Friday, December 31, 2010

Last Words for 2010

Akalain mo, magsusulat nanaman ako ng last words para sa taong ito. Parang Kailan lang eh sinulat ko yung Last Words for 2009 ko tapos ngayong napalitan ng 2010 yung 2009. Ang bilis ng panahon talaga. Parang bawat araw na dumadaan ay isang kurap lang. Siguro dahil busy ako kaya parang ang bilis ng oras ko.

Kung susumahin, naging maayos naman ang taong
2010 sa akin. Ang taon na nagbukas sa akin ng maraming opportunidad lalung lalo na sa larangan ng pagsasalita. Ilang beses kasi akong nagemcee, nagtalumpati, ininterview, pinadala sa ibang school para makipagtalastasan. Inborn kasi akong madaldal. sabe ng nanay ko bata pa lang ako eh madaldal na ako. Aminado naman ako. Itong taon na to ang taon na nadevelop ko ang sarili ko sa larangang iyon.

Congratulate me. Hindi ako naging masyadong emosyunal ngayong taon. Siguro nung mga unang part lang. Aftershock lang yung ng 2009 nightmares ko. HEHE

Ngayong taon din na to, mas bumigat ang responsibilidad na inatang sa balikat ko. Officer ako sa isang school club. Sa community naman eh hawak ko pa ang south Bulacan Kids for Christ bilang Sector Kuya. Pero habang bumibigat yung mga trabahong nakaatang sa balikat ko, doon ko nakikilala yung mga kaibigang handang tulungan akong magbuhat. kaya kasabay ng mga responsibilidad na lumalawak ay ang pagkakaibigang lumalalim.

Kahit na mahina pa rin o masasabi kong wala pa rin akong stable na love life (dahil bata pa naman ako), masaya pa rin ang taon. Masaya makipagbonding sa mga kaibigan. Susulitin ko muna to bago magfocus sa iisang tao lang. (hindi bitter toh XD)

Last words for 2010?

Dear 2010,

Thanks sa napakalaking impact na ginawa mo sa buhay ko. Sa pamilya man, sa eskwelahan, social life, spiritual life at kung anu man sa life ko. Masasabi kong sa mga panahon na kasama kita eh medyo naging matured naman ako. Nakasaksi ka sa maraming paghihirap ko at kasama kitang magdiwang ng matapos ang mga iyon.

Ngayon, ilang oras na lang ay aalis ka na, darating na ang kapatid mong si 2011. Pakisabi naman sa kanya na maging mabait siya para a akin at sa pamilya ko. Tulad mo, sana maging maayos kaming magsama. Sana sa darating na 2011 eh lalo pa akong magmature. Pati sana looks ko ay magmature din. Yung poging pogi ba. HAHA

O cya, baka mahuli ka na sa party mo mamaya. Salamat ulit sa lahat

--RENZ


Sa lahat, Happy New Year! Salamat at naging parte kayo ng SULATKAMAYKO ngayon sa kanyang 17th month at ikalawang New Year Celebration.

PARTEH PARTEH!

Thursday, December 30, 2010

Year End Awards


Isang taon nanaman ang magtatapos. Sa loob ng labindalawang buwan ng patuloy kong pagbloblog eh mas madami akong nakasalamuhang bloggero at bloggera kahit sa internet lang. aaminin ko, mas lumawak ang mundo ko dahil sa blog. Mas madaming kwento ang aking nababasa. Mas madaming experiensiya ang aking nasaksihan.

Sa taong ito, masasabi kong mas sumaya ang buhay blogging ko. Mas lumago ang communidad na ginagalawan ko sa blogging world. Kaya naman, bilang pagpupugay sa mga natatanging blogs na pumukaw ng aking damdamin at nag-inspire lalo magblog sa mga susunod pang mga taon, narito ang isang simpleng award.

Wala naman pong value ang awards na to at hindi kasing prestiyoso gaya ng sa iba. Ito ay simpleng recognition para sa inyo.

