Friday, July 23, 2010

TGIF -- Thank God It's Friday-- A Blogging Friday

Hay salamat. Friday nanaman at ngayong weekend na ito ay hindi na ako busy! Yahoo. Kongrasyulesyons. I won wan melyon kass! :)) Ilang linggo na din kasi akong may pasok ng sunday to saturday eh. Nakakamiss kaya ang magbabad sa higaan ng walang ibang iniisip kundi tulog tulog tulog. Anyways eto ang weekend kwento na ewan ko ba kung bakit mo pa binabasa ngayon. Pero kung wala kang magawa at sa tingin mo ay gusto mo pa magbasa eh proceed na sa susunod na paragraph.

Last Saturday, Last review session ko yun sa standards review center somewhere sa commonwealth near Philcoa at kung alam mo yung EVER eh ilang tumbling lang yun doon. So far madami naman akong natutunan sa 5 weeks (45 hours) + 1 sunday (5 hours) na review session na yun for preparation sa UPCAT. Pumasok ako sa review center na yun na para akong baso na kalahati lang ang laman. Pag labas ko ay naging 3/4 na ang laman plus nagkaroon pa ng flavor XD (chocolatte flavor yung katulad nung nasa vendo don). Ganyan ko maicocompare ang help ng review na yan para sa preparation ko for UPCAT. I would like to share na din yung result ng dry run exam namin. So far so good and happy naman ako para sa result. I ranked 26 out of 130+ na nagtake ng dry run. Yipee. natuwa lang ako. Unexpected kasi alam mo yun yung nangangamote ka na lalo na sa math tapos nagpapawis pa yung kamay mo tapos sobrang lamig wala kang jacket at nabrabrain freeze ka na eh nakakuha pa ng ganyang rank. Pero hindi dapat ako makuntento diyan. Review more--kahit self-review lang.

Nung monday naman eh binigyan kami ng task ng aming teacher sa English na si MISS FAT (alam ko mababasa niya toh. Nagbabasa siya ng blog ko whahaha) gumawa daw kami ng prepared speech kasi kasama sa english subject namin yung public speaking. Dapat daw kabisado kahit papaano tapos sa podium atmay mic pa. Kabado, nagprepare pa rin ako at dumating ang araw ng performance (kahapon) super nanginig ako habang naiispeech pero nadeliver ko naman ng maayos at pinagperform ulit ako (pati yung iba kong classmate) sa harap ng lahat ng 4th years. Doon ako namental block ng husto. DAmi nga njilang rumors eh kasi medyo tinamaan ng topic na FIRST LOVE ang speech ko. kaya daw ako namental block kasi nandoon daw si FIRST LOVE. Mga tao talaga.

Bukas din meron kaming Acting workshop. Actually para lang yun sa theater arts club ng school namin pero ininvite kami ng moderator na si MISS FAT kaya it's a plaesure at nakakahiya naman na tanggihan yun. I want to learn more naman din sa field ng acting para naman hindi lang so-so yung mga talents (singing?, dancing?, acting?, drawing?, Playing musical instuments?) ko. Kailangan madevelop din sila diba? Nagpreprepare kasi yung club para sa nalalapit nilang play production na HAMLET at gusto ko maging part nun. Maganda yun!

Kanina din, nagalit yung French teacher namin, ayun minus 5 kami sa quiz kanina na 15 items na hindi tapos. Tsk. Kakaasar kasi mga classmates na epal. Sarap isilid sa locker. Haha

Yun lang. Kwentuhan ko lang kayo at umapdate na din. Nabubulok na kasi blog ko :))
Ingats. Next time kwentuhan ko kayo ng PAGIGING TEACHER ko :) oo, teacher nga!

6 comments:

krn said...

busyng busy.. kainggit. namimiss ko yung mga panahong ganyan din ako kabusy. gud luck sayo.

MuntingBisiro said...

Nice update. member ako ng theater org namin nung high school. At masaya! try mo na din, enjoy yun. Pagpasok mo sa UP, marami ka ding masasalihang org dun. Gudluck sa UPCAT

BatangGala said...

wow! talagang busyng busy ah! kinakarir! hehe:)) anyway, goodluck na lang ng bonggang bongga, at more and more and more kwento next post! nga pala pag nakita mo si bheni, pasabi naman HELLO! haha:)

KESO said...

ano nga palang balak mong itake na course sa UP? :)

NoBenta said...

magkakaroon ng magandang results ang ginagawa mong pagrereview. naks, parang horoscope lang. have a nice weekend! \m/

PABLONG PABLING said...

ang drama.
pero natawa ako dun sa manahimik ka parepareho kayong hayop. kala ko nag jojoke ka. pero seryoso na pala...

yung tugtog mo e theme song naman ng bebe ko