Sunday, September 27, 2009

Baha. Naexperience ko na rin.

Grabe ang bagyong Ondoy kahapon and first time sa buhay ko naexperience ko ang totoong bagyo.
Dati nung bata pa ako pag bumabagyo wala akong pakialam. Nakikita ko lang sa tv yung baha, mga bubong at mga bakas ng kahirapan.
Ganito ang nangyari kahapon.
Sabado, gawaan namin ng project umuulan na talaga noon pero still nagpunta ako sa classmate ko
Pumasok si mommy at c ate nagpunta sa school nila. Si papa lang naiwan sa bahay.
Umulan ng sobrang lakas at tinetext na ako ng aking nanay sabi "bunso umuwi kana, si papa mo puntahan mo sa tulay sinundo ako d pa ako makaalis dito sa work walang jeep".
Ako naman nagsabi teka lang. Busy kasi ako gumagawa ng project.
Syddenly, may tumawag ng malakas sa bahay ng classmate ko.
"BAHA BAHA BAHA!"
Dali-dali naming binuksan ang gate sa likod at na shock kami dahil sa kusina palang nila ay may tubig na.
qWat? tatlo lang kami sa bahay nila, ako, classmate ko at kapatid niyang bata. Grabe nataranta kami dahil umaagos talaga yung tubig.
Ilang sandali pa ay baha na sa bahay nila. Hala cge walis dito dustpan jan.
Buti na lang tumulong sila kapitbahay. wew barado na ang cr nila dahil di na kaya ang tubig so pinaagos na sa sala nila.
After that umuwi na ako para puntahan si papa sa tulay malapit sa amin. Walking distance. 10 minutes walk ginawa ko lng 5 mins dahil na rin sa humabol na baka sa akin. WTF!
walang tao sa bahay! Brang out kasi c ate ay sumundo daw sa tulay kay papa. Nasalubong ko siya sa kanto wala daw si papa so ako dinoble check ko at pumunta din ako sa tulay.
waaaa! Grabe ang tulay sa amin sarado na. Ang dating patay na ilog, ngayon buhay na buhay at rumaragasa pa.
Kawawa ang mga bahay na lubog sa baha. Including ung computer shop ng classmate ko!
As usual, mga pinoy, daming tao sa tulay nakuha pang mangalakal at magsaya habang karamihan ay nagaalala (kasama ako doon).
Wala si papa! baka inanod na? Baka nakatawid? litong lito ako.
Buti na lang nagtxt c TOMBOY sa kapitbahay namin (kaibigan namin yon). Kasama daw niya si papa.
Tuwa talaga ako! Si mommy nagtxt d daw makakauwi nasa office parin. Natulog kami sa dilim ng brown out.

Kawawa talaga yung mga pamilya sa baba ng tulay, yung mga baboy, mga gamit at bahay nasalanta.
Grabe talaga ang bagyo ngayon. Dahil daw sa DAM kaya tumaas ang tubig pero no no.! Dahil sa Climate change yan.
Imagine yung mga dating hindi binabaha like itong sa lugar namin, sa edsa lahat ng mga di binabaha, ngayon ilog na.
So always be aware. What goes around turns around. Tama ba?
at hindi ko ito makakalimutan. First ever bagyo na super bagyo talaga.
Ondoy may you rest in peace! Grrrrr

Wednesday, September 23, 2009

Realization. (nanaman?)

So eto nanaman ako pumipindot sa aming keyboard upang isulat sa natatanging blog na ito ang aking kuro-kuro.
Subject ko ngayon ang isang ama. Ano ba ang ama? Ito ba ay isang exkwelahan? No no. Ito ay isang Tao na mahalaga sa ating buhay.
Weird? Bakit tatay ang subject ko ngayon? Well kasi natuwa ako sa kantang Father and Son. Basahin niyo muna etong lyrics.

Father
Its not time to make a change,
just relax, take it easy
You're still young, that's your fault
There's so much you have to know.
Find a girl, settle down
If you want, you can marry.
Look at me, I am old, but I'm happy.

I was once like you are now, and I know that it's not easy
To be calm when you've found something going on.
But take your time, think a lot,
Why, think of everything you've got
For you will still be here tomorrow, but your dreams may not.

Son
How can I try to explain, when I do he turns away again.
It's always been the same, same old story.
From the moment I could talk I was ordered to listen
Now there's a way and I know that I have to go away.
I know I have to go

Father
It's not time to make a change,
Just sit down, take it slowly.
You're still young, that's your fault
There's so much you have to go through
Find a girl, settle down
If you want, you can marry.
Look at me, I am old, but I'm happy.
(son-- away away away, I know I have to go
Make this decision alone - no)

Son
All the times that I cried, keeping all the things I knew inside,
It's hard, but it's harder to ignore it.
If they were right, I'd agree, but it's them you know not me.
Now there's a way and I know that I have to go away.
I know I have to go.
*Father-- stay stay stay, why must you go and
make this decision alone?


Napakaganda talaga ng message ng kanta na yan lalo na sa ating mga anak. Sobrang tinamaan ako nung pinakinggan namin yan nung English class namin for our lesson.
I realized many things in life. Minsan, tayong mga teenagers ay rebelde. We tend to break away from our parents kasi di nasunod ang gusto natin.


I know this is a common explanation that we teenagers are immature. Nagrereklamo sa mga bagay na hindi pa nga natin alam kung paano iresolba. Imbes na gawin pa ay nagrereklamo na lang.

Our parents know what is best for us, kasi nga n apagdaanan na nila ito kaya we should always listen to them.
I will share another work of literature. I don't think kung poem nga ba to or hindi. Just read.

Dad

4 years- my dad can do anything

7 years- my dad knows a lot, a whole lot.

8 years- My father doesn't know quite everything.

12 years- Oh well, naturally father doesn't know that, either

14 years- Father? Hopelessly old fashioned.

21 years- Oh, that man is out-of-date. What do you expect?

25 years- He know a little bit about it, but not much

30 years- Maybe we ought to find out what dad thinks

35- A little patience. Let's get dad's assessment before we do anything.

50 years- I wonder what Dad would have thought about that. He was pretty smart.

60- My dad knew absolutely everything!

65 years- I'd give anything if Dad were here so I could talk this over him. I really miss that man.

This was very touching at absolutely tama din. We should give importance to our father and of course to our mother also. It is them who knows better than we do.

--I just realized how much I love them. Kahit na minsan nagaaway kami. Still they are the best.!

Saturday, September 19, 2009

ng dahil sa baliw.

Hapon ng September 19, 2009. Nagpunta ako sa bahay ng kaibigan. May napagkasunduan kasi kami na pupunta sa aming isang classmate para maglaro ng audition.
Isang mainit at normal na hapon. Dumating ako sa bahay ng classmate (avery) ko with matching payong kasi mainit. Naghintay kami.
Ayos na sana. Boring pero may twist.

Nung nasa terrace kmi ng 2ndfloor nila, dumaan yung isa naming classmate (vienna) kasama yung isa naming schoolmate (ate sarah). Pupunta cla sa school. Walking distance lang naman. Sumabay na kami.

Napagusapan namin habang naglalakad yung tungkol sa baliw sa lugar kung saan kami naglalakad ng biglang....

Ate Sarah: Dito yon. Dito kami..

Biglang may normal na lalaking tumawid na nakangiti.
Nung una akala ko, hindi yun yung baliw kasi ang tino ng itsura.

Ate sarah: Ayan sya!

Dinikitan ng baliw ang mga girls. Eto namang si Ako hinarang ko syempre.

Ako: Kuya bakit?

Dedma ang baliw. Hinabol ang mga girls. Wala kaming magawa kundi tumakbo din habol-habol ang baliw. Ako at yung isa kong kasamang lalaki (aniel).

Aniel: Louie dampot bato
Ako: (dumampot ng mejo malaking bato) ikaw?
Aniel: sige.

Huminto sa pagtakbo ang baliw. Huminto din yung mga girls. Tpos bigla ulit nanghabol yung baliw.

Ako: (sigaw) ate sarah takbo ayan na! Ate sarah ayan na.!

Sigaw na lang ginawa ko. Mejo malayo kasi sila samin. Hindi kami pinansin nung rapist na baliw na yon. Demonyo pa kung tumawa. Walang hiya. Nung makarating na sila sa highway doon na kami tumakbo ni aniel. Worried na kmi kasi di na namin cla makita. Nakaliko na sila.
Lakad-takbo na ang ginawa namin nang masalubong namin pabalik ang baliw. Malungkot. Aha. Tapos na ang adventure.

Buti rumesbak yung dalawa pa naming classmate (ella at ces). Inalalayan nila sila ate sarah.

Nung nasa school na kami saka ko lang nalaman na nadapa pala si ate sarah at pagtingin ay nasa harap niya na yung baliw w/ his killer smile na nakakadiri daw (watda pang telenovela) pero ewan ko kung bakit umalis yung baliw.

Wow super nabawasan ang aming calories. Layo kaya ng tinakbo namin. Pero it changed the mood of the afternoon. Naging nakakatawang nakakatrauma na nakakainis.

The afternoon went ok habang naglalaro kami ng audi.

Pauwe na kmai ni romelyn, hinanting namin yung baliw. Wala na cya.

eto po ang kwentong malatelenovela.

