Friday, August 20, 2010

Ako si Teacher

16 na taong gulang pa lang ako, kakaunti pa lang ang nalalaman. Hindi ko pa masyadong master ang algebra, lalong higit ang calculus. Hindi ko kabisado ang periodic table of elements, ang mga atomic weight dito. Hindi ko kabisado lahat ng rules ng subject-verb agreement, hindi ko kabisado ang lahat ng bansa sa buong mundo at hindi ko kabisado lahat ng techniques ng good entrepreneurship pero sa edad kong ito, alam ko may magagawa ako--Ang magturo.

Sabihin nga ninyo, kaya ko bang magturo kung simpleng domain at range lang na may radical sign eh medyo nahihirapan na ako? Rectiliner at free fall lang ang alam ko sa physics. Kung ito ang mga basehan eh hindi ko talaga kayang magturo pero sa maniwala kayo at hindi isa akong teacher. Oo, teacher ako, isang student catechist, na hadang magturo sa mga bata sa mga pampublikong paaralan ng mga bagay-bagay tungkol sa Diyos. Dito, alam ko bihasa ako.

Tuwing wednesday, tinitiis ang ilang minutong dagdag lakarin para lang makarating sa school na pampubliko na di naman ganoon kalayuan sa may bahay namin. Bitbit ang lesson plan, ilang mga visual aids, konting papremyo tulad ng stars at kendi at isang matamis na ngiti, nagtutungo ang bawat isa sa kani-kanilang mga assigned classroom. Ako, assigned ako sa mga grade 1 na sobrang ang kyu-kyut at ang bibibo.

"Okay Class, may magtuturo sa ating ng Religion."

Matapos yan ay matamis akong binati ng mga chikiting. "Good Morning kuya Louie." Sa una, medyo nakakakaba kasi nga kaharap mo yung teacher nila at nakakahiya pumalya pero anyways, sa awa naman ni God eh mabait naman ang teacher at mababait din ang mga chikitings ko. Swerte ko kasi sila ang napunta sa akin. Yung iba kasing mga sections grabe sa wild, may mga nagsusuntukan, umiiyak, at nambabastos.

Sa dalawang beses na nagturo ako sa kanila, nagenjoy naman ako siguro dahil sumusunod sila sa mga pinapagawa ko tulad ng mga pagkanta ng walang kamatayan na "ANG MGA IBON, NA LUMILIPAD, AY MAHAL NG DIYOS, DI KUMUKUPAS...." Hindi rin ako nahirapan ihandle ang mga bata, siguro advantage na rin ang pagiging kids for Christ leader ko ngayon kung saan nakakahalubilo ko ang iba't ibang uri ng mga bagets.

Simula pa lang ito ng mahabang panahong bubunuin ko para kilalalanin ang bawat estudyante, at simula pa lang rin ito ng mga WEDNESDAY sa buhay ko bilang 4th year na maririnig ko ang mga salitang "THANK YOU KUYA LOUIE for teaching us" Ang sarap pakinggan niyan sa mga bata dahil tandaan, ang mga bata ay hindi nagsisinungaling. :))

Oh siya, gagawa muna ng visuals si teacher Louie ay este si RENZ pala . :)

3 comments:

BatangGala said...

alam mo bang grade 1 ako nung natuto kong magsinungaling? haha! joks!!! galing talaga ni renz, IDOL!IDOL!IDOL! goodluck sa iyong pagtuturo, at sana'y mainspire mo ang kids na maging mabuting bata tulad ni batanggala. joke! alam kong magiging mabuti at magandang eksampol ka para sa kanila, kaya, pagpatuloy mo lang yan, isa kang hero! :)

goyo said...

cute ka naman.siguro mabait na bata ka talaga. Keep it up dude! :D

darklady said...

teacher renz!! ^_^ ang kyut pag may tumatawag sayo ng ganon noh. Tapos hanggang sa tumanda na sila maaalala ka pa rin nila.