Wednesday, August 25, 2010

Ako bilang teenager


Ako bilang teenager, hindi man ako ganoong kalakas, hindi man ako popular, hindi man ako superhero, may magagawa pa rin ako.

Ako bilang teenager, kahit hindi ako dawit sa gulo, kahit wala akong malay na nagkakaganoon na nga, kahit nakikinood lang ako sa tv habang nagkakaputukan, may magagawa ako.

Ikaw may magagawa ka ba?

OO, meron. Ikaw, ako, tayo ay may magagawa. Ngayon, idineklara ng Palasyo ang araw ng pagluluksa sa mga biktima ng hostage taking noong nakaraang lunes.

Mahina man ako, magagawa ko pa rin magdasal sa mga kaluluwa ng mga napatay sa incidenteng ito.

Buong puso po akong nakikiramay sa mga pamilya ng mga napatay, sa mga mamamayan ng Hongkong at sa buong sambayanang Pilipinas.
Nawa ay manumbalik ang kapayapaan.

Related Posts:

  • Mga alaala ng nakaraan.Pumasok ako sa aming classroom, nakangiti. Bitbit ang aking gamit, umupo ako sa aking upuan. Lumingon lingon hanggang makita ko siya. Nagsusuklay ng biglang mapatingin sa akin. Agad kong binawi ang tingin. Nahihiya ako sa kan… Read More
  • Patamang Pic Read More
  • Kadugtong ng nasa baba neto :DNabuang nanaman ako. Nawala sa sarili. Nagyon napagisipan ko na kung ano talaga ang nasa isip ko habang naghihintay umalis ang ate ko sa pc, isinulat ko na to sa doodle notebook ko.WARNING: Para sayo, kung mabasa mo man to, w… Read More
  • 10 painful things..December 12, 2009 1:46 pm tumunog ang cellphone ko. Nagkumahog akong tignan ang mensahe. Tatlong tunog kasi. Nagbabakasakali kung siya ba ang nagtext pero hindi. Sumambulat sa aking mga mata ang isang makabagbagdamdaming kowt… Read More
  • PaderIsang post nanaman tungkol sa isang bagay na walang kamuwang-muwang sa mundo. Isang matibay na pader.Ano ba ang pader? Sa post na ito, ipakikilala ko ang pader bilang isang bagay na masakit.Naniniwala ka ba sa quote na "Frien… Read More

2 comments:

Ang Babaeng Lakwatsera said...

Buong puso din akong nakikiramay sa mga pamilya ng mga napatay. =(

sikoletlover said...

pinagdarasal ko rin na hindi na muling maulit pa ang ganitong insidente sa pilipinas. mashado ng bugbog ang ating inang bayan.