Friday, January 15, 2010

History Reapeats itself..

Naglalakad ako papunta sa computershop habang nagtetext dahil nga addict ako sa pagtetext e kahit san dala ko ang cellphone ko. Siya lang ang katxt ko kaya alam ko na sa kanya galing ang mensaheng kakatanggap ko pa lang.

Binasa ko ito.at nagreply ako

"ahm..pede ka ba maging bestfriend, para meron na din akong bestfriend na boy"

"oo. sige."

Halos magiisang taon na ng nangyari ang mga kaganapang ito. Naging magbestfriend nga kami at tulad ng nasabi ko sa iba kong blog post eh hindi rin nagtagal ang aming pagiging bestfriend sa hindi ko alam na kadahilanan.

Nitong mga nakaraang araw. Nilapitan niya ako noong uwian na. May sasabihin daw siya sa akin. Ilang araw ko din siya kinulit para sabihin iyon. Ewan ko ba. Parang galak na galak ako at naeexcite malaman yung sasabihin niya hanggang kaninang bago maguwian.

Dahil nga tinatamad akong magsalita (err) kumuha ako ng papel sa sahig at sumulat sa papel ng mga salita "sabihin mo na kasi" at sabay sitsit sa kanya at pakita ng papel.

Kinuha niya iyon at doon nagsimula kaming magusap tungkol sa bagay na gusto niyang sabihin hanggang sa marating ang main point.

"Pde k vang maging bff ult?" yan ang nakalagay sa scratch papers (madami kasi) na tila umano ay sinulat sa steno pero nabasa ko pa rin.

Eto nanaman. Another step towards her.

The main thought is this. Dapat alamin ko lang yung limitasyon ko ng MABUTI. never fall again kasi HINDI PWEDE. Inuulit ko HINDI PWEDE.

I can handle this situation better, I bet. But for now, I am just happy. The relationship is back.

At the end of the day, para akong lumulutang sa tuwa. Is that the right term? No! Siguro na miss ko lang siya ng sobra dahil sa isang taon na di ganun kagandang samahan.

Salamat sayo. Pinasaya mo araw ko.

PS..bago pala mangyari ang lahat kanina ay humingi ako ng sign at nagkatotoo ang sign. LOL. Pero sabe nga sa quote. "Kahit gaano karaming signs pa ang dumating, kung hindi kayo para sa isa't isa, eh hindi talaga kayo"

Related Posts:

  • May award ako :DAng saya ko.. Yahoo..nalaglag pa ako sa upuan sa sobrang kaexcitedan ko ng makita ang comment ng BNP sa chatbox ko..! Woaaaa....Pasok ako sa hall of Fame this week..! Grabe na toh.. Nakakataba ng puso..Salamat sa lahat ng nag… Read More
  • 16 at 16th*warning late post :) sorryApril 16 1994, 8:07 am bumuka ang langit at pinanganak ako (joke lang). I was born on the said date at St. Lukes Medical Center in QC. Sabi nila it was expensive daw dun sa hospi na yun pero ewan ko… Read More
  • Last Day for the school year 2009-2010This day, halo-halong emusyon ng saya, kaba at pagkadismaya ang naramdaman ko. This is the final day of the school year. 10 months of studying is over pero MAY TWIST. Ngayong araw din kasi ang pinakaaabangan at pinaghandaang … Read More
  • History Reapeats itself..Naglalakad ako papunta sa computershop habang nagtetext dahil nga addict ako sa pagtetext e kahit san dala ko ang cellphone ko. Siya lang ang katxt ko kaya alam ko na sa kanya galing ang mensaheng kakatanggap ko pa lang.Binas… Read More
  • 1 month to go.July 4, 2009, yan ang date ng una kong post meaning to say magiisang taon na din pala ako sa industria ng pagsusulat at pangaaliw ng mga mambabasa na hindi ko sukat akalain na lolobo ang bilang niyo. Lubos kong ikinatutuwa (W… Read More

4 comments:

Arvin U. de la Peña said...

history repeat itself.......kapag championship na ng basketball sa PBA o NBA ay nababasahan ko ang salita na iyan..halimbawa na lang sa best of 7 ay kahit down 3 na ang kalaban ay puwede pang sila ang manalo..may mga team na kasi na nakabangon mula sa 0-3 na standing at nanalo pa..

BatangGala said...

sows! yiheeeh... hapi por yu, howp tings wil get beter na, dis taym...oha!umiinglis si batanggala oh...bwahahaha! yon..wala lang namiss ko magkoment dito. :D

2ngaw said...

Ayos ah! Good for you parekoy, ang mahalaga may natutunan ka sa nakaraan at sana magamit mo sa kasalukuyan :)

Renz said...

@batanggala salamat..sana magkaganun na nga

@LordCM tama..madadala ko yan..