Una sa listahan ko,
THE CARTOONIST AWARD
para sa blogger na talaga namang napapaWOW ako every time na may bago siyang post dahil hindi nawawala ang mga litrato na karamihan ay GAWA NIYA mismo. Sobrang talented nitong blogger na ito kaya para sa kanya talaga itong award na ito.
Para kay sir MOTS ng TEACHERS PWET

Ikalawa sa listahan,
THE INSPIRING BLOG
Very positive ang outlook sa buhay, ganyan ko nakilala si sir George ng PALIPASAN. Hindi niya ako nabigong maimpress sa mga gawa niytang nakakaenlight namang talaga. Karapat dapat na ikaw ay tumanggap ng award na ito.



Ikatlo sa listahan,
THE LITERARY IDOL AWARD
Siya na ang talented gumawa ng kwento, tula at haiku. Hindi niya ang nadisappoint sa mga kwento niya. Lagi pa akong nabibitin. Sobrang idol ko to sa simula pa lang na nagblog ako. Kaya sir PANJO ng TUYONG TINTA NG BOLPEN, para sayo ang award na ito.

Ika-apat sa listahan,
THE PICTURESQUE BLOG
Para naman ito kay sir ANTON ng PUSANG KALYE na talaga namang nakakabilib ang mga shots. Kaya nga nominee ko siya for TABA 2010 eh. Kakaiba talaga. Hindi ko mapigilan mainggit at magsabing "bukas magkakaroon din ako ng DSLR" haha. Sir, para sa inyo ito.


Huli sa taong ito,
THE PROMISING AWARD
Ito ay para sa blogger na nakikita kong maganda ang future dito sa blogging world. Isa siyang OFW na kasing tanda ko lang. Hanep nuh, pero ang husay niya magsulat. Kilala niyo na ba siya? Edi si JANINE ng BATANGGALA. Etong ka-batch ko na to eh nagiimprove na sa kanyang mga akda. Mapapiksyon man o realidad. Idagdag pa ang nakakatuwang pakikipagusap niya sa kanyang sarili. Oh diba promising talaga. Batanggala, para saiyo itong award na ito.

Sa mga hindi nabigyan ng award, hindi naman po ibig sabihin eh hindi ko gusto ang blog ninyo. Gusto ko din po pero ang mga blogs na napili sa itaas ay ang mga blogs na pumukaw sa aking damdamin.

Sa lahat naman ng makakabasa neto, Salamat dahil naging parte ka ng sulatkamayko ngayong 2010.

Sa mga awardees, salamat sa inyong blogs. Keep blogging.

Sa susunod na year end meron ulit.

Wednesday, December 29, 2010

Pamilya Asuncion

Sa paglipas ng panahon, di ko namamalayan na unti-unti na ngang lumalaki ang pamilya namin. Dati tuwing Pasko kami pa yung mga bata na sobrang excited sa mga palaro at regalo. Ngayon may pumalit na sa henerasyon namin--ang mga pamangkin.

Taon-taon, hindi kami pumapalya umuwi sa aming probinsiya sa Nueva Ecija. Isang payak na probinsiya kung saan sumibol ang aming pamilya. Palibhasa ay pinalaking maayos at ika nga eh close, nakaugalian na ng mga magulang namin na magreunion tuwing mahahalagang okasyon gaya ng Pasko, New Year, Undas, Semana Santa at tuwing birthday ni Inang--ang reyna ng aming pamilya.

Tuwing sasapit ang reunion na to, makikita mo ang bawat isa na successful na. Aba, siyempre hindi pahuhuli ang aming pamilya kung sa dami ng professional lang ang labanan. Yung dati kong mga kalarong pinsan na matatanda ngayon ay mga engineer, mga teacher, nurse, architect, chef, dancer, singer, housewife at ofw na. Ako naman eh malapit na mailinya sa mga propesyunal na yan-mga ilang taon na lang ang bibilangin.

Maipagmamalaki ko na wala sa pamilya namin ang adik. Kahit na may sisiga-siga eh wala namang gumagamit ng droga. Kahit na maarte sa katawan eh wala naman ang maagang nabubundat. Kahit na hindi naman gaano kaangat sa estado ng pamumuhay eh lahat nakakatapos. Ang ganda ng pagpapalaking ginawa ng aking inang at tatang. Utang namin sa kanila ang close relationship ng pamilya namin ngayon.

