paunang salita:
handa na akong ikwento ito. nangyari ito kamakailan lamang :] enjoy reading
Tama ako. Umulan nga ng malakas. Dapat pala mas maaga akong umuwi, kung hindi lamang sa pinagawa ng adviser namin na si Mr. Garces. Dahil nga ako ang secretary ng club namin ay may pinagawa siyang typing job para sa akin na kailangan daw tapusin noong mga oras din. Mag-isa akong tumitipa ng keyboard; nagmamadali. Ayokong gabihin masyado. Mahirap na ang mabugbog.
15 minuto ay umuwi na ako. Bahala na, may payong o wala uuwi na ako. Nakakatakot kaya magisa sa isang building. Baka may magparamdam pa sa akin, buti wala.
Naglakad ako sa kahabaan ng path walk palabas ng main gate ng school namin. Napalingon ako sa covered court namin na di kalayuan lamang at napangiti ako sa aking nakita. Nakaupo siya sa upuan doon na ginagamit ng mga outreach students ng school namin (kasi doon sila nag ka-klase), mag-isa at malayo ang tingin. Eto na ang pagkakataon. Ilang araw na din kaming hindi naguusap matapos ang issue ng IN A RELATIONSHIP STATUS naming trip sa facebook. Tama, nagdesisyon akong kausapin siya.
Ang lakas ng ulan, kasing lakas ng bugso ng hangin ang bagyo sa puso ko--- pinaghalong saya, lungkot, pagkasabik at pagkadismaya. Hinawakan ko siya sa balikat, kinausap pero parang wala siyang naririnig. "Bakit ka pa nandito? Umuwi na ba si Basco? Uwi na tayo tara hatid kita sa terminal...."
Tulad ng dati, wlang kibo. Hindi niya ata narinig ang sinasabi ko dahil sa lakas ng ulan kaya nagdecide na akong harapin siya pero..
SHIIIIIIIIIIIIIITTTTTTTTTTTTTTTTTTTT
Isang bungo ang nakita kong mukha niya... SUMIGAW AKO.. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA...
Nagising ako panaginip lang pala. Bangungot. Pesteng bangungot XD XD XD
8 comments:
tsktsk wag maxadog isipin ang mga bangungot. bka maulit..^_^
"kasing lakas ng bugso ng hangin ang bagyo sa puso ko"
waaah!binangungot ka ulit? o baka masyado mo lang sya iniisip? hehe. pray lang lagi.
kinikilig na ko, tapos biglang, tadaa!! :D
waaaaaah! medyo nakakagulantang nga yon. haha! masyado mo kasing iniisip. yan tuloy. hihi
scary ang bangungot mo parekoy. huwag ka kasing esep ng esep
tsk! tsk!! kala ko totoo..hehe
musta ba?
aw..ang sakit sa bangs nyan. akala ko totoo na. hehe
haha! nice one.=) Parang totoo.
hahaha. akala ko na kung ano ung bungo. :P
Post a Comment