Sunday, September 26, 2010

Naalala niyo na?



Isang taon na ang nakalipas.

Ang bilis ng oras no?

Isang taon na rin nga talaga ang lumipas.


Tignan niyo:

Oh natandaan mo na ba?

OO, yan ang ang pananalasa ng bagyong Ondoy noong nakaraang taon, September 25, 2009 sa kamaynilaan at ilang mga karatig probinsiya.

Maswerte na siguro kaming maituturing dahil hindi namin naranasan ang gaya ng sa mga litrato sa taas. Muntik-muntikanan lang naman pero dahil mabait pa rin si God eh ayon, eto ako ngayon, isang taon ang nakalipas, tumitipa sa keyboard at nagku-kuwento sa inyo.

Pero alam niyo ba na kakaibang atake ang ginawa sa akin niyang Ondoy na iyan? Kung babalikan ang kwento ko noong isang taon, kasagsagan ng Ondoy nun at watak-watak ang pamilya namin. Wala ang tatay ko, sinundo ang nanay ko sa tawid ng tulay na binaha sa amin na kita mong ang wild ng ilog. Kala ko watak na pamilya ko noon, good thing magkakasama pa rin kami ngayon.

Naalala ko din sa bahay ng classmate ko ako inabutan ng Ondoy noon at medyo pinasok ng tubig ulan ang bahay nila. Mula kusina, CR, kainan at medyo umabot sa sala. So bago ako umuwi eh tinulungan ko sila pahupain ang daloy ng tubig sa loob ng bahay nila dahil wala din silang kasamang magkapatid noong.

Naalala ko din yung pauwi na ako para i-check ang bahay namin kung ok pa, hinabol pa ako ng baka sa shortcutan na talahibang dinaanan ko. Susme, adrenaline rush.

Naalala ko pa, naglalakd ako sa highway ng subdivision namin. May payong pero basam-basa pa rin ako, sumasabay sa agos ng mga ususerong sinasabi na lubog na yung tulay malapit sa amin.

Naalala ko pa, ikaw naaalala mo pa ba?

Inaalala ko din lahat ng mga namatay sa masaklap na bagyong iyon.

Sana di na ulit mangyari ang tulad noon sa future.

Sa Pag-ibig....

Hayaan ninyong ako ay may ipabasa sa inyong istorya. Ang totoo, nabasa ko lang naman ita sa isang libra ng Filipino sa pagkakanap ng mga kwento para sa project ko. Nagustuhan ko lang yung kwento kasi wala lang. Na touch lang ako.

Credits to Tanglaw sa WIKA at PANITIKAN III ni Angelita Binsol ng Diwa textbooks para sa libra at kay Pat V. Villafuerte na siyang may-akda ng kwentong ito.

Paunawa, hindi po ako ang sumulat ng kwentong ito. Nais kong pasalamatan ang source ko na nakasulat sa taas. :]

Sa Loob ng Bus, Isang Hapon

Pat V. Villafuerte

Hinataw ko ang dalawang saklya na nakasandal sa punong mangga. Itinindig ko ang mga iyon at aking sinalubong si Luz.

“Kanina ka pa?” ang tanong ni Luz.

“Hindi pa gaanong natatagalan,” tugon ko. “Tayo na.”

“Hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa mo? Araw-araw ay sinusundo mo ako. Ang laki na ng molestya ko sa iyo, a.”

“Ikaw nga ang inaalala ko, e. Baka naaasar ka na sa kakasundo ko sa’yo.”

“Naku, hindi,” ang tanggi ni Luz. “Mabuti nga’t nasasabayan mo ako sa pag-uwi. Mahirap yatang mag-abang ng dyip. Saka mahilo man ako sa sasakyan ay may sasaklolo sa akin.”

Tiningnan ako ni Luz. Lumungkot ang kanyang mga mata.

“Mabuti ka pa, hindi ka nakakalimot. Di tulad ng ibang taong kilala ko,” ang sabi ni Luz.