Eto ang ilan sa mga kuha noong nakaraang Christmas Party

Our Christmas Tree with gifts from our architect cousin

My Nephew Lee, a 4-year old boy dancing Micheal Jackson

During the Hep Hep Hooray Game

Asuncion Family Pose 1

Asuncion Family Pose 2

Di man kami kumpleto ngayon, darating ang panahon na makukumpleto din yan. :]

Tuesday, December 28, 2010

TABA 2010


First and foremost, I would like to greet everyone BELATED MERRY CHRISTMAS.
As usual kasi wala namang internet sa province maliban sa FB mobile. So walang blog for 4 days. Tigang :]

Anyways, I saw this blog awards at gusto ko lang mag nominate. Sobrang bilib kasi ako sa mga taong to kaya i-nonominate ko sila.

About TABA
i-click lang ito


Photoblogger of the Year

Alam ko naman na alam niyo na astig ang mga photos niya at walang duda kung bakit idol ko siya sa larangan ng photoblogging. :]
I respectfully nominate Sir Antonio Magno Carranza Jr AKA pusang kalye.
Ma-amaze ka sa mga pictures niya dito

Husay Managalog na Blogger of the Year

I respectfully nominate Sir Alexis Gutierrez AKA GOYO
Husay talaga magtagalog. Pinoy na Pinoy!
Eto ang kaniyang blog

Eto na muna sa ngayon :]
hehe

Gusto mo ba magnominate din ng iyong bet?
O gusto mo ba ako i-nominate (haha.biro lang)
Basahin lang kung paano

Thursday, December 23, 2010

Happy Birthday JESUS!




Pasko2010

Sa pagsimoy ng malamig na hangin ng Disyembre

Aking unti-unting nadidiskubre
Pasko nga'y tila nag-aabang na
Waring sumusungaw na sa aming bintana.

Ang bilis, tila ito'y isang kidlat
dumarating na siya, kasimbilis ng kindat
Hatid niyang saya ay mararanasan nanaman
Anu kaya ang nasa kahong iyon? Nais ko nang malaman.

Sayawan, kantahan, kainan at kwentuhan
Samahan pa ng malalakas na halakhakan
Pagkatapos ay bigayan na ng regalo
Ang pinakamasaya sa lahat, wala ng makatatalo.

Iyan ang Paskong Pilipino
Ang pinakamasayang Celebrasyon, Aminin mo!
Kaya naman itong Blogerong ito
Ay bumabati sa inyo ng Maligayang Pasko!

Maligayang Kaarawan sa'yo O Jesus
Ang tagapagligtas ng mundo na ipinako sa Krus
Nang dahil sayo ay mayroong Pasko
Maraming Salamat sa Pakong iyong Regalo!

Monday, December 20, 2010

Goodbye toys

Nag gegeneral cleaning kame ngayon at siyempre nalabas lahat ng mga gamit ko--simula siguro noong 5 years old pa ako. Nakita ko ulit yung mga laruan ko-- mga kotse at kung anu-ano pang mga laruan.

Nakakatuwang isipin na mahigit 10 years pa nung una kong nilaro yung mga laruan na yun at ngayon eh laruan pa rin sila. Nasa mabuti pa silang kondisyon. Pwedeng pwede pang laruin maghapon. Pero ako na mag-lalaro eh wala ng oras para sa kanila. Kaya nga sa pagdaan ng panahon eh nakalimutan ko na may mga laruan pala ako dati. Naiburo ko lang sila sa isang lalagyan. Hanggang makita ko ulit sila ngayon.

Nakakatuwang mag-reminisce ng mga times na nilalaro ko yung mga laruan na yun. Maghapon, dito sa bahay namin kasama ko ang mga kaibigan ko noon na ngayon eh chicks na ang laruan. Nakakatuwang isipin yung mga pagkakataon na nag-aagawan pa kami kung kanino ang laruan na yon etc.