---ang baliw..:D

moral lesson:

Looks are deceiving. Magingat palagi sa taong nakikilala.

ang mahiwagang Celpon..:D






Teknolohiya. Isang salita na marahil ay alam nating lahat. Kinabibilangan iyan ng Computer, Internet, Machines, at ang MAHIWAGANG CEllPHONE.
Bakit ko sinabing mahiwaga?
Hmmm wala lang. Dahil kasi halos lahat sa atin ay may cp including those na bata pa.

Masasabi ko lang na ang cellphone ay essential na sa buhay natin ngayon. Bakit? Kasi mas madaling makipagcommunicate kahit na sabihin nilang may internet na. Ang Cellphone kasi magagamit mo kahit saan, kahit kailan. Sa Jeep, Sa office, sa daan, sa bah
ay, sa school at sa CR.

Maraming use ang cellphone. Pwedeng pang txt para maayos ang mga appointments, pedeng pang unyt, pedeng ipang proma, pedeng ihagis pag walang magawa
, pedeng magpicture, pedeng makinig ng musics, at higit sa lahat, pwedeng bom triggering device.

Ako. Meron akong mahiwagang cellphone na minsan ay h
alos itago ko na lang. Minana ko pa ito sa aking mga ninuno. Overused, laspag at sira-sira na. Minsan nakakainggit ung mga ibang phones, pero okay lang sakin to kesa wala.

Advantage na rin sa akin toh dahil una hindi takaw nakaw.:D may magiinteres man, panggamit lang sa bomba toh. :D
Pangalawa, hindi madaling masira. Ayos kaya to kahit mahulog man sa tubig ayos pa rin

Pero kahit na sabihin nilang pangit man o maganda ang cellphone mo, wag mo isipin yon. Ang mahalaga masaya ka. Cellphone is just a material thing.

Ano ang essence ng blog ko ngayon? Wala lang. Nakita ko kasi ang naghihingalo kong cellphone na naghihintay ng kapalit para makapagretire na.

Friday, September 18, 2009

Isang normal na araw

Isang araw napagpasyahan kong magmasid masid sa kapaligiran. Isang mainit na tanghali, as usual lunch na namin sa school. Araw araw na lang na ginawa ng Diyos ganoon ang nangyayari.
Uupo na mesa, same na upuan, makikita ang same na tao. Kaya ko naisipan magmasid sa normal na pamumuhay ng bawat isa.
Iba iba nga talagang paguugali ang makikita mo sa school. May mukang mabait, demonyo pala, may ngongong mabait, may baklang epal, may manang na mananaway, at may bell na tutunog. Krriiiiiiiiiiiiiiiing..
Minsan naicip ko. Hanggang kelan ang lahat ng ito? nakakasawa na din
Ano ang essence ng blog na ito?

Eto.
Naobserbahan ko din yung damo sa tabi ng covered court namin. May shapes (parang cemetery). Unusual sa paningin ko yun kasi ngayon lang nangyari dahil nga last event sa school eh nasira iyo.
Dahil malawak ang aking imahinasyon, naisip ko "wow pangblog" XD

Minsan nasanay na tayo sa mga bagy na nakikita natin. Sa nakakairitang amoy ng cr ng boys, sa Teachers na grabe magpahirap, sa guard na tumatanda na sa school, at sa damong green. Pero pag unti-unti na itong nagbabago, napapansin natin at namimiss natin ang nakasanayan.

Nothing in this world nga daw ang constant. Lahat ay nagbabago sa pagdaan ng mga araw. Kaya naisip ko, mamimiss ko din ang school. Ang babaing palagi ko nakikita pag kumakain ako ng lunch, an g mga mapagbalat kayo, ang baklang epal, ang manang sa canteen, ang teachers, ang guard ang damo.

Ang bilis nga talaga ng oras. Konti na lang. Mahaharap na ako sa malaking pagbabago-- ang realidad ng buhay.

at sa mga hindi naintindihan ang post ko, use ung imagination. Weird talaga ako wag na kayo magtaka...:D

Sunday, September 13, 2009

namimiss ko na yung pusa ko.. :(

hayy...nawawala si Moymoy yung pusa ko.
D ko manlang nakita nung gabi na. namimiss ko tuloy kakulitan non.
huhuhu..lab na lab ko pa naman yung pusa na yon.
wala sa buong bahay pero sana nangapitbahay lang.
sana bukas nanjan na siya ulit.
Mahirap talaga mawalan ng mahal sa buhay.
kahit pusa lang.
Lab ko yun.
hahanapin ko yon tom.

Family day sa school.


Yearly d nawawala ang family day sa kalendaryo ng bawat salettinian. Asahan mo na na madaming pagkain, madaming tao, madaming strangers, madaming banderitas, madaming KALAT.
Iba't ibang muka ng tao, iba't ibang estado sa buhay. Para sa akin merong tatlong uri ng tao kanina: Super rich (mga sobrang rangya mga bituin na mahirap abutin) mejo mayaman (self explanatory) at ang may kaya (kabilang ako jan)
Yan ang naging problema sa section namin ngayon.
Family day nga bang matatawag ang nangyari kung sa 300 pesos ay dalawang tao lang pwedeng kumain? Isang magulang at anak. Paano ang isa pang magulang at isang kapatid?
Mga tinamad na silang magluto di tulad ng dati na pack lunch ngayon contribution na lang. Kesyo di naman daw ang pagkain lang ang pinunta don, basta simpleng salu-salo.
150 for 1 pc Piniyahang manok, backed mac, fish fillet, kanin, 1 zesto at salad. Busog ang isang tao diba, pero pag pinagsaluhan ng dalawang tao olats.
Masama lang talaga ang loob ko dahil nga ganun ang nangyari ngayong taon na ito. Ang PANGET being honest ANG PANGET,!
Epal kasi yung ibang magulang (excuse my term) feeling magaling kasi. Ewan.

Isa pang panget ngayon ay nagsiuwian ang karamihan noong hapon dahil ayaw manood ng ball games etc. basta tapos na ang anak magperform sibat na.
Although maganda ang presentation ng section namin, panget ang overall review ko sa family day.
I was so disappointed. sana next yr iba na.

Tuesday, September 8, 2009

Naeemo ako naun..!



Good Cold and Rainy evening sa magbabasa.
Hay bakit ba ako naeemo?
ewan ko ba..
epektib talaga ang mga kanta ng secondhand serenade. Nakakatama, nakakaemo.

Halos 1 taon na pala akong naeemo dahil sa iisang tao lang. Wala na ba akong mahanap na iba dahil siya na talaga, o ayaw ko lang talaga maghanap, o ang pinakamasaklap, dumaan na cya d ko lang sinunggaban?
Bumabalik yung mga sakit, same lang, nothings change kahit dumaan na ang bakasyon, ang ilang buwan. Bakit ba ako ganito?
Sobrang Tinodo ko lang ba ang capacity ng puso ko kaya wala na akong pundasyon ngayon para makapag move one? Yung TOTOONG move on.

Moral leson:
half half lang.
kung pede 1/4 lang.
wag ka todo bigay sa relationship o kahit anong bagay na walang kasiguraduhan o walang pag-asa, lalo na sa pagibig. Pag binigay mo ang lahat, pag nasaktan ka paano ka.

~a thought to share


Try to Listen to this song....

Last Time by Secondhand Serenade


Saturday, September 5, 2009

New Poem


by the way Nakalimutan ko pa isama sa kabilang blog ang aking new poem.
Actually intetional naman. Pamparami ng post XD.

Short Introduction ng Poem ko, eto ay ginawa ko ng tatlong araw. Tatlong gabi akong nagisip-isip ng mga bay-bay at natapos ko nga ito noong Aug. 31. Oha humabol pa sa august.
Xempre at usual pag-ibig ang topic netong poem na ito. Wala naman akong talent sa iba, I mean Ibang genre kundi Love lang. Dito ksi ako expert.

oh cya, kayo na ang humusga kung panget o maganda, wala akong pakealam. Bakit, para sa inyo ba itong poem na to? Jokes, syempre para sa lahat to.

oh eto na..


Looking Back
-by: Louie Renz A. Sucaldito

I miss the feeling of being in love
Love that is as pure as a white dove
Love that needs a lot of sacrifices
Love that is as red as the Roses

I miss the way when someone cares
I miss the name I always whispers
I miss the time I smiled without reason
How badly I miss that special person

At times it get so much painful
As someone says that fate is very playful
It made my eyes shed lots of tears
Oh that innocent tear, crystal in clear

I miss the times I am deeply infatuated
I miss the times I felt very excited
Still, I don't want to feel that same pain
Pain that made me so much insane

Loving means a lot of sacrifices
Sometimes we should listen to someone's advices
For love is not a game for us to play
It's unpredictable, that's all I can say


Sana okay lang sa inyo at na get ninyo ang thought ng ginawa ko. Kung naexpi ninyong mabasag at makapagmoveon makakanonnek kayo.
Ayon, tnx sa bumasa..
Pag sinipag ako baka gumawa pa ako ulit basta may inspiration.
Pag sinipag din ako ipopost ko din dito iba ko pang poems..

geh

*ciao

Oh Siyetttt!


oh siyet talaga
pacnxa na kayo dahil ngayon lang ulit ako nakapagupdate ng aking blog dahil sa mga kadahilanang mahirap na ipaliwanag.
Kasama na sa mga yan ang exam.
Hay nakahinga na mula sa tanikalang nagpapahirap sa amin.
so eto muna...

"Life is What You Make it!"

totoo to! Astigin!