOL kasi accredited by CHED naman.

So ang katapusan, nag check kami ng papers. 32 over 50 lang ako sa values. Ayos na din. Mukha pa ring mabaet na bata.

At ngayon, two weeks na lang graduation na. At desidido na rin ako kung saan ako lulugar next year. :] at feeling ko walang sense na post na naman.


Related Posts:

  • Linggo ng Wika 2010Kapag sumali ka sa isang kompetisyon, isa lang ang kahulugan niyon. May kagustuhan kang manalo. Pero hindi lahat ng kompetisyon ay nakalaan para sa iyong pagkapanalo. May mga oras na kailangan mo na matalo at magreflect kung … Read More
  • ThesisEto na nga, dumating na ang isa sa mga bagay na medyo pressuring sa part naming mga seniors. Dumating na sa kaisipan ng teacher namin na oras na upang gumawa ng thesis tungkol sa ilang mga socio-economic problems sa Pinas. Si… Read More
  • Ayoko na mag-aral.Gigising ng umaga, kakaen, maliligo, magbibihis, maglalakad papuntang sakayan ng tricycle, papasok, buong araw mag-aaral, laro saglit, uuwi, kakaen, magppc, matutulog at sa uulitin nanaman.Nakakapagod nuh? Pasok ka ng pasok a… Read More
  • 1 Grading Down. 3 to go.Kahapon, kinuha na namin ang card namin for first grading at dahil doon, eh naeexcite nanaman ang aking nanay na malaman kung ano ang rank ng kanyang anak. Lage na lang sila nageexpect na makakasama ako sa rank at dahil ayaw … Read More
  • Contest lang, walang personalan.PAUNAWA(Lahat po ng ideyang mababasa dito ay mula lang sa aking isip. Wala akong nabasa o narinig mula sa kalaban. Lalong higit, hindi ko sila sinisiraan. Nagsasabi lamang po ako ng nais kong sabihin. Hinihingi ko po ang inyo… Read More

3 comments:

Anonymous said...

HALAA!! buti kpa napasa mo ung values kua renz!! kami naginit na lang ulo dahil me depekto ung mga sagot :))

Bino said...

ngayon pa lang binabati kita dahil gagraduate ka na. congratulations :)

BatangGala said...

renz! sorry na! ngayon lang nakadalaw! :(( heniwey, buti ka pa, tapos na sa mga test na yan, ako, isa't kalahating term pa. **bigti!** joke! :)) anyways, at least nagsasabi ng totoo si ser, AND at least, may nai-i-blog ka. e, ako? hahaha:)) balitaan mo ko sa honor roll a, pero dahil for sure kasama ka na sa top, pa-PISBOL ka naman! ano ba yan, nobela na naman ang koment ko. sorry na! naexcite lang. haha:)) sige na nga! bubye na! :D