16 taon na ako. Di naman na siguro tama na maglaro pa ako ng mga ganyan mag-hapon. Kaya kahit na nalungkot ako noong nalaman kong ipapamigay na yung mga laruan ko eh wala naman akong magagawa. Mas mabuti na yun kaysa itago lang sila sa ilalim ng kung anong taguan.

Isang plastic na pula. Doon ko sila itinabi saka ibinigay sa aking maliit ng pamangkin. Medyo mixed emotions talaga ako. Alam mo yung maluha-luha ka dahil kasama ng mga laruan mo na yun ang lahat ng ala-ala ng kabataan mo.

Pinakita ko sa kaniya yung mga laruan. "muel, ganito yan laruin. Tingnan mo itong train, ganito yan buuin. Magiging robbot yan. Eto yung favorite kong kotse. Ingatan mo yan ha."

Ngiting abot tenga ang naging sukli ng aking pamangkin sa mga regalong yun.

"Oh, anung sasabihin mo? babawiin ko yan."

"Thank You!" Sabay yakap at kiss sa akin.

Ok na siguro yan. Mas maganda dahil may maglalaro na ulit sa mga laruan na yun. Alam ko mas madaming saya ang masasaksihan ng mga laruan na yun.

Di na ako bata.
Paalam na sa mga laruan. Wala man ang mga laruan na naging kasama ko sa pag-laki, mananatili naman ang mga ala-ala.
Naiiyak ako. weird

Saturday, December 11, 2010

SMP

I know right, usong uso ngayon ang abbreviation na SMP dahil sa commercial ng to the left to the left bottomless ang saya. Kung iisipin ang OA diba, Paskong pasko tapos ikaw magmumukmok. Yung tipong 24 ng gabe tapos noche buena na eh umiiyak ka sa kwarto tapos nakasandal ka sa pader habang dahan-dahan na nagi-islide pababa. Sarap mo tuktukan pag ganon. Anyways, di ko naman sinasabi na mali. Ang sa akin lang eh why not enjoy. Paskong pasko ganun ka.

Anyways, yeah right, SMP ako. Samahan ng Malalamig na Pasko. Kelan ba uminit ang Pasko eh December yun? Haha. Joke lang. Kahit SMP man ako eh ayos lang dahil SMP din ang sagot sa ka-SMP-han ko.

SMP= SARAP MAHALIN NG PANGINOON.

Amen!

Naghahanap ka pa ng iba eh anjan naman si God. San ka pa? Kahit SMP ka, tandaan mo, SMP- sarap mahalin ng Panginoon.

Wednesday, December 8, 2010

Smile day in RENZ way

Bisitahin ang page. Click mo ang SMILE

December 8, 2009, last year yun, nagsimula ang adbokasiyang ito. Ito ay isang advocacy ng co-blogger na si Mr. Charlie Montemayor o kilala sa tawag na LordCM.

Ngayon, December 8, 2010 na. Isang taon na ang nakalipas noong una akong maki-smile sa kanila kahit sa harap lamang ng monitor ng PC namin. Nakakatuwa. Nakakawala ng stress, ng lungkot. Naaalala ko pa nga nung mga panahon na yan eh super lungkot ko kasi nga basta. Secret na yun. basta SMP ako noong mga panahong yan. Ngayon, single man ako masaya pa rin naman.

Nabalitaan ko na mayroong SMILE PROJECT sila LordCM at sobrang nanghinayang ako dahil hindi pa ako pwedeng makatulong sa kanila dahil sa mga kadahilanang: nag-aaral pa lang ako at high school pa lang ako, malayo ang Bulacan sa Baguio, wala akong pamasahe, di ako papayagan kasi hindi nila alam na nagbloblog ako and joining this advocacy this time ay hindi pa napapanahon. Siguro soon.

Pero kahit na nandito lang ako sa amin sa Bulacan, hindi naman ako nabigong magpasmile ng mga tao ngayong araw, lalong higit yung mga bata na tinuturuan ko. Sa mga hindi po pala nakakaalam, teacher po ako tuwing Wednesday. Katekista po ako. Walang sweldo, walang subsidiya, estudyanteng guro lang.

