Friday, January 22, 2010

Luha

Luha---isang bagay na maaring magpayahag ng damdamin mapamasaya man o malungkot. Para sa ilan kagaya ko, ang luha ay mahalaga. Once na pinakawalan mo ang luha, hindi mo na ito maaaring maibalik sa mga mata mo. Ang luha ay isang kayamanan- na pinawawalan lamang para sa mga taong may halaga sa iyo.

Ang luha ay nagpapakita ng pagmamahal para sa isang tao. Kapag lumuha ang isang tao, mapabata man o matanda ay tiyak ang pagmamahal nito. Isipin mo, iiyak ba ang isang bata kapag iniwan siya ng mga magulang niya kun hindi niya ito mahal, o iiyak ba ang isang bata pag inagaw ang kendi niya kung hindi niya mahal ang bagay na iyon?

Pero bakit sa mga panahon ngayon, ang dali bumuhos ng luha? Parang sa mga pagkakataon na tumutulo ang mga luha mula sa aking mga mata eh napapaisip ako, sayayang naman yang luha na yan, para na lang sana sa taong mamahalin ko.

Wagas ang pag-ibig kapag may kasamang konting tampuhan at sigalot---napapaloob na dito ang luha. Ito ang nagpapatibay sa samahan ng isang couple. pero pano pag iniiyakan mo na pala ang maling tao? Wagas man ang pagmamahal mo para sa taong iyon, nonsense parin dahil di naman mahalaga sa kanya ang bawat luhang pumapatak sa iyong mga mata.

Ang saklap pero totoo. Sa buhay natin, hindi natin alam kung tamang tao na ba o hindi ang pinagtutuunan natin ng luha. Minsan nagstick tayo sa pagaakalang tayo ng mahal natin at pagnalaman ang masaklap na katotohanan ay may isang bagay na masasayang--ang luha.

Hindi ko rin masisisi ang mga taong umiiyak sa maling tao, dahil isa rin ako sa kanila. Isa rin akong tao na sa tingin ko ay sobrang dami nang luha ang inaksaya. Isa ako sa mga taong inakala ang pag-ibig na wagas. Isa ako sa mga simpleng kabataang lumuluha, sa mga maling bagay.

Mahirap pigilin ang luha. Pagtutulo na yan, wala ka ng magagawa. Ganun din ang love diba? Kaya gaya ng luha, huwag aksayahin ang love sa mga bagay na hindi mahalaga, dahil malay mo, gaya ng mata na napapagod sa pagluha, ay mapagod ka na rin sa paghmamahal.

T.T

13 comments:

Arvin U. de la Peña said...

at madalas kapag lumuha ka ay naiiyak ka,hehe..

Anonymous said...

sang ayon ako. nice.

Glampinoy said...

Luhaan Ka? Okay lang iyon. Lahat ng pangyayari sa buhay ay nangyayari sa isang dahilan rulad ng pagdaloy ng luha. At iyong maraming iniyakan? ay sila ang may makulay na buhay!

Salamat sa dalaw ha. Hope you come back.

RED said...

wag lang patutuyuin ang luha,,

Kenzo said...

emotero :D

Dhianz said...

ahlab 'ur entry! hmm... san bah akoh magsisimula?.. tic tac tic tac time koh eh... uhm... luha... ahhh.. i think lahat tayo siguro eh sobrang yamin nah kung may halaga ang bawat luha... eniweiz.. hmm... parang that's not wat i'm tryin' to say eh... ewan koh... ahhh... dme koh na ren atang nailuha sa pag-ibig... pero totoo.. sometimes nde moh alam worth it pa bah yung taong pinagtutuluaan non.. pero in fairness lately i'm not cryin' 'cause of lovin' someone... i think i'm cryin' more 'cause of meeh.. why kayah?... sikreto.. hahah... nde maemo lang minsan lola moh... haha.. sensya na 'lang sense.. pero lab 'ur entry.. ingatz.. Godbless! -di

Deejimon TV said...

Hindi dapat pinipigil ang pagluha. Dahil ang pagluha ay kasama sa pagpapahayag ng ating emosyon at natural lamang ito sa ating lahat.

At ang pagluha ay magandang paraan sa paglilinis ng iba nating body organs lalo ng ating mga mata at maliliit na tissue na nakapaloob dito.

Pinoy Blogger Money Maker

I got free text messages friendship Quotes|Romantic Quotes|Valentines Day Text Messages|Bob Ong Quotes|cheesy pickup lines

Deejimon TV said...

Renz, ano nga ulit email mo? magsesend kc ako sau ng mga ka emohan ko na poem eh..

KESO said...

ouchhhhhh, emo monday na nman ako hehe.

kapangarigan said...

Pigilin mo ang iyong luha, sapagka't kapag hindi mo ito napigil tutulo rin pati sipon mo at tiyak pati laway mo makikihalo.

Napadaan lang po.

Deejimon TV said...

Renz...sali ka naman sa contest ko oh...

You are invited to Llama's Choice Award 2010

kastoy said...

Na ban yung kaspangarigan blog ko.

Huwag kayong maglalagay ng affiliate links baka ma ban din kayo. Against TOS pala yun. :(

Deejimon TV said...

hello!

Your blog is nominated in Llama's Choice Award! It is now competing for "Personal Personalized Blog" and "Most Controversial Blog".

Check Out Your Rivals!