Alam ko ang pinatutungkulan ng huling pangungusap ni Luz. Si William, ang mahigpit kong karibal sa panliligaw sa kanya. Ni minsan hindi siya nasundo nito sa paaralang kanyang pinagtuturuan.

Tuwing hapon ay sinusundo ko si Luz. Tutal ay pareho kaming taga-Gagalangin. Iisa rin ang pook na aming pinagtatrabahuhan. Isa siyang guro sa paaralang Arsenio Lacson at ako naman ay isang dibuhista sa isang printing press sa San Rafael Village.

“Siyanga pala, wala rin lamang pasok bukas ay pumunta ka naman sa bahay. May ipapadrowing ako,” Pakiusap ni Luz.

“Ang ate mo?” ang bati ko.

“Nasa loob. Kanina ka pa hinihintay. Naroon din si William.”

Parang may kung anong bagay na tumarak sa puso ko. Bumukas ang pinto. Sinalubong ako ni Luz na nakangiti.

“Tuloy ka, Ric. Teka’t kukunin ko sa drawer ang aklat na pagkokopyahan mo.”

Nang lubusang mabuksan ang pinto ay tumambad sa aking paningin ang inaasahang kong magiging panauhin ni Luz, si William. Naka-t-shirt ito ng murang asul at nakamaong.

“O, bakit hindi ka maupo? Itong si Ric, oo. Heto ang tatlong drawing na kokopyahin mo,” sabay abot sa isang makapal na aklat.

Tumingin si Luz kay William. “William, si Ric,” ang sigaw nito. “Iyan ang Amorsolo ko, baka akala mo?”

“Kamusta ka, William?” bati ko.

Sa halip na ako’y sagutin ay nagsindi ito ng sigarilyo. Di na kaila kay Luz ang pamumutla ko. Napayuko ako at nagsimulang gumuhit.

Lumabas si Luz at pagbalik niya’y dala-dala ang inihandang spaghetti.

“Mamaya mo na simulan ‘yan, Ric. Halika na’t sumabay ka na sa amin ni William.”

Kinuha ko ang saklay. Tumindig ako at lumapit sa kinaroroonan ng dalawa. Kitang-kita ko nang kumbatan ni William si Luz na wari’y inuutusan ang dalaga na abutin sa kanya ang inumin. Nang akmang dudulutan ako ni Luz ng spaghetti ay di ako nagdalawang-isip. Kinuha ko agad ang pinggan.

“Ako na lang,” wika ko.

“Sige, mapilit ka, e’” Tugon ni Luz.

“Kamusta ang trabaho mo sa bangko?” ang bumasag ng katahimikan.

“Mabuti. Kaya lang ay baka hindi ako makatagal,” ang sagot ni William na may himig-pagmamayabang.

“Bakit naman? Ang taas ng sahod mo roon, a?” ang tanong ko.

“Palautos ang executive vice-president ng bangkong pinaglilingkuran ko. Panay ang tawag, panay ang utos. Ayaw ko sa lahat iyong minamanduhan ako, e. Kung Mama ko, hindi ako mapakiusapan, siya pa?”

Napangiti si Luz kay William. Napakagat-labi ito. Ibinaling niya ang tingin sa akin. Humahanap ng kasagutan ang mga matang iyon.

“Maalaala ko. May tatlo akong passes sa Fort Santiago. Maganda ang labas sa PETA ngayon. Manood tayong tatlo,” ang anyaya ni William.

“Naku, kayo na lang. Baka makagambala ako,” tanggi ko.

“At sa palagay mo naman ay papayagan akong umalis ni Inay kung hindi ka kasama?” ang tanong sa akin ni Luz. “Sumama ka na. Teka’t magbibihis ako. Magpapaalam na tuloy ako kay Inang. Nasa kabilang kwarto siya.”

