Sunday, August 15, 2010

Pananaw ukol sa Pag-ibig

LOVE is in the AIR, mapabata man o matanda lahat yan may sariling interpretasyon sa sinasabing LOVE. Eto ang isa, isang interpretasyon ng 4th year high school tungkol sa pag-ibig sa opposite sex. Sana magustuhan niyo yung tula ko. (eto yung pinasa ko sa filipino subject namin.)

Pananaw ukol sa Pag-ibig
-Louie Renz A. Sucaldito

Minsan sa punto ng ating mga buhay
ay may isang taong magbibigay kulay
ang taong magmamahal sa'yo ng tunay
at taong papawi ng 'yong pagkalumbay.

Sa Pag-ibig dapat tayo'y maging tapat
Magmahal ng tunay ay ang gawin dapat
Mga bituin sa langit ay di sasapat
sa pag-ibig ay walang makatatapat

Dagat pati lupa, lahat tatawirin
Gubat man o bundok, tiyak tatahakin
Lindol man o bagyo, lahat hahamakin
Ganyan ang pag-ibig, sadyang mapang-angkin.

Kaya pag-ibig 'wag nating sayangin
Pagmamahalan ay ating payabungin
Respeto't katapatan, dapat linangin
Madaming taon ang siyang bibilangin.

Sana po ay nagustuhan niyo :)


Related Posts:

  • Baliw ba ako?Naguusap-usap kaming magkakatabi sa upuan dahil wala pa naman kaming lessons at may aftershock pa ang buong class mula sa nakaraang bakasyon. Siyempre malalaki na kami, hindi na kaiba sa amin pagusapan ang tungkol sa love lif… Read More
  • BitinHapon noon. Pumasok ako sa classroom. Nakita ko siya, nakaupo sa upuan niya at nakadukdok. Wala namang ibang tao dahil break kaya nilapitan ko siya. Umiiyak pala siya. Di niya siguro ako napansin. Gusto ko siyang hawakan ay a… Read More
  • 10 painful things..December 12, 2009 1:46 pm tumunog ang cellphone ko. Nagkumahog akong tignan ang mensahe. Tatlong tunog kasi. Nagbabakasakali kung siya ba ang nagtext pero hindi. Sumambulat sa aking mga mata ang isang makabagbagdamdaming kowt… Read More
  • Nagkakataon nga lang ba o sadyang totoo?Wow hanep sa title netong blog post ko XD. Sobrang nagkakatugmatugma lang kasi yung mga bagay-bagay na dumadating sa life ko. I mean sa love life.By the way, salamat sa mga payo niyo sa post kong pader. Share ko lang na ayun … Read More
  • Pananaw ukol sa Pag-ibigLOVE is in the AIR, mapabata man o matanda lahat yan may sariling interpretasyon sa sinasabing LOVE. Eto ang isa, isang interpretasyon ng 4th year high school tungkol sa pag-ibig sa opposite sex. Sana magustuhan niyo yung tul… Read More

2 comments:

BatangGala said...

astig!! like!like!like! though, parang bitin lang ng konti. kung ako ang teacher mo, bibigyan kita ng A! haha:))

Anonymous said...

ganda naman,pahiram po :)