Saturday, August 28, 2010

Linggo ng Wika 2010

Kapag sumali ka sa isang kompetisyon, isa lang ang kahulugan niyon. May kagustuhan kang manalo. Pero hindi lahat ng kompetisyon ay nakalaan para sa iyong pagkapanalo. May mga oras na kailangan mo na matalo at magreflect kung anu ba ang iyong mga naging pagkukulang.

Sa buhay, hindi kailangan na perpekto ka. Ang perpektong tao ay katulad din ng walang alam--walang alam kung hindi ang tama. Walang alam kung hindi pilitin ang sarili na maging tama. Ang labas-- pagiging mayabang.

Tulad na rin halimbawa si Miss Universe 2010 4th Runner up Maria Venus Raj sa kanyang "MAJOR MAJOR..THANK YOU THANK YOU" na banat. Hindi man niya naiuwi ang pinaka-korona, natuto naman siya sa kanyang pagkakamali diba? Ang maganda pa doon, hindi siya napipikon dahil tanggap niya na ang pagkakamali na iyon ay normal.

(*Ang haba ng intro.. Sige na kwento na ako.)

Noong last July, kami ang nanalo sa Nutri-Jingle competition sa school namin, maging ang mascot making. Sobrang naghanda talaga kami noon. Kahapon naman, may isa nanamang kompetisyon sa school namin, ang SABAYANG BIGKAS.

Kung tutuusin, sobrang kulang ang oras namin magpractice. Hindi kami pinapayagang magpractice tuwing may klase kaiba sa mga kalaban namin sa mga lower years. Madami pa kaming ginagawa, lesson plans, CAT etc. Pero kahit ganoon na nga ang nangyari eh nagawa pa rin naming makapagtanghal.

Inaamin ko, hindi namin makukuha ang title ngayon bilang panalo kasi alam ko na gahol kami sa oras. Mismong araw na nga ng kompetisyon eh hindi pa namin tapos ang sabayang bigkas namin pero naging masaya naman kami.

Iyon naman ang mahalaga diba? Ang pagiging masaya sa bawat ginagawa mo, maging panalo man o talo, basta'y sama-sama at masaya, solve na.

Dahil dito sa nangyaring kompetisyon na ito na medyo nagkalat kami ng kaunti, natuto kami. Natuto kaming magpahalaga sa oras at bigyang importansya ang bawat bagay na gagawin namin. Iyon naman ang kailangan. Aanhin niyo ang napakaraming parangal kung wala kayong natututunan?

Basta, kahit anu man ang maging resulta, mahal ko pa rin kayo LUKEANS :]

Enjoyin na lang natin ang mga susunod na buwan. saglit na lang, madidischarge na tayo sa high school :)

6 comments:

Jag said...

Sumasali ako sa mga patimpalak n iyan hindi dahil sa kagustuhan ko kundi dahil napilit lang hehe...pero kakamis ang ganyan...

DRAKE said...

Alam mo ba nung elementary at higschool ako, ako ang panlaban sa tula, deklamasyon, sabayang pagbigkas, balagtas at kung anu-ano pa. Katibayan na bata palang......MAKAPAL NA MUKHA KO!hahaha!

ingat

Traveliztera said...

hahhaa tama yan... ayos lang, at least db may natutunan kayo --para TOP NA TOP NA KAYO NXT TYM! ehehehe! ingat lage and good luck sa highschool life :)

Yas Jayson said...

cute that you find lessons along the way. i wish i was the high school you- much much dedicated to excellence.

good job and yeah, cheer up!

Jules said...

Waaah! Na-miss ko bigla yung high school life ko. Na-miss kong maging studyante. Na-miss kong maging bata. Tama ka. Basta cherish niyo lang yung remaining months niyo sa high school. Make more memories!

-Jules

darklady said...

tama! hindi sa lahat ng pagkakataon panalo tayo at ang pagkatalo ay hindi ibig sabihin ng pagiging mahina, nagiging daan pa ito para tayo'y mas maging malakas. ^_^