Nang makaalis si Luz ay nanatili ang katahimikan sa sala. Kapwa kami nagpapakiramdaman ni William. Waring naiilang siya sa pagkakapunta ko kina Luz. Naisip ko tuloy na napilitan lamang siya na ako’y anyayahan dahil di papayag ang nanay ni Luz kung di ako kasama. Ako lamang kasi ang pinagkakatiwalaan ng kanyang ina.

Ilang sandali ang lumipas ay lumabas na si Luz. Lalong lumutang ang kanyang kagandahan sa dilaw na bestidang suot niya.

“Tayo na,” anyaya ni Luz.

Sa daan ay halatang-halata ko na sadyang binibilisan ni William ang paglalakad. Ako nama’y tila isang asong nakabuntot. Nakadama ako ng pagkahabag sa aking sarili. Ngunit paano ko matatanggihan si Luz? Paano?

Maging sa loob ng bus ay maagap na nakahanap ng upuan si William para sa dalawang tao. Magkatabi sila ni Luz. Ako nama’y naiwanang nakaupo sa bandang likuran.

Sa loob ng bus ay sarisaring mga alalahanin ang umuukilkil sa aking diwa. Naisip ko maging sa anumang labanan ay namumuro si William sa pag-ibig ni Luz. Patok na patok, wika nga. Magandang lalaki si William, mataas ang pinag-aralan, may matatag na hanapbuhay at kilala sa lipunan ang kanyang mga magulang. Samantalang ako, isang karaniwang dibuhista lamang sa mumurahing printing press. Hindi nakatapos ng pag-aaral, anak-dukha, at higit sa lahat ay pilay.

Di naglipat-saglit, ang pampasaherong bus ay napuno. Isang babaeng buntis ang sumakay, akay-akay ang dalawang gusgusing bata. Nagpipilit itong makipagsiksikan upang makahawak sa barasan ng bus.

Kitang-kita ko nang kumbatan ni Luz si William. “Tumayo ka naman William. Baka mapanganak pa yan ng di oras,” ang pakiusap ni Luz.

“Pwede ba Luz? Ang hirap naman sa babaeng iyan, e. Alam nang puno ang bus ay nagpipilit pa ring sumakay. At nagsama pa ng mga bata. Ako ang walang kagana-gana sa mga bata.”

Muli kong itinindig ang saklay. Nilapitan ko ang buntis na babae.

“Dito na kayo umupo, Misis,” ang alok ko.

Nagtama ang mga mata namin ni Luz. Nadama ko ang kanyang matinding pagkahabag sa akin. Maya maya’y nilingon niya ang konduktor.

“Mama, sa bus stop po. Bababa na kami,” ang kanyang sabi.

“Aba, nasa Zurbaran pa lang tayo, Luz. Malayo pa ang Fort Santiago. Nananaginip ka ba?” ang tanong ni William.

Huminto ang bus.

Nilingunan ako ni Luz. “Dito na lamang tayo, Ric.”

“Sandali lamang, Luz. Sasama ako,” ang pagpipilit ni William.

“Talagang manhid ka, William. Kanina, sa loob ng bus ay nakita mo ang paghihirap ng isang buntis. Ngunit ano ang iyong ginawa? Sa halip na paupuin mo ay nagbulag-bulagan ka. Hindi ka ba nahihiya kay Ric? Higit ang iyong lakas kaysa kanya ngunit siya ang nakaunawa sa pangyayaring iyon.”

Napayuko ako. Damang-dama ko ang naghaharing pagkahabag sa akin ni Luz.

“Paano kung tayong dalawa ang maging magkapalaran at mabuntis ako, kaiinisan mo rin? At paano kung dumami ang ating magiging anak, mawawalan ka rin ng gana?

“Dinaramdam ko rin, William. Ngunit ang eksenang naganap kanina sa loob ng bus ay higit na makabuluhan kaysa anumang mapapanood natin sa Fort Santiago. Mabuti’t hangga’t maaga ay nakilala kita.”

