Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada? Yan ang tanong namin. Tunay ka bang isa samin?
Grabe sobrang sikat ngayon ng commercial na yan ni MV, isang kandidato sa darating na eleksiyon para sa pagkapresidente. Naisip ko lang, sa isang araw na paulit-ulit pinapalabas itong commercial na ito sa isang araw, at ilang araw sa isang linggo, at ilang linggo sa isang buwan eh sobrang daming pera na ang natapon doon. Hindi lang yon, ilang commercials na din ang nailabas niya? di ko na nga din mabilang. Pati mga TV personel pasimple pa sa pagaadvertise.
I'm not saying na mali ang ginagawa niya. Ano nga ba naman ang alam ko, ni hindi ko nga alam kung paano bomoto nor hindi pa rin ako botante. 15 anyos pa lang ako, magaaral at ewan ko ba bakit pati ang pulitika pinapasok ng isipan ko.
Back to the lyrics ng kanta. "Si V ang tunay na mahirap..."
Paano naging mahirap? Tignan mo lang yung sa commercial niya diba. Ewan ko ba. Ang politika talaga ang gulo. Tapos pag naluklok san kukunin ang pinangkampanya?
Tsk..isip-isip mga kababayan.
Related Posts:
15th President of the Republic of the PhilippinesHindi lingid sa kaalaman ng lahat ng may isip na ngayon ang araw ng panunumpa ng nahalal na bagong pangulong Benigno Simeon "Noynoy" C. Aquino III sa Quirino Grand Stand. Isa itong history na matatawag dahil matapos ang 9 na … Read More
Eleksyon Kwento ni RenzMarch 10, 2010. The day that will change the Philippines for the next years. Judgment day ika nga sa mga kandidato na kung anu-anong pabango na nga ang pinaggagagawa sa pangalan nila para lang maging karapat dapat sa posisyon… Read More
Bloggerong Politiko :Unang araw ng Hulyo, eto na rin ang araw ng botohan para sa KANLUNGAN Student Body Organization ng school namin. Isang normal na araw para sa karamihan. Araw naman ng kaba para sa akin. Eto na ang araw na judgement kung talag… Read More
Point of Information Mr/Ms Speaker...Napa OMG talaga ako dahil sa debate na yan (ayy OMG ibang party pala yon), I mean napaSMILE na lang ako ng matapos ang debate namin kanina sa harap ng madlang sangkatauhan ng eskwelahan namin. Nagkaharap na kasi kanina yung 2… Read More
at dahil eleksyon...Swimming dito, swimming doon. Handaan dito handaan doon. Grocery dito grocery jan at kung saan saan. Pero ano ba ang koneksiyong ng mga ito sa ikukwento ko ngayon?Last Saturday, since fiesta dito sa amin nung linggo (akalain … Read More
5 comments:
BASE!!! oo tama ka renz..
nakakabaliw pa minsan dahil LSS ako jan sa lintik na kantang yan/ wahahahaha
Hindi nmn cguor nya gawin yun kung wala syang sapt n budget, eh kung ganun mamumulubi si Villar, anyway, let us wait sa darating na election para malamn natin.
magandang labanan to between Villar and Aquino!
Pera sa Pera!
pakulo sa pakulo!
akooooo...
ako ang tunay na mahirap.
pero Hindi ako naliligo sa dagat ng basura!
mahirap ka na nga, sa Dagat ng Basura ka pa maliligo?
sa malinis na tubig na ahhh!
taena! hehehe
perstaym ko po dito
teka walang kinalaman ang comment ko sa post mo... hehehe kasi kahapon pa yata ako galing dito sa kuta mo at simula nun di na nawala ang kanta mo sa utak ko... hahahaha
nice blog parekoy
@aneng..natatawa na nga lang ako pag naririnig ko yung kanta LOL..
@tim yun na nga lang ang magagawa natin.maghintay at para sa inyo--bumoto..Di pa kasi ako botante
@Kosa di ka tunay na mahirap..nakakapagblog ka nga eh :LD
@saul yung back at one po ba?
Post a Comment