Thursday, July 15, 2010

ISSUE

Di dapat ako magpost ng tungkol dito, pero since wala naman akong maikwento at tanging blog na lang ang outlet ng gusto kong sabihin eh eto na nga.

Yang picture sa taas ay pawang likha lamang ng makulit na utak naming dalawa ni bff. Gusto lang talaga naming mantrip dahil nga madaming online at sa tingin namin ay nauuso na yung mga ganitong scenario sa fb. Natawa naman ako dahil sa mga taong naglike at nagcomment pa. Di rin kasi siguro nila ineexpect na makikita nila sa wall nila ang isang IMPOSSIBLENG bagay na mangyari.

Impossible. Yap tama, super impossibleng mangyari ang nasa itaas. (para sa kanya). Mas ok sa tingin ko na maging friends kami -- or what we call bff. In any sense relationship din naman yun, as friends nga lang. Nagtataka na nga lang ako dahil sa two years na nagdaan eh naiissue pa din kami. Ganun ba talaga?

Umemo slight lang ako. Wala lang, nagkaroon kasi ng isang maselang feedback sa relationship status na ito. Nakakatwa, pero bad yun. Dapat hindi ako matawa sa reaksiyon ng too ni bff. Pero in the other hand, nalungkot din ako kasi tapos na ang pagpapanggap. Wala nang pagtatawanang mga comments.

Sa di inaasahang pagkakataon din eh nagpasaya sakin tong trippings na ito. Ewan ko ba, dala na rin siguro ng katiting na espesyal na pagtingin sa puso ko :)) LOL KATITING PO. :l

"Sana tayo na lang talaga" Sabi yan ng klasmate kong itago na lang nating sa pangaln na JP LUCIO. Sabihin ko daw yan kay bff. LOL

Ewan.

"Ang mali, dapat ihinto na noong nagsisimula pa lang, bago dumating sa puntong magiging adik ka na.." Wala lang, naformulate ko lang galing sa distorted kong pagiisip ngayon. Sad pero happy, Happy pero Sad, ewan ko ba.

Hay hay hay hay Buhay.

Related Posts:

  • to blog or not to blogNaiisip ko lang, kaya ko pa ba magblog? This past few days kasi parang nawalan na ako ng appetite mag post ng something. Naging busy din kasi this past few months at hindi na nakapagbukas. Ang resulta, tinamad na rin. Bueno, … Read More
  • Buhay pa akoAkalain niyo yun, dahil sinasamantala ko lang ang libreng wifi na nasasagap ni laptop mula sa di kalayuang hostel na karamihan ay koreano eh naisipan kong magbukas ng blog at nangati naman ang aking daliri na para bang may ut… Read More
  • kwentong walang kwenta. kwentang walang kwentoMagkukwento na lang ako.Feel ko na na ganap na akong tao. Nakakapunta na ako sa lungsod ng walang kasamang nanay. kaibigan lang. Natry ko na rin na mag-isa lang. kailangan ko na kasi matuto. Next year lumbay na ako dahil mala… Read More
  • Konting paramdamHephep hooray! Buhay pa naman ako at dahil doon ay nagpapasalamat ako kay God.  Isang buwan na din ang lumipas nang una akong akong pumasok sa malaking mundo ng buhay kolehiyo. Sa ngayon, masasabi kong masaya naman ako s… Read More
  • Untitled101Hndi alam ang dahilan ng aking muling pagdalaw dito sa mundong naging aking sandigan noong mga nakakaraang mga buwan. Marahil dahil dinala lang ako dito ng aking mga kamay para magsulat ng kung ano man. Gusto ko ang magsulat… Read More

8 comments:

Jag said...

Hanep ah? Hehe...

Sasarai said...

Hahahaha! Ewan ko nga ba, buti nga ikaw, napapatay mo agad ung maliit na maling bagay na yun. Hahahahahahaha! Pero ok lang yan, sabi nga, ang buhay ay parang weather! WAAAAAH! Basta, ndi ko na alam kasunod nun.. lol!

Minsan nantrip din ako ng ganyan, nilagay ko, In relationship, pero wala naman nakalagay na partner, so eto nga sila, super comment, SINO sino Sino? aba malay ko! :PP

goyo said...

sana totoo. gusto mo yun diba? :]

goyo said...

sana totoo. gusto mo yun diba? :]

glentot said...

Ewan ko ah pero mag naaamoy akong lihim mong pagnanasa kay bff ahahahaha joke lang keep it up!

pusangkalye said...

natuwa naman ako don sa isang comment---pakner---iba pumasok sa isip ko. why not????haha

BatangGala said...

aha! at yon pala ay trippings lamang. muntik ko ng i-like, at magkoment ng "uyy!si renz rumerelationship" buti na lang, nakibasa na lang ako.wahahaha:))) eniwey, wag ka na ma-sad, malay mo naman pagdating ng panahon, pwede na kayong dalawa, at malay mo naman pagdating ng future dumating rin yung para sayo. kaya, cheer up!

ps.
sya ba ang babae sa likod ng ma-chi-cheesy mong post noon? (pa-simpleng pakikichismis lang.bwahaha)

Renz said...

@jag hanep ba? haha

@sasarai nature na kasi talaga ng mga tao yung pakikiusyoso :)

@goyo ayos lang, pero kung magkakatotoo dapat yung bukal, hindi yung pilit

@glentot,,hanep kuya .. :)) napatawa mo naman ako dito, HINDI naman.. wala pa sa isip ko mga ganyang bagay :))

@pusangkalye..adik kuya.. haha. Iba talaga ang approach sa inyo nung mga ganun LOL

@batanggala haha salamat batanggala :) dapat nagcomment ka :)) anyways oo siya na.. AAMIN na ako :))