Kanina sa klase namen, hindi na ako nag lesson. Nagkaroon na lang kami ng Mini-Party. Puro saya, sayaw, kanta, games at prizes. Sobrang natuwa ako sa mga maliliit na ngiti ng mga grade 1 na hawak ko. Sa simpleng mga kendi lang ay ang laki-laki na ng ngiti nila. Lahat ng bagay na binibigay ko sa kanila naaapreciate nila.

Sobrang natuwa lang ako sa sinabi ng isang bata, "Sana po maging teacher din po si kuya Louie kasi po para marami pa siyang maturuan at mapasayang mga bata". Yan ang mga salitang bumuo sa araw ko. Sa isang grade 1 na bata nagmula ang mga bagay na iyan.

Kung tutuusin mga kendi at stars lang ang naibigay ko sa mga batang yun. Wala akong ganong kadaming perang pambili ng mga bagay tulad ng mga damit at kung anu pang bagay na gusto nila. Gaya sana ng mga bata, matuto tayong i-appreciate lahat ng bagay na natatanggap natin. Matutong iappreciate ang lahat kahit sa isang SMILE lang.

Ngayong araw, mag smile tayo. Ngayong linggo, magsmile pa rin tayo. Ngayong buwan, sige smile lang. Buong taon, tara, smile tayo dahil wala ng mas gaganda sa mundong puno ng ngiti.

Happy Smile Day!

Sunday, December 5, 2010

Dear Santa

Dear Santa,

Hey with a capital H. Kamusta jan sa North Pole? Kamusta yung mga friends ko na usa jan? Kumakaen ba sila ng maayos? Siguro ready na kayo mamigay ng regalo ngayong pasko.

Obviously Santa, 20 days na lang at Pasko na so nagsusulat ako ng isang sulat sa inyo (malamang) para alam niyo na, huminge ng onting regalo para sa Pasko. Alam mo kasi santa, ang baet ko ngayong taon. HAHA.

Sana, eto lang po sana yung mga wishes ko.

1.
Acer Laptop yung maganda yung specs. Gusto ko po i7 para mabilis at astig diba. Santa, magagamit ko naman po ito sa pag-aaral ko. You know, hirap kasi ng iisa lang ang PC sa bahay tapos pareho kayong magkapatid na magaagawan sa paggamit. Ayoko ko po manakit ng kapatid eh. So kung magkakaroon ako ng ganito, bawas problema na yung ate ko. XD

2.
DSLR (Digital single-lens reflex camera). Alam mo santa, isa akong frustrated photographer. Sobrang kating kati ako mamicture kaya kung kani-kaninong cam yung ginagamit ko. Pati nga po VGA cam pinapatos ko na. Makapagpic lang ako. So para naman hindi na ako mafrustrate sa tuwing nakakakita ako ng mga ganito eh magkaroon na din ako. HOHO

3.
Supra na sapattos. Santa, bakit ganoon, yung mga hiphop dancers kelangan nakasupra pag sumasayaw. Hindi naman po ako hiphop dancer pero gusto ko ng supra. Para kasing masarap sa paa. Parang di ka mababasa pag bumaha. HAHA.

4.Kung hindi naman po maibibigay yung supra, kahit havaianas na lang po. Yung black po ha. Gusto ko po kasi santa kahit minsan makasuot lang ng mga ganyang tsinelas. Kahit na once a month ko lang gamitin. HAHA.

Yun lang naman santa ang mga material wishes ko. Alam ko naman na hindi mo pa kaya ibigay yan ngayon. Siguro sa mga susunod na Pasko eh kaya mo na. Kung maibibigay mo man po yung iba jan, Thanks. Kung hindi naman, I hate you. Joke lang po santa. Siyempre thanks pa rin.

Pero ang wish ko talaga Santa eh makasama ako sa 18th International Leaders Conference sa Cagayan de Oro 4 months from now. Birthday gift niyo na din sa akin yun kasi birthday ko yun. Pwede rin naman po na graduation gift na din. basta gusto ko lang makasama doon kahit walang laptop, dslr, supra at havaianas.

