Tuwing mga holidays, like Holy week, Christmas, Undas, or tuwing birthday ng aking lola eh umuuwi ang pamilya namin sa Nueva Ecija. Sa family ito ng aking mommy. Three times a year kami magkitakita magpipinsan pero kahit ganun parang sobrang miss namin ang isa't isa kaya super bonding nanaman ang aming ginawa, plus ang daming new experiences ngayong bakasyon na toh.
Holy Week + Bakasyon. Pano ba magcecelebrate ng holy week? bawal ang masyadong party party kaya ayun libot libot at nanood na lang kami ng nagpipinetesya. Yung may pinapalo pa sa likod na maraming sticks ng kawayan tapos dumudugo pa. Eto yung ilang pics so dumaan pa yan mismo sa harapan ng aming ancestral
house sa Nueva Ecija. Ako naman, kahit nakakita na ng ganyan eh parang nasabik ako kayta ayun nakipicture pa ako.Para akong touristang pilit sa ginagawa ko :)
Masaya naman ang panonood kahit parang nasasaktan ako sa ginagawa nilang pinetensya, pero sino ba naman ako para pigilan sila. Kanya-kanyang pananampalataya lang iyan.
Siyempre mawawala ba jan yung mga pictures ng bukid? siyempre hindi noh. Pero super thankful ang aming angkan kasi di kami affected masyado ng El NiƱo Phenomenon na grabe ang pakita sa ibang lugar. Sumakay pa kami sa kariton para pumunta sa isa pa naming plantation ng ampalaya at namitas ng marami. feel na feel namin ang farmville experience na to. Wala kasing ganun sa mga siyudad eh :) Sumakay pa ako sa kalabaw. Ang pangalan niya nga pala ay si putot :) eto yung picture namin :
Ang Kyut niya no? Pero ang bilis ng bakasyon. 3 days lang eh umuwi na kami agad. Sa June na ulit kami magkikita-kita kasi birthday ng aking lola sa June 86 na siya at bongga ang birthday niya taon taon :)
Pero di pa natatapos ang bakasyon. Yes this coming friday na ang International Leaders Conference sa Baguio City at excited na ako. 10k plus delegates from the whole philippines and first ILC ko kasi yun. kwentuhan ko na lang kayo paguwi ko :)
9 comments:
Siguro ang bigat ng kasalanan nila noh?ang cute nung kalabaw..hehehe
@kua mj siguro nga pero nasa panata daw yan. may tito ako jan di ko lang alam kung nasan siya jan. :) buti pa yung kalabaw kyut ako kaya? haha juk lang
beleyted happy easter! wow, buti ka pa, talgang bakasyon na... :(( ang layo pala ng probinsya nyio, nakakamiss tuloy bigla...kamusta naman ang farmville experience?hehe, por syur mas masaya yan kesa sa parmbil ng pesbuk :D nga pala,ngayon ko lang nakita, nag a-eyeglasses ka pala? muka kang genius.hihi... pareho pala tayo :)
@batanggala happy easter din :)
aun as what I'm expecting super enjoy ang farmville na actual kesa yung virtual
muka ba akong genius? hahaha adik naman..pareho ba tayo nakaeyeglass? wala pa akong nakikitang pic mo with face ehh lahat nakatalikod or may smiling face na drawing :) email mo naman sakin pic mo :)
wow naman mukhang happy ang bakasyon mo..goodluck!! ^_^
nice to know that di masyadong affected ang bukid ninyo d'un. ang cute ng photo op with Putot. Bakit kaya putot? at batang gala ka pala. enjoy your baguio stint.
Ading renz..xempre naman mas cute ka..hehe mas gwapo ka pag alang eyeglass..
kainggit haha, gusto ko din mkakita ng mga nagpepenintensya and makasakay din sa kalabaw. hahah. exciting!
@dark lady sobrang happy talaga :) salamat
@random student buti nga po at di ganung affected ehh..sagana sa tubig :) ay kaya nga po pala Putot yung name niya kasi naputol daw yung buntot niya kaya ayun hehehe, yap sure na maeenjoy ko ang baguio! excited na nga po ako
@kua mj ayan wala na akong eyeglass habang tinatayp ko to :) gwapo na ako kaso di mo makikita hehehehe
@keso wow di ka pa ba nakakaexpi ng ganito? super exciting kaya lalo na pag sumakay sa kalabaw medyo nakakangawit nga lang ang lapad kasi ng katawan ng kalabaw :)
Post a Comment