Tumalikod si William nang hindi na nagawa pang magpaalam. Inayos ko ang aking dalawang saklya. Inalalayan ako ni Luz sa paglalakad. Nang sumandaling iyon naging magaan para sa akin ang paglalakad. At marahil sa susunod na mga araw ng pagsundo ko sa kanya ay makadarama ako ng mga kakaibang kaginhawaan.


:] End muna

Saturday, September 25, 2010

Ayoko na mag-aral.

Gigising ng umaga, kakaen, maliligo, magbibihis, maglalakad papuntang sakayan ng tricycle, papasok, buong araw mag-aaral, laro saglit, uuwi, kakaen, magppc, matutulog at sa uulitin nanaman.

Nakakapagod nuh? Pasok ka ng pasok at ganun din ang routine na ginagawa mo, wala namang sweldo maliban sa baon na pilitan pa ang paghinge ng increase. Exam n
g exam. Buwan buwan na lang. Basa ng basa, gawa ng gawa ng projects, recite ng recite.

Ganyan ang outlook ko dati sa pag-aaral.

Hindi ba mas masarap yung nakahiga ka lang sa bahay ninyo at nanonood ng tv habang hawak ang cellphone at nagtetext sabay kain ng chichiria?

Hindi ba mas masarap tumambay na lang sa kanto, nonstop kwentuhan sa tropa, laro dito laro doon?

Hindi ba mas masarap mag palamig sa mall, sabay tambay sa timezone or tom's world o kaya ay mag window shopping?

Oo. Masarap nga ang ganitong buhay. Pero sa una lang ito masarap. Ika nga eh pansamantalang kaligayahan.

Nakakakonsensiya sa tuwing may naririnig akong out of school children na gustong-gusto mag-aral tapos ako, nag-aaral na nga eh nagrereklamo pa.

Sinampal ako ng aking kahihiyan nung makita ko itong pics na ito ito: (hindi ito yung actual na nakita ko dati pero somehow ganito din yung itsura)


Naisip ko, mas masarap pala ang nag-aaral ngayon, kasi bukas maayos ang buhay ko.

Mas masarap pala ang nag-aaral ngayon, kasi may mapaghuhugutan ako ng lakas sa mga susunod na araw.

Maswerte tayo, nag-aaral tayo. Eh sila? Pinipilit lang nila na makapag-aral.

Sabi nga ni Warren G. Bennis

Excellence is a better teacher than mediocrity. The lessons of the ordinary are everywhere. Truly profound and original insights are to be found only in studying the exemplary.

So ngayon, bigyan nyo ako ng chance sabihin na, GUSTONG GUSTO ko mag-aral :]

Wednesday, September 22, 2010

Sa bawat

Sa bawat lukso ng isang tao, babagsak at babagsak pa rin siya sa lupa.

Sa bawat pagkain mo, ilalabas at ilalabas mo rin iyan sa kahit anung paraan.

Sa bawat pagbili mo ng bago, unti-unti ay malalaos din iyan at mapipilitan ka na palitan iyon.

Sa bawat talbog ng bola, patuloy itong bumabagsak.

Sa bawat patak ng ulan, nababasa nito ang kalsada.

Sa bawat pagkupit sa pitaka ng nanay ay katumbas ang kurot sa ating konsensiya.

Sa bawat mahabang lakarin ay may kaakibat na pagod.

Sa bawat pihit sa manibela ay may kaakibat na dereksyon.

Sa bawat tinta ng bolpen na iyong inaaksaya, mas maraming math problems pa ang hindi mo masasagutan.

Sa bawat pagkagat ng lamok, kasunod lagi ang pantal at kati.

Sa bawat hithit ng sigarilyo ay paglalagay ng kalahati ng buhay sa hukay.

Sa bawat eksaminasyon na sinasagutan at ipinapasa, unti-unting lumilinaw ang bukas.

Sa bawat pagtipa ko sa keyboard na ito, mailalabas ko lahat ng gusto kong sabihin.

Sa bawat aksyon na ating ginawa, ginagawa at gagawin, palaging may bunga o epekto na kasunod. Maging positibo man o negatibo ito. Lahat ng bagay na mangyayari bukas ay nakasalalay ngayong mga oras na ito. Kung nanaisin mo ng magandang bukas, gumawa ka ng maganda. Kung ayaw mo di huwag.

Dahil

Sa bawat pangyayari, may tamang reaksyon. Nasasaiyo kung paano ka magrereact.

Sa bawat problema, may solusyon, maging mapamaraan at ibukas lamang ang mata.

Ika nga eh nasa huli ang pagsisisi. Nagawa mo na ang isang bagay. Matuto kang panindigan ito, maging positibo ito o lalong higit kung negatibo.

Dahil

sa bawat pagkakadapa ay may pagkakataong bumangon

sa bawat pagbangon ay may pagkakataong lumakad

sa bawat paglakad ay may pagkakataong marating ang nais marating.

Tandaan, sa bawat Gabi, kasunod nito ang bagong umaga.

Tuesday, September 21, 2010

Contest lang, walang personalan.

PAUNAWA
(Lahat po ng ideyang mababasa dito ay mula lang sa aking isip. Wala akong nabasa o narinig mula sa kalaban. Lalong higit, hindi ko sila sinisiraan. Nagsasabi lamang po ako ng nais kong sabihin. Hinihingi ko po ang inyong malawak na pang-unawa. Salamat)

Sa buhay ng pagsali sa mga patimpalak, may magagaling, may hindi. May mapanggulat, may normal lang. May praktisado, may nagkakalat. Higit sa lahat, may nananalo at natatatalo.

Ilang beses ko ba kailangan i-post ang ganitong klase ng blog entry? Paulit-ulit na lang ang nangyayari. Laging may aberya. Laging may nakakabangga. Laging may nagagalit. Kung hindi kami, sila. Ganun na ba talaga ang mga pinoy? Hindi na nakuntento sa resulta. Tulad na lang sa loob ng classroom, pag walang ginagawa nagagalit. Pag masyadong madaming ginagawa nagagalit pa rin. Siguro kaugalian na talaga yan ng mga Pinoy.

Ayaw ko na sanang magpost pa tungkol dito dahil alam ko maraming masasaktan, lalung-lalo na kayo (sorry po). Pero ayoko din naman na basta na lamang tanggapin lahat ng feedback na maaaring marinig ko at basta na lang dedmahin lahat iyon. Medyo unfair din naman para sa amin yun kung pagbabasihan ang freedom of speech namin.

Kung sa husay at koordinasyon at kung anumang kriterya na mauugnay sa galing, aaminin ko, bilib talaga ako sa kakayahan ng aming kalaban. Napakahusay ng pagkakagawa ng kanilang sayaw, mula sa entrance, sa pagtakbo, sa formation, sa BEAT at sa lahat. Hindi ko nga ineexpect na kami pa ang makapaguuwi ng papremyo noong araw na iyon dahil alam naman namin sa sarili namin na walang panama ang sarili naming production number sa kanila. Simple lang na ethnic dance ang samin with the touch of modern. Ni walang ka beat beat, ni walang gaanong audience impact na narinig, ni walang buhay ang audience habang sumasayaw kami.

Kung sasabihin man po ninyo na pinagbigyan dahil 4th yr na kami at paalis na kami sa school na yon, kung ito man talaga ang dahilan ng pagkapanalo namin, mas gugustuhin ko pa na huwag na lang manalo. Katulad ng kalaban namin, ilang linggo din kaming naghanda para sa laban na iyon. Ilang linggo na rin kaming nagtitiis tulad nila. Hindi naman po siguro tama na sabihing paalis na sila kaya pinagbibigyan. Masakit din sa loob namin dahil nageffort din kami pero alam ko na MAS nag effort kayo kaysa sa amin.

Lumaban kami dahil may kagustuhan kaming manalo pero hindi naman inaasam ang pinakataas o ang number 1. Gusto lang namin na enjoyin ang mga nalalabi pang araw namin sa eskwelahan. Kung nasaktan man po kayo sa naging desisyon ng mga hurado, eh hindi po ako humihingi ng tawad dahil wala naman kaming kinalaman sa pagkapanalo namin. Hindi ko rin sinisisi ang mga hurado sa nangyaring ito. Hayaan na natin sila. Ang mahalaga, nagperform kami, at nagenjoy kami. Wala ng sisihan. Tapos na. There's no other way but forward. Ika nga sa physics eh mag accelerate ka, or mag free fall ka downwards. Let's all learn from this.

Friday, September 17, 2010

Ang babaeng mukang lalake XD



Nacurious ba kayo sa title, pwes, kung inaakala ninyo na tungkol sa hermaphrodite ang post na ito, medyo mali lang kayo ng slight. Slight lang naman XD. May ipapakilala ulit ako sa inyo na isang taong malapit sa puso ko. Hindi ko siya crush or what so ever love na sinasabi ninyo. Super duper close friends lang kami dahil na rin siguro sa tagal ng pinagsamahan namin. Mantakin mo, grade 1 pa ako nagsimulang maumay sa mukha niya. JOKE. Camz, peace. Di bale, babawi na lang ako.

Tentenenenen..

Siya po si Camille Jane M. Salvador, obviously isa po siyang babae. Babaeng parang lalaki. Proud siya pag tinatawag siyang ganyan. Kakaiba kasi siya sa ibang girls na super pademure. Siya hindi naman super. medyo lang at medyo malakas din siya. Isa siyang amazona. JOKE. Siya po ay kasing hinhin ni Maria Clara na di makabasag pinggan, super OC at super bugnutin.

Oo, tama ang nabasa niyo. Super bugnitin yan ni Camz. Yung tipong maya-maya lang nakatawa siya. Paglingap mo lang ng isang minuto umiiyak na. Napaka moody niya din at may explanation siya sa akin kung bakit siya moody. Gusto niyo ba malaman?

"Moody ako kasi Capricorn ako..."

Totoo ba na moody ang mga capricorns? O talaga lang sobra ang pananalig niya sa ganoong mga bagay? Sabi pa niya, nakuha niya daw itong impormasyon sa isa pa niyang close friend na classmate namin na si R.A na batikang horoscoper. May ganun ba? Ah basta, malakas ang pananalig niya dun. XD

Si Camille, ang babaeng laging basa--basa pag umuulan. Kasi naman, walk trip ang hanap niya tuwing hapon, rain or shine dahil daw super nagtitipid siya para sa pasko raw ay madami siyang wawaldasin. makes sense diba? Para siyang langgam no, napakasipag kaya ayun dinadamay pa ako sa kanyang paglalakad. Ako naman pumapayag. Bawas taba din yun. Slightly antaba ko na kasi eh :)

Si Camille, ang babaeng NBSB as far as I know at sa sinasabi niya sa akin. Ewan ko ba diyan napakamartir kasi, gusto lagi siya nasasaktan. EHEM XD

Si Camille ang number 1 heart doctor ko. Alam niyo ba, madaming alam yan sa pag-ibig kahit NBSB yan. Mahilig kasi sa mga teledrama. Hanep na yan, sa buhay ko sinampol lahat ng tips na nakukuha sa tv, ayun effective naman siya.

At eto pa, alam niyo ba crush ako ni Camille. JOKE XD Pero totoo po ito. Nung grade 1 kami, dikit ng dikit sakin XD (assuming) Wala na kasi ako masabi.

Oh eto, umayan nanaman
:)
Pwede daw po siya maging GF. (aw nambugaw pa ako XD) Joke lang ho ito.
Camz, Thanks sa lahat. Hanggang sa muli :) Dalaw ka dito sa bahay libre kita pansit canton at RC XD


Tuesday, September 14, 2010

untitled

I blog to express. Not to impress.


wala lang. Wala kasi akong maisip na introduction para sa post na ito. naisip ko lang i-publish ang mga walang kwentang doodle poem na trip ko ngayong ipublish sa gitna ng usong-uso na dengue, sore eyes, at kung anu-anong sakit, pati sakit ng katawan pwede na rin. Sa gitna ng mga damong pinuputol ng maintenance sa school. Sa gitna ng lamesang pinagsulatan ko nito. Eto na, eto na, walang kokontra.

Pagkatapos niyo pala basahin kayo na magbigay ng title, wala akong maisip kasi napagtripan ko lang naman talaga ito isulat sa 5 minutes ng buhay ko XD.

Untitled

Buhay, O buhay
Punum-puno ka ng kulay
Kasiglahan mong taglay
Sagot sa aking pagtagulaylay

Puso, O puso
LAGI KANG NATUTUKSO
damdaming laging bumubugso
Puso ko, ikaw ay lumulukso

Tubig, O tubig
Buka ka ng aking bibig
Ikaw ang aking ibig
Ikaw ang buhay ko, O tubig

Bolpen na aking panulat
Ikaw sa akin ay nagmulat
Ikaw sa kanila'y gumulat
sa mga likha ko na ikaw ang pinanulat

Tama na nga itong kahangalan
gasgas na ang aking pangalan
ano nga ba ang inyong kasalanan?
nadawit pa kayo sa aking kahangalan.

Ang corny no, pero tulad nga ng nakalagay sa pinakataas, I Write to express, not to impress. Maimpress man kayo o hindi ayos lang.

(muka akong tanga ngayon. Sabog na sabog ako)


LORD LET ME SURPASS THESE

Friday, September 10, 2010

Pinoy Henyo



Ok. it's been six months, eight days, twelve hours since you went away. Ay mali, it's been a while since my last blog post. Nakakatigang kasi this past few days eh, alam mo naman, super busy pala talaga pag senior ka, puro kami kami nAdd Imagea lang ang bahala sa sarili namin pag may practice what so ever, wala ng tulong mula sa teacher maliban sa technical ones. Ayun so in short medyo napapagod lang ako ilang araw na kasing sayaw ng sayaw ng ethnic dance kuno na pang mangyan at naglalaro ng kung anu-ano- badminton, volleybal, BASKETBALL. oo bastketball. Kahit hindi talaga ako naglalaro nun eh naglaro pa rin ako.

Any ways it's not the topic for this entry.

So guys, wala lang, may gusto lang ako ipakilala sa inyong tao. I'm sure hindi niyo siya kilala kaya nga ipapakilala ko siya sa inyo.

Tao ba ito?

HMMM tao siya. Isa siyang babae. babaeng nakakatuwa at babaeng super kwela. Kilala siya sa tawang maton na HOHOHOHO. kahit babae siya ganyan siya tumawa, turn off ba? Hindi naman, pag narinig mo matatawa ka na din.

Kilala mo na ba? kung hindi pa eto ang mukha niya :))
pero joke lang, hindi talaga siya yan :)) kasing katawan lang niya XD (arrgh XD)

eto na talaga ang tunay. wait :))

Ehem, ehem, ladies and gentlemen (insert drum roll here) Si Miss Fatima Rivas.

Actually, wala na talaga akong mablog and dahil sa tao na ito kaya ako nagbloblog ngayon.

Teka, nagtataka na siguro kayto kung sino ba namang tao yang nakikita niya sa pc ninyo. Ahm, siya ang adviser ko last year, I mean adviser na kapatid na nanay and the like. I super love this person sa mga aspeto na hindi maipaliwanag pero may mga pagkakataon naman na nakakatakot siya lapitan kasi may kakaiba din sa kanyang aura. in short, nakakatakot siya kasi may pagkapranka siya.