Love,
Renz

PS. saka po pala santa ayoko maging member ng SMP. HAHA
Pwede naman po maging masaya ang Pasko kahit single diba? XD

Thursday, December 2, 2010

Last Field Trip for HS

It's been a while since I last updated my blog. Sorry for that. OMG ayoko na po umenglish. HEHE. yeah mga 1 week na din nagkanet pero 1 week din wala maiblog.

Anyways, since past na yun at ang mahalaga ay may kwento ako so ikwekwento ko
na nga. Eto na nga.

Last November 29, 2010, nagkaroon kami ng field trip sa school namin. It's no ordinary stories to be heard sa mga panahon ngayon dahil ngayon ay field trip season. Actually, normal trip lang naman talaga ito para sa amin mga tumatandang estudyante dahil madaming trips na rin ang nasamahan namin. Ang nagpaimportante lang dito eh dahil HULI na ito sa buhay namin bilang mga high school. Nakakalungkot nga kasi hindi pa lahat sa amin eh sumama. Ayus lang, we have retreat pa naman eh pero it's another story.

Ok. Pumunta ang school namin sa Subic, Zambales, ang pinakahot ngayon para pagdausan ng mga field trips. We went particularly sa Ocean Adventure, Zoobic Safari and Duty Free. (Alam niyo ba noong araw ng field trip namin eh doon mismo tumaya sa duty free yung nanalo ng lotto? TSK. Sana ako na lang hehe)

Back to story. Ang usapan sa school eh 5 o'clock daw ang alis and guess what, 5 am dumating ang mga bus. Pero ayos lang. We make the most of out time KODAKING ourselves sa madalim na gym ng school.
Here are some samples:



And then after that, nagstart na ang medyo mahabang byahe from Bulacan to Subic. Hindi naman naging boring ang aming byahe kasi napakakwela ng aming tour guide. Ang dami niyang trivias. Bawat madaanan eh may trivia. Tinanong ko nga siya kung hindi ba siya napapagod, hindi naman daw. Sa tingin ko kaya ko din mag daldal ng ganoong kadami/katagal since madaldal naman akong tao. (in a good way)

Sa Ocean Adventure, meron kaming 4 shows na napanood. Yung una yung sa Sea Lion Marine Patrol. Actually, pagpasok nung Sea Lion, naawa ako sa kanya. Parang pagod na pagod na kasi siya pero he never failed to impress me. Napakahusay na nilalang. Sea Lion na dumidila, nangkikiss, kumakaway at nageexhibition for the sake of a fish. TSK

Next naman eh yung Dolphin and Whales show. Yun naaliw lang din ako dahil isipin mo, mga dolphins naglalakad sa tubig. Ang cute nila. Parang si Dollie sila sa Agua Bendita. Tapos may show din na nagtratrapaulin sila something like that at yung last eh yung sa Jungle Survival.

After that, kumaen na kame ng lunch na provide ng Ocean Adventure then byahe na papunta sa Zoobic Safari.

Sa Safari, puro hayop lang naman din ang makikita mo. yung pinakaexciting na part na CLOSER ENCOUNTER kung saan nakasakay kayo sa jeep tapos hahabulin kayo ng Tiger eh naging boring sa amin. Di na kasi kami inallow na bumili ng pagkain pampahabol sa Tiger kasi over fed na daw yung mga Tigers kaya medyo boring. nakakapagod lang maglakad lakad sa zoo.

And the happiest moment is the bus ride. Super enjoy kami to the point na lahat kumakanta. Flash dito, flash doon. Parang wala ng susunod. Ay, wala na nga pala talagang kasunod yun. Maybe sa college pero that will be another story.
I really enjoyed the trip lalo na sa bus. At lalong naging enjoy pag naiisip ko na last na to. Next year siguro ibang field trip na ang ikukuwento ko.

Thursday, November 25, 2010

random.01


.I love you.
..Weh ang lakas ng trip mo ah.
.ayaw mo ba?
..ahmmm
.gusto rin. aminin.
..wenks hindi kaya.

