Friday, August 28, 2009

Lessons Lessons..daming lessons.


Dear blog buddies. Good evening.

Eto nanaman ang epal na magbloblog tungkol sa mga realisasyong nalingapo sa pagdaan ng mga araw.
Mejo mahaba ng konti ito pero try nyo pa rin po na basahin.

1.) Naexperience ko na mawalan ng internet connection for three days. It made me sick pero nakaya naman. Siguro hindi na lang talaga ako sanay ng walang internet. Ano pa ang silbe ng pc kung wala na ngang net wala pang games. Eto ang realidad na makakasampal sa atin. MARAMI sa atin ang hindi nagpapahalaga sa oras o MASYADONG na hook sa mga bagay-bagay then after a while mawawala yung bagay na iyon. Syempre si ikaw bagot, walang kulay ang buhay. In connect sa reality, dapat matuto tayong magpahalaga sa mga bagy na nakapalibot sa atin. Wag lang tayo basta-basta magnggamit. Wag lang basta receive lang. Give importance to those things.

2.) The conflict with our class (syempre pinangungunahan ko) at ng aming butihing ina. Ang hirap ng mga panahon na nanlalamig siya sa amin. Yung tipong kahapon lang nagtatawanan kayo tapos biglang tenen with our simple mistakes na ndi man lang natin namalayan nanlamig na ang lahat. Lesson learned na dapat ay aware tayo sa feelings ng iba. Always remember that kung may kagalit man tayo o may kaaway, hindi lang ikaw ang nasaktan, pati rin siya. Always try to admit your mistakes. A SIMPLE SORRY IS NOT ENOUGH to forgive. Minsan nagiging dahilan na lang ang sorry para makalimuatn ang nagawa pero GAGAWIN ULIT natin iyon. Make sure me make actions para ndi na ulit mangyari ang nangyaring masama.

3.) This night, bago ko isulat itong blog na ito, kumakain ako sa harap ng computer then suddenly pumasok si papa mula sa aming sala. Binalik ko yung plato sa lababo not to expect na sasabit yung relo ko sa lagayan ng pinggan at dahil doon nabasag yung plato. This gives us two lessons: SACRIFICE and IMPORTANCE. Kailangan sa lahat ng bagay pahalagahan natin. Nothing in this world stays permanent. lahat nagbabago at lahat mawawala, that's the reality. kahit maliit man o malaki yung bagay na yon make sure you give importance. Sacrifice: maybe nagsacrifice lang si pinggan para hindi masira si relo. This is a matter of fact true lalong-lalo na sa larangan ng pagibig. Sa love, hindi ikaw ang mag bebenefit, kundi ang partner mo. Both of you should know this. It is ain't love pag selfish ka. sabi nga "LOVE IS SOMETHING THAT YOU GIVE AWAY AND COMES RIGHT BACK TO YOU SIKSIK LIGLIG AT UMAAPAW" (waw combi of sayings ba ito). Wag manghinayang kung para naman sa ikabubuti ng isa. That's it.

4.) ang pagiging tamad at ningas cogon ko sa paguupdate ko nitong blogsite na ito. Ganito na talaga tayong mga pinoy. Wala na sigurong makababago nito pero kung sa sarili natin sabihin na gusto ko ito, makakaya natin. I'm not promising to update this blog everyday but I will try my best atleast in 1 week there will be atleast 2 blog entries.
(sa mga nagbasa nito nice ndi sila ningas cogon. Salamat kaibigan!)

~-bata pa tayo mga kaibigan, marami pa tayong alam kahit sabihin na kung ano-ano na ang nalalaman natin. We still need to discover things and learned from that curiosity. Sana may natutunan kayo.

Related Posts:

  • Cagayan de Oro AdventuresNaaalala ko pa noon. APRIL 11, 2010. Nasa Baguio ako. International Leaders Conference din yun. Annually kasi umiikot yung venue for ILC. Tapos inannounce na sa CAGAYAN DE ORO daw ang susunod. Napabuntong hininga na lang ako.… Read More
  • to blog or not to blogNaiisip ko lang, kaya ko pa ba magblog? This past few days kasi parang nawalan na ako ng appetite mag post ng something. Naging busy din kasi this past few months at hindi na nakapagbukas. Ang resulta, tinamad na rin. Bueno, … Read More
  • Friendster Bago pa man mauso ang facebook at maaliw tayo sa mga apps na handog nito, una tayong naaddict sa FRIENDSTER. Sino nga ba ang walang friendster noon? Kahit nga yung mga ilang classmates ko na walang facebook ngayon ay may … Read More
  • Lost in SpaceHi mga ka-blog. Kamusta na kayo? Sorry ang dalang ko magblog recently. Kung anu-ano kasi ang mga bagay na inuuna kong asikasuhin kaysa magsulat. Gusto ko lang ipaalam sa inyo na buhay pa naman ako. Yeah, inhale-in exhale-in… Read More
  • What I LOVE about LOS BAÑOSIsa sa mga nagustuhan ko sa pagbisita ko sa Los Baños, hindi lang sa masarap ang hangin dito dahil sariwa at madaming buko which is my favorite, ay yung pagiging eco-friendly nito. I'm not quite sure if this is implemented al… Read More

0 comments: