Tuesday, April 20, 2010

Tambay

Isang buwan pa lang ang nakararaan noong magsara ang school year at official na magstart ang summer vacation. Yes pinakahihintay ko ito matapos ang nakakasawang pagpasok sa eskwelahan kung hindi lang sa baon at kay cras eh hindi na ako papasok. Pero siyempre joke lang yun nuh. Sabe ko nga sa mga about me ko eh I value education pero minsan ang sarap pa rin magbakasyon diba.

Sa mga unang linggo ng bakasyon ay super enjoy naman ako dahil sa iba't ibang trips na aming pinuntahan tulad nga ng mga iba kong naikwento dito sa blog kuno ko. Nagharvest sa totoong farmville sa Nueva Ecija, Nagpalamig ng bongga sa mataas na lungsod ng Baguio, at lumublob at sinisid ang pool ng Adventure. So far ayan pa lang natapunan ng oras ko bukod sa araw-araw na computer-- facebook, blog, tumblr, at kung anu ano pang download pages sa paghuhunt ng mga bagong trends, at idagdag pa ang pagtetext habang nanonood ng paborito kong mga palabas-- PBB yan lang naman ang pinagtyatyagaan kong panoorin dahil dream ko din pumasok sa bahay ni big bro.

Ang tumal ng linggong ito. Nababagot na ako, siguro kung nakatira lang ako sa bukid ngayon eh ibabaon ko na lang ang sarili ko at babangon sa hukay pagtapos na ang bakasyon. I miss school-- ang mga tao sa school, ang baon pag may school. Nakakamiss din pala ang kabusyhan kasi naman sobrang boring ngayon diba bakasyon, walang magawa, walang pera.

Ngayon ko napatunayan na ang pinakamahirap na trabaho pala sa mundo ay ang pagiging tambay. Hindi mo alam kung paano mo uubusin sa maghapon ang oras mo kaya nga karamihan sa mga tambay ay kung anu-ano na lang ang ginagawa na minsan masama na sa lipunan.

Sana sa mga susunod pang weeks ay matuloy ang mga proposed pagkakaabalahan ko tulad ng ilang seminars, camps, at sana nga ay makapagenroll ako para sa review for entrance exams sa college. Kailanagn ko yun para kahit paano ay madagdagan naman ang aking alam para pag nagexam ako sa college.

Alam ko ngayon lang ako tambay kaya kahit papano ay nilulubos ko na rin to. Ang gulo talaga ng mga tao ano? Kung ano ang wala siyang hinahanap-hanap. Kaya talaga namang agree ako sa statement na ito..

Pag May Pasok ----SANA BAKASYON NA
Pag Bakasyon-- SANA MAY PASOK NA!


Oh sige, tatambay muna ako sa iba kong kuta. :]

6 comments:

Kosa said...

hindi magiging boring ang bakasyon sa iskul kung may Lablayf! hahaha

Lumablayf ka kaya ng slight? lols

Pero tama ka, sobrang bagal ang usad ng oras kapag walang ginagawa..hehe
ayus

Renz said...

@kosa lumalablyf naman ako di lang masyadong halata hahaha ^^ kaya minsan ang hirap pag nakatunganga hay hay

kosa said...

hahaha.
eh magdrugs ka kaya? lols

Joke lang parekoy...
oks lang yan! gwin mo nalang productive yung bawat boring moments mo... magblog ka! o di kaya magbloghop..lols

Sendo said...

haha...super agree naman ako sa post mong to...kasi official tambay ako eh..hinihintay ko na lang diploma ko ...saka na ko magpapapirma ng clearance haha..

sobrang mamimiss ko talaga ang pag-aaral ...naman oh T_T ..kaya lubus-lubusin mo ang college mo ha hehe....at sana eh pareho na tayong mapadpad sa ibang lugar upang magsaya dahil malapit ko na ring ibaon sarili ko sa lupa dahil sa boredom hehe

Renz said...

@kosa ay drugs ba? hahaha matagal na akong adik sa drug na yan..drugs ng pagmamahal ni tooot XD

@kua sendo lets find a way kung saan tayo nageenjoy hehe...matatapus din ang boredom na to at sigurado mamimiss din natin toh kaya enjoy na lang kahit super boring na

Glampinoy said...

Well renz, you can do away with pagkabagot during vacation by reading and writing more. You can also engaged in some hobbies like carpentry or pagluluto na pwedeng pagkakakitaan. pwede ka ring kumuha ng summer job kahit maliit ang suweldo.

Binigyan mo ako ng magandang topic sa blog. Magsulat din ako tungkol dito. Thanks ha!