..di nga?
.oh, nadala ka naman agad. Ikaw talaga.
..wala lang

..kamusta na kayo ni....?
.ayos lang. Bakit siya nanaman pinaguusapan natin?
..wala lang.
.ikaw puro siya na lang nasa-isip mo
..(mali ka doon. ikaw lang ang laman ng isip ko) siyempre siya lang naman ang magandang pag-usapan para sayo.
.di rin.

.geh alis na ako.
..(wag muna. O cge. I love you too na. Wag mo ko iwan. Dito ka muna please) geh ingat ka.

-----
sorry wala akong ibang outlet eh :]
joke.
wala kasing internet sa bahay kaya di ako makapagpost ng maayos.
Babawi ako next time :]

Friday, November 19, 2010

Kwentong Mapua

Ang post na ito ay 3rd installment ng college university entrance test kwento ko. After ng madugong UPCAT at ng SWABENG USTET eh napagdesisyunan ko na kumuha din ng exam sa Mapua Institute of Technology.

Bakit?

Dahil sabi ng mga nakakaalam, mahusay daw ang Engineering ng Mapua at dahil nga dream ko maging successful engineer someday ay siyempre check ang Mapua sa dream universities ko.

Actually, medyo hindi naman malayong malayo ang Mapua dito sa bahay namin. In fact, isang bus at isang jeep lang samahan ng kwentuhan at tawanan eh nasa Mapua ka na.

Nung nag-apply kami sa mapua, nakakuha kami ng libreng bag at pin. Yun yung gagamitin daw namin sa exam if ever we want. So ayun together with other 3 engineering aspirants and 1 architect to be, sinuuong namin ang Manila.

Siyempre sa una, kasama namin nag-apply yung dad ko at dad ng isa kong classmate pero nung exam na eh kami kami na lang ang pumunta. Big boys na kami. Alam ko naman na kung paano basta once na makapunta ako kaya di na problema.

Let me describe Mapua. Compared sa UP at UST, medyo maliit lang ang Mapua. Composed ito ng SOUTH, NORTH and WEST building if I'm not mistaken. Medyo kitang-kita mo agad ang mga estudyante na naglalabuyan sa campus. Di gaya sa UP na sobrang lawak kung saan parang nasa park ka lang at di mo aakalain na mga estudyante ang makakasalubong mo.
Maganda din naman ang facilities ng Mapua. Saktong-sakto sa mga courses offered nila. Puros mga gamit ng engineer ang makikita mo. Kaya nga love ko ang Mapua dahil doon.

Sa loob ng testing area, sobrang malamig. Putek nakashort lang ako nung nag-exam. Gininaw tuloy ako pero natapos ko naman yung exams.

About exams, madali lang siya ng konti. Verbal exams, 90 items for 1 hour, Numerical Exams 45 items ata sa 1 hour tapos Subject tests 45 items composed of Biology, Chemistry, Physics, Logical Reasoning at Critical Thinking na sasagutan mo sa 40 minutes. hanep.

After namin mag-exams eh gumala kami sa Manila. Sapalaran kaming lima kasi 1st time namin gagala sa isang lugar na hindi naman namin gaanong kabisado. Lakad dito, lakad doon, nakapunta kami sa Luneta. oh diba, ang sipag ng paa namin. Eto ang ilang sneak peak.



After a week eto ang naging bunga ng exams ko:


Sobrang saya ko! Pasado na ako. MAy isang university na na pwede akong pumasok sa college :]
Final college entrance test, PUP College Entrance Test ;]

Wednesday, November 17, 2010

Thesis

Eto na nga, dumating na ang isa sa mga bagay na medyo pressuring sa part naming mga seniors. Dumating na sa kaisipan ng teacher namin na oras na upang gumawa ng thesis tungkol sa ilang mga socio-economic problems sa Pinas. Since economics ang subject namen eh siyempre kelangan tungkol yan sa ekonomiya at siyempre kelangan hindi basta-basta na lang baliwalain kasi one of my favorite subjects is history. Ang kaso ang hirap niya talaga to the infinite power.

Brainstorming mode pa lang kami. Siyempre may mga previous batches na na nauna samin so parang ang panget kung pareho ng topic diba. So halos lahat ng magandang topic eh nakuha na. 6 groups pa ata kami sa seniors so isa pang problem ang pag-uunahan namin sa mga topics na yun.

Isa pang daing, ang mahal niya. Magpapabook bind, magreresearch, heavy printer works, labor, meryenda, transportation. Ang sakit sa bulsa.

Pero on the other way around naeexcite naman ako. May freedom na kasi kaming pumunta sa kung saan lugar para mag-aral sa mga bagay-bagay na yun. Ang sayang experience nung magiinterview kayo at sama-sama kayong magpupuyat sa iisang bahay para gawin ang thesis ninyo.

Di bale konting tiis na lang naman at discharge na kami sa high school. Konting sakripisyo na lang hawak na namin diploma namin. Naks naman.

So wala lang, naisipan ko lang isulat toh.
Anyways, ang lesson naman eh "Kung may tiyaga, may diploma"
Have a nice day!

Monday, November 15, 2010

TUGTUG TUGTUG TUGTUG..

Eto ka nanaman.
TUGTUG TUGTUG TUGTUG

Ramdam nanaman kita
TUGTUG TUGTUG TUGTUG

BAWAL.

Hindi ko alam kung sa papaano ka bang paraan mapapaalis. Lagi na lang.

Ilang taon na ang nakalipas...
Binubulabog mo pa rin ako.

TUGTUG TUGTUG TUGTUG..

Ang sakit. Tumataas balahibo ko. Naluluha ako.
Bakit ngayon pa?
TUGTUG TUGTUG TUGTUG..

Sunday, November 14, 2010

Inang


Wala lang. Gusto ko lang ipakilala sa inyo ang aking napakasunget/baet/kwelang lola.
Ladies and gentlemen...


Siyempre siya yung nasa left este right pala.
Name: Felipa Espino Asuncion
Nickname: FELY (JOKE) Inang, Ipang
Age: 86 and still counting. Goal niya daw makahigit isandaan.

Commonly Found in:

Siyempre yan ay ang precious throne niya. Walang pwedeng umupo jan pag present siya :]

Ari-Arian:

Hobies and interest:

1. Maghimay ng bunga ng bulak tapos gagawan niya kami ng mahahabang unan.
2. Magbaraha--magsosolitaire siya. Minsan nga sabi ko sa kanya huhulaan ko siya at sinagot niya lang ako ng favorite expression niya (see below)
3. Magwalis ng bakuran-- kahit ng 86 na siya eh nawawalisan niya pa ang buong bakuraan. Strong bones yata yan si Inang.
4. Manigarilyo ng kulay brown na sigarilyo na parang tabako tapos yung may baga yung ipapasok sa loob ng bibig. Nung mga bata pa kami at unang nakita namin na ganun magyosi si Inang sabi namin "WOW EXCITING" HAHA. lagi pa namin tinatanong kung napapaso ba siya ang sagot niya, (insert favorite expression here), bakit naman ako mapapaso?
5. Mag-bingo. Spoiled to si Inang laging binibigyan ng pam-bingo. Pag ako na hihinge hindi ako binibigyan. XD.


Favorite expression: Ay putang-ina mo! With matching funny intonation. Hindi nakakainis. nakakatawa siya:]

at siyempre hindi mawawala ang CUTEST APO:

ANGAL? HAHA

Lab yuu Inang. See you sa Pasko!
Actually di naman niya to mababasa kasi hindi siya kasing techie ni lola tetchie ba yun. Basta. Haha.
Minsan nga eh sabi namin "la, bibigyan ka namin ng laptop tapos ng broadband. Chat chat na lang tayo" Sabat naman ng isa kong pinsan, "tapos sasabihin ni Inang EoHwZ mGa afPoUhz.! Wh3n ckEyOu uW33Hz? j3j3j3" Ang sagot niya: Mga putangna niyo pinaglololoko niyo lang ako. Anung malang gawin ko jan. HAHA

At kung matuto ka man inang magfacebook at magblog minsan eh magcomment ka naman dito :]