Bilang tugon sa nais ni G.Munting Bisiro ng Panulat, eto ay isang post sa mga pinagpiliang landas ng buhay sa hinaharap.
Noong bata pa ako, naaalala ko bakasyon noon at nasa nueva ecija kami noon, tantiya ko mga 4 years old ako noon, naguusap-usap ang mga oldies cousins ko tungkol sa mga pangarap nila ng suddenly, may tumawag sa pansin ko habang naglalaro ng ewan, salagubang ata yun na may sinulid, siya ay ang lola ko. Sabi ni inang "Renz ikaw ano ang gusto mong maging pag laki mo". Walang halong kaba at buong tikas kong sinabi "Gusto ko po maging hardinero". Tawanan silang lahat. Ang nasabi na lang ni inang "Kung hardinero lang din pala ang gusto mo eh dito ka na lang sa amin ako pa ang magtuturo sa iyo".
OO, hardinero ang gusto kong maging trabaho dati. Bata pa naman ako noon at wala pa akong alam sa ekonomiya at inflation deflation at rates at kung gaano kahirap ang trabaho ng isang hardinero. Bata pa lang kasi ay nahilig na ako sa mga halaman. Kasama ko kasi lagi si papa pag nag gagarden kami habang tinuturo ang mga gulay "Anak, yaan ang carrots, pampalinaw ng mata. Yan naman ang sitaw, pampahaba ng paa". Nagustuhan ko tuloy magtanim at natutuwa ako pag yung tinatanim ko ay tumutubo.
Nung grade one naman ako, gustong gusto ko maging teacher. Naaalala ko pa nga yung mga panahon na kinukuha ko lahat ng mga lumang libro ni ate at libro ko tapos inaarrange ko sila tapos kunwari nagtuturo ako. Natuwa din siguro akong magturo kasi pilit akong sinasali ng mga kapitbahay namin sa teacher teacheran pero PE ang favorite kong klase nun, puro takbuhan.
Nung grade 4 ako, nagsimula ang pangarap ko na maging chef, isang magaling na magaling na chef, kung saan lulutuin ko lahat ng gusto kong pagkain, paglulutuan ko ang pamilya ko at magluluto ako sa barko, pero lahat ng pangarap na iyon ay gumuho nung naging aware ako na mahal magculinary tapos parang mahirap humanap ng career pag ganoon plus hindi naman ako humahawak ng gamit panluto sa bahay.
These years bago ako mag 4th yr (siguro from 2nd yr- 4th yr) naconceptualized na sa isip ko na magtatake ako ng engineering course sa college. Hindi naman ako math-wiz gaya ng sinasabi nila na pag engineering student ka eh mabangis ka sa math. Marunong naman ako sa math, nakakaintindi naman ako, alam ko naman ang basics ng math at ang pinakamahalaga ay handa naman akong MATUTO pa eh kaya sa tingin ko eto na talaga, magiging engineer na ako paglaki ko. Gusto ko ito, at higit sa lahat gusto ng mga magulang ko. Mahirap din kaya mag-aral kung dinidiktahan ka nila, atleast ako, gusto nila at the same time gusto ko din naman.
Kaiba sa mga ibang bata, ni minsan di ko naisip maging doktor or nurse para gamutin ang mga taong may sakit. Ewan ko ba, para kasing nakakapanghina ang mga ganung scenario kung saan makakasaksi ka ng kritikal na buhay at mga may sakit. Bata pa lang kasi ako may takot na ako sa dugo plus injection pero hindi na ngayon.
Hindi rin pumasok sa isipan ko maging lawyer. Sa tingin ko, hindi para sa akin yun. Hindi pa sapat ang pagiging makatwiran ko para maging lawyer.
Di ko rin naisip magtake ng mga super out of this world courses or yung tipong super nerdy ang dating like paleontology, astronomy etc. Para kasing sobrang hirap ng mga ganung course. Ikababaliw ko yung mga ganun.
