Wednesday, October 21, 2009

SIGNS... Yes It's true

Waw. So ngayon naniniwala na ako sa mga tinatawag na signs. Kala ko dati mga kabaliwan lang talaga yung hihingi ng signs. Actually hindi ako humingi ng signs. Sunod-sunod lang dumating yung mga nagpapahiwatig. Ewan ko kung sasabihin niyong corny pero okay lang. I don't care. This is my belief kung sasakyan niyo fine kung hindi di wag.

This past few days, pinagiisipan ko talaga ng malalim kung ano talaga ang meron sa akin para sa kanya.I know wala na pero somewhat attracted pa rin ako sa kanya. Share ko lang din pala itong poem na ito. First sign ko toh. After many months ngayon na lang ulit ako nakagawa ng poem.

The Unfinished Business
-by Louie Sucaldito

I don't know why I am feeling insane
Thinking about the love I cannot obtain
The love that I'm not worthy to receive
In the middle of the the storm, my heart needs to be retrieve.

At this very moment, I feel undecided
In loving her, I am so much dedicated
But now, she's gone, and I am left behind
Oh, how I wish this fate to be kind

Confusion. It is what I really feel
And every night I'm thinking if this is for real
The unfinished business needs to be close
And in this battlefield definitely I lose.

-------adios sweet girl-------------

Tama na. sobrang tanga na siguro ako dahil sa kakahintay sa wala. sabi nga sa song ng love story kanina habang naglalakad ako papunta sa tindahan

I got tired of waiting wondering if You were ever coming around

Awts. sapul. Ang galing talaga ng mga signs. Ngayon nakatulong ito sa akin para makapagisip ng mga ganitong bagay. At meron pang isang sign na talagang pinagisipan ko ng todo. Nakita ko ito sa isang statement shirt habang nagwawalk trip pauwi ng bahay

ASA KA PA

Thanks to this shirt. Nagising na ako sa katotohanan pero it doesn't mean na maghahanap na ako ng bago. May be it will come on the right time. Sa ngayon Happy happy muna sa tabi-tabi.

And I learned a lot from you girl. :] Kung mabasa mo man to, wag ka magagalit sa akin dahil wala kang dapat ikagalit :]

Siguro nga tamang kawirduhan nanaman toh.

Signs Signs Signs

Saturday, October 17, 2009

"Nandito ang Puso ko ehh kaya dito ako"

Isang mainit na hapon mga blog buddies. Hay akalain nyio nakapulot nanaman ako ng isang magandang phrase sa pinapanood ko lang.

"Nandito ang puso ko ehh kaya dito ako"

Napaka inspirational na quote nito kahit tingnan natin sa lahat ng aspeto.

Una na sa lahat ay sabihin nating sa career. Most of us syempre kelangan ng career pero dapat sa pagpili ntio gusto mo hindi gusto ng iba. Bakit sila ba ang gagawa para sundin mo? Wag kang mamuhay ng may ibang nagmamanipula sa iyo. Kung nasaan ang puso mo at kung ano ang gusto mo go!

Sa Pag-ibig, eto rin ang isang magandang quote. Kelangan pag makikipagrelasyon ka ehh wag petiks lang, kung baga yung masabi na na may gf, bf. Kung meron ka nga tpos di mo naman mahal nonsense.

Basta always live this quote in your life.

Friday, October 16, 2009

Bakit ba kelangan may twist?

Sana bata na lang ako. Sana tulad ng siang bata manhid nalang ako sa mga realidad ng buhay, kung saan hindi ako maaapektuhan ng mga bagay-bagay sa paligid pero hindi pwede.

Kasabay ng pagmamature ang mga sakripisyo. Bakit ko ba sinasabi ang mga ito ngayon? Dahil sobrang badtrip lang ako at depress sa mga pangyayari sa mga bagay-bagay sa mundo.

This was not a good day the same as with last years october 16. Saktong 1 year na nung nabalian ako ng buto. All of my dreams as a child and as a teenager mejo lumabo na. The dream of being a CAT officer, the dream of playing volleyball at marami pang iba.

I just turned into a mess. Basura nalang ako ngayon. Limitado ang mga ginagawa, kelangan maingat kundi baka mafracture ulit.

Lahat ng ito dahil sa katangahan at immaturity. Sobrang hindi lang ako mature magisip sa idad kong 14 last yr kaya ito ang napala ko.

I just want to quote the saying I learn from the movie Finding Nemo "He is the one who went through that, don't help him let him get out by himself"

Genuine. Akalain mo habang pumapasyal lang sa bahay ng pamangkin ay may natutunan pa ako sa isang cartoon movie. Ako ang may kasalanan kaya naging ganito ang buhay ko, ako din ang dapat tumanggap at gumawa ng paraan upang mabuhay ng maayos MULI.

Ang sakit kasi kapag nakikita mo yung iba na may ginagawa na kung tutuusin ay kaya ko naman KUNG hindi lang ako nagkaganito.

Ngayon ko lang na feel yung regret. Akala ko nung una kakayanin ko, na kaya kong mabuhay ng normal pero ngayon mahirap.

I am tired of living with this mask. Sobrang hirap na ako magpanggap na masaya pero inside Im not. If I can turn back time but sadly I can't.

There are chances. Yes and I hope there's one for me.

I was so disappointed. I hate twists like these.

Thursday, October 15, 2009

Ay ay ay Pag-ibig.

Isa na siguro sa mga pinakamagandang twist ng buhay ang pag-ibig.
Masarap mainlove. Aminado ako don.
Feeling mo lutang ka, feeling mo siya lang ang mundo mo.
Wala kang iniisip kundi siya, at kung paano masasabi sa kanya ang nararamdaman mo.

Love inspires us to do more for our beloved.
It makes us happy whenever we don't even want to smile
Ang pagibig ang nagbibigay ng lakas sa bawat sandali na nahihirapan ka.

Pero kaakibat rin ng pagibig ang Sakripisyo.
Lalo na yung mga one sided love affairs.
Mahirap makita yung mahal mo na may kasamang iba kung saan masaya sila
Mahirap magparaya at higit sa lahat mahirap umasa.

Bakit ko ba sinasabi ang mga ito?

Siguro dahil sa wala akong maisip na ilagay sa blog na to (Joke)
Dahil sobrang dami ko nang nakikitang nabubulag ng pag-ibig.

LOVE IS BLIND. Karaniwang makikita mo yan sa autograph book ng mga bata. Pero ano ba ang idea nila sa love? Nakaexperience naba sila ng puppy love?

I do not believe in this saying. Ang pag-ibig ay hindi bulag. Ang mga TAO na umiibig ang nagBUBULAGBULAGAN. We tend to go with the flow in terms of love. And the worst is we tend to tell others its love but the truth is it's just an infatuation.

Yun din ang mahirap sa isang pag-ibig. Kung paano mo malalaman kung love ba or infatuation. We commonly interchage intong dalawa na to but to be sure, LOVE IS PAINFUL.

Sa mga nakaexperience na dito ng two-sided love ang swerte niyo. Una sa lahat hindi sayang ang efforts na binigay mo for your partner.

Sa mga lonesome na brokenhearted single sided lover, wag ka magalala. Love will come at a perfect time with the perfect person. Ito ang pinakamahirap sa lahat, yung efforts mo, tapos mawawasak lang lahat. As what was said in the saying "Ang Pag-ibig ay tulad ng isang Tao na naghihintay ng bus sa stasyon ng tren" We need to open our minds para malaman kung nagmumuka naba tayong tanga.

I was also inspire by this quote na narecieve ko sa text ng classmate ko "Ang Pag-ibig ko sa kanya ay parang tubig sa timba na umaapaw--------SAYANG".

People, especially tayong mga teenagers, be responsible of our answer and our acts and always be ready to face the consequences na paparating.

Ang the best saying I can say na mula sa aking kawirduhang pagiisip ay ito:

"Ang pagibig ay parang ukay-ukay (cheap? no no). Patiyagaan humanap ng maganda. Patyagaan humanap ng swak sayo halukay ka lang sa tabi-tabi makukuha mo din ang pinakamagugustuhan mo."

Hope na itong kakaunting naibahagi ay makatulong sa inyo

Thursday, October 8, 2009

Ang Pakikidigma ng aming eskwelahan

Taon-taon tuwing buwan ng Oktubre ay nagaganap ang interschool competition sa aming lugar na tinatawag na CSJODEMPRISA. As usual dito ginagawa ang pagpapasikatan ng mga schools at dito rin daw makakabuo ng relationship with other students sa ibang school.
Ang pagkakaroon nito ay maganda dahil maeenhance talaga ang kakayahan ng isang estudyante.

Ngayon taon, di ako nagparticipate sa kahit anong event sa CSJODEMPRISA. Taga cheer lang ako ng mga mandirigma namin ng "Shibuya Shibuya, Go Salettinians, Mighty Salettinias." habang kinakalaban ang ibat-ibang schools at ang pinakamasay sa lahat yung mangaasar ka ng players ng ibang team para madistract sila.

Nanjan ang tatawagin at sasabihan ng "ate I love you pahinga ka muna" "Tumbling ate bago serve" "Ate may erplane" at ang pinakanakakatawa "ate bakat panty mo kulay yellow"

Grabe talaga. Inasar na namin sila at sobrang pikon na sila. At Masaya din pag babawi yung kabilang team, sa pangaasar at magtratrash talk na parang walang manners. Good thing di kami ganun. XD

Pero ang pinakamasaklap sa lahat ay yungpagkatalo. Sobrang nalungkot ako nung natalo yung team namin sa volleyball. Close fight pero ayun nga, in a game there's always a winner and a loser and we should accept whatever the result is. That's the value of sportsmanship. Pero kung iisipin pa rin natin yung pagod at effort na ibinigay ng bawat isa tapos talo lang ay sobrang deppressing talaga. Imagine, months of training all day and then saglit lang tapos ang pinaghirapan.

There's always next time ika nga nila kaya we should train harder to get the goal and we should always think that even though we did not get the gold, still we give 100% effort and we play clean.

Sallettinians bawi na lang ulit tayo sa next yr.

"I want it, I want it, I want it La Salette! Go Salettinians, Mighty Salettinians!"

Monday, October 5, 2009

Baha. Naexperience ko na rin. Part 2






Actually etong blog na ito ay batay sa aking naobserbahan sa ating paligid.
Shocks ganito na pala katindi ang sinapit ng Pinas sa nagdaang bagyong Ondoy
Napakadaming tubig, napakakapal ng putik, maraming tao ang nawalan ng bahay, at ang masakit pa doon ay maraming tao ang nawalanm ng mahal sa buhay.

Ikaw? Kung kumakanta-kanta ka lang sa bahay ninyo noong kasagsagan ng bagyo ay marahil napakaswerto mo nang tunay. Ni hindi mo naranasan mababad sa tubig, at makipaglaban kay kamatayan.

Sabi nga ng mga tao ang dahilan daw ng ganitong mga pagbaha ay ang pagpapakawala ng tubig ng mga DAM. OO tama sila isa itong dahilan pero bakit dati hindi naman ganito karami ang tubig na dala ng mga bagyo?

Marahil ay isa na itong signos na malapit na nga ang rapture (pagkawasak ng mundo). Unti-unti na sa ating pinap[aramdam ng inang kalikasan ang bagsik ng kanyang paghihiganti.

Ako, oo inaamin ko na hindi rin ako isang tao na sobra ang pagpapahalaga sa kalikasan. Ako kasi si tapon dito, tapon doon. Kalat dito kalat doon. Kaya hindi ko alam kung tama nga lang ba na kabayaran sa aking ito o may darating pa? (sana wala na).

Mahirap mawalan ng Tirahan, ng Mahal sa buhay at ang mawala ang lahat sa iyo. Kung baga back to basics ika nga pero sa bawat struggles na ito dapat matuto tayo.

Siguro nga dasal ang kailangan nating lahat. Tulad ng Pagdarasal upang lumihis si Pepeng sa Pinas at gumana nga ito. Pero tuwing kailan lang ba tayo nagdadasal? Tuwing hihiling? Tuwing nanganganib? o araw araw?

Let's Keep changing ika nga. Huwag tayo ningas Cogon. Kung sa ngayon ay ganito na kabagsik ang kalikasan, paano pa kaya bukas? Kailangan na natin igaling ang inang kalikasan. Kailangan ibangon ang nalugmok na ina.

Sisimulan ko ito.