Kung hindi niyo natatanong, dahil din sa tao na ito kaya ako nagstart magblog. I mean isa siya sa mga impluwensiya dahil sa pinapasearch niya samin na piece dati at sa isang blogspot ko lang nahanap kaya ayun gumawa ako ng account at doon sinilang ang blog kong ito.

Siya yung teacher na gustong-gusto kaming nakikitang kinakabahan, dala dala ang isang podium. Mantakin mo, yung podium sa gym ng school namin dadalhin pa sa room niyo para sa speech at para mapressure din kayo, oh diba?

As far as I can observe, talentado din itong tao na ito, (AHAHA) lalung-lalo na sayaw sayaw na yan. Andami niyang ideas na bago. Yun nga ang namimiss ko sa kanya kasi hindi na siya yung nagtuturo sa amin kasi di na namin siya adviser.

Siya din yung tipo ng tao na pagkasama mo sa swimming pool eh sasabihin sayo "Louie langoy ka sasakay ako sa likod mo". Oh diba? Tuwang tuwa na siya noon. XD (Miss fat marunong ka nga ba lumangoy)

Siya din ang tao at tanging taong nakapagsabi sa akin ng "
reading ur blog is part of my lifestyle now!haha."

Dear Miss fat,

Sorry, eto lang ang walang kwenta mong mababasa ngayon. Tulad nga ng sinabi ko sa yo ilang minuto lang nag nakararaan, natitigang talaga ako ngayon in terms of blog composing. pero dahil ayaw kitang biguin, pagtyagaan na lang. Next time na babawi. :))

Dear other blog readers,

Pasensiya na :)) next time na talaga :)) eenjoyin ko muna intrams sa school namin :)) Magbabalik ako

:))



Saturday, September 4, 2010

Inconsistency

Ako yung tipo ng tao na gustong i-try lahat ng bagay--wag lang drugs at yosi. Ako yung tipo ng estudyante na bibong-bibo. Oo sige, sabihin na natin na ako yung tipo ng tao na mahangad or in other term eh gusto lahat maachieve. Tanggap ng tanggap ng opportunities, sometimes FAILED, tapos magmumukmok at magsisisi.

Opportunities knocks only once. Ikaw nga eh pag dumaan na, sunggab na. Baka di na babalik yun or kung bumalik man at makita mo man ulit, may iba na na nakahawak dito. Grab lang ng grab, hanggang kaya mo. Pero ngayon natuto ako sobrang hirap din ng grab ng grab ng mga opportunities.

I admit, Grab ako ng grab ng opportunity. Gusto ko naman kasi yung mga bagay na ginagawa ko na yun pero ang mahirap lang eh pag nagkasabay-sabay silang lahat, ewan ko ang hirap pumili. Ang sakit sa pakiramdam. (Emo lang konti :)) ). Ako kasi yung tao na medyo may pagkaperfectionist. Ayokong tumanggi kung maaari lang dahil sa tingin ko pag tumanggi ako, isa akong weak at walang kwentang tao. Nahihiya ako humindi. Yan ang isang factor kung kaya grab ako ng grab pero mas malaking percentage pa rin naman ang sincerity at desrire sa mga desisyon na iyon.

TIme Management. Yan ang magandang solusyon sa problemang iyan. Hatiin ang oras. Bigyang importansya ang bawat segundo na ilalaan sa isang bagay. Ang buhay sa mundo ay minsan lamang kaya dapat huwag sayangin diba?

Sa kabilang banda, medyo umayos na ang mga conflicts ng mga bagay-bagay sa buhay ko ngayon bilang estudyante pero may feeling of failure pa rin akong nararamdaman kasi ewan.. Hindi maipaliwanag.

Tip ko lang: Mag-isip muna bago gumawa ng desisyon. Yun lang naman ang importante dito sa post na ito. :)

Have a nice day!