Tama na din siguro yung naging desisyon ko, isang Engineer na Writter, oh diba, malay niyo someday matatag pa rin ang daliri ko magtype ng mga kwento at maging Engineer witter ako at makapagpaDOMAIN na din ng blog. kasama yan sa mga pangarap ko, pero ngayon ang magagawa ko na lang ay mag-aral. Madami pa akong pagaaralan. 8 months pa sa hs, 5 years pa sa college. Madami pa akong matututunan.
--End
PS Sir sana po ok lang sa inyo ito : ]
Kung may gusto kayong post, ok lang tumatanggap ako ng request basta matripan ko lang gawan ng post.
11 comments:
Over the year, you'd been very supportive to KABLOGS and PEBA and we really recognize your blog contribution in our blogging community.
As PEBA 2010 opens its doors to all Filipino bloggers around the world, I am inviting to PEBA 2010, not only as a Supporter but as a NOMINEE for this event.
Please visit and join PEBA 2010 (http://pinoyblogawards.blogspot.com/), We're counting on you.
Life is Beautiful, Keep on blogging, keep on inspiring.
A blessed weekend to you and your family.
Maraming salamat sa pagtupad mo sa request ko.
Medyo marami ka rin palang ginustong course simula nung bata ka pa. Anung engineering naman ang gusto mong pasukin?
Engineering ang course ko eh. So I am an engineer(ing student and) writter, marami ka pang matututunan. Goodluck sa study mo.
Balak ko na ding bumili ng domain next month. abangan ko ang pagkakaroon mo ng domain para sa blog mo. daan ka lang sa blog ko, tulungan kitang ma-ayos ng mga settings. Medyo knowledgeable ako sa mga ganyang bagay.
pareho tayo, ayoko din magnurse o doctor pero huli na ang lahat, graduate na ako. haha. engineer na writer- alam kong matutupad mo yan.
bigla ko tuloy naalala 'yung time na tinanong namin ang utol kong sumunod sa akin. sabi niya, ang gusto niyang maging paglaki ay BASURERO!! pero ngayon, isa na siyang successful seaman.
maganda ang engineering parekoy. pagbutihan mo lang. at tulad mo, kahit na nasa mundo tayo ng mathematics ay paborito ko ring magsulat.
Marami na tau d2. Engineering na kurso at hilig mag blog! Same here! Graduating na din at last pero planning to study more next year, work muna! aeheheh!
Engineering ba gusto mo?Uhmm mula sa Engineering graduate ang masasabi ko lang...marami kang pag-aaralan dun na wala namang malaking maitutulong sa buhay mo!hahaha!Bro kung medyo mahilig ka sa math pwede yan, medyo nakakakulta kasi minsan ang mga mga numbers na yan!
Pero kung yan ang gusto mo!sige lang!
Ingat at salamat sa laging pagdalaw sa aking kwarto! Ingat
good luck lagi sa iyo..
Noong Elementary ako, sobrang telebabad ako. Madalas sabhin ng ate ko, paglaki ko baka ang trabaho ko ay taga sagot ng telepono. Hayz nag dilang anghel ata ang sis ko.Trabaho ko ngyon ay sumagot ng telepono,support engineer me. Hihihi.. Pero gusto ko dati maging Biologist.
ganyan talaga... habang lumilipas ang panahon eh nagbabago ang pananaw.
kung saan ka masaya eh duon ka...
atleast walang kontra sa gusto mo.
goodluck.
when I was young
at the age of 6 i've been dreaming to be a Priest
at the age of 12 a teacher
at the age of 16 newscaster
at my age now i'm dreaming to be a Pilot haha :))wtf right?
kung ano ang sinisigaw ng iyong puso, go ka lang!
goodluck sayo! matagal tagal na pag iisip pa yan, pwede pang magbago ang isip mo. :)))
Post a Comment