Tuesday, January 12, 2010

Public Display of Affection




Kaninang umaga, habang naghahabol sa oras akong lumalakad papuntang sakayan ng tricycle para pumasok, may dumaang isang tricycle. Walang laman sa loob. Wala naman sanang importante sa tricycle na yon pero noong medyo papalayo na yung tricycle, napansin ko yung babaeng nakabackride sa OVER naman sa pagyakap sa driver ng tricycle.

Ewww. Nakakadiri tignan. Bakit sa ganung lugar pa sila nag gaganunan. Ang gara pag nakakakita ako ng mga taong PDA, nakakasuya.

Di naman masama yung ganung pagmamahal pero sana wag sa harap ng karamihan, lalo na sa mga kabataan.

wala lang naaasar lang ako kasi ang laswa LOL.

Monday, January 11, 2010

formspring.me

oi. emo ka? LOL. cno ba tinitukoy mo sa blog mo?

Di naman ako emo LOL. Expressive lang ako lalong-lalo na sa blogging kasi it's my way to express lahat ng gusto ko kasi hindi ako ganung kaopen verbally in person. Tinutukoy? Alam mo na yon..hehe..

~~nga pala sa lahat, Di po ako emo :D

Ask me anything

Sunday, January 10, 2010

May award ako :D

Ang saya ko.. Yahoo..nalaglag pa ako sa upuan sa sobrang kaexcitedan ko ng makita ang comment ng BNP sa chatbox ko..! Woaaaa....Pasok ako sa hall of Fame this week..! Grabe na toh.. Nakakataba ng puso..
Salamat sa lahat ng nagrarate ng blog ko, at nagbibigay kayo ng inspirasyong para sa batang 15 anyos na toh para gumawa ng kakaibang hakbang para sa pagbabago. Salamat sa lahat. Sana rate niyo parin po ako.... Click ka dito.

Gagalingan ko pa pagbloblog ko. Salamat po sa pagtangkilik..

--Renz(sobrang tuwa kahit 3rd lang :D)

Saturday, January 9, 2010

Sino ang tunay na mahirap?

Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada? Yan ang tanong namin. Tunay ka bang isa samin?

Grabe sobrang sikat ngayon ng commercial na yan ni MV, isang kandidato sa darating na eleksiyon para sa pagkapresidente. Naisip ko lang, sa isang araw na paulit-ulit pinapalabas itong commercial na ito sa isang araw, at ilang araw sa isang linggo, at ilang linggo sa isang buwan eh sobrang daming pera na ang natapon doon. Hindi lang yon, ilang commercials na din ang nailabas niya? di ko na nga din mabilang. Pati mga TV personel pasimple pa sa pagaadvertise.

I'm not saying na mali ang ginagawa niya. Ano nga ba naman ang alam ko, ni hindi ko nga alam kung paano bomoto nor hindi pa rin ako botante. 15 anyos pa lang ako, magaaral at ewan ko ba bakit pati ang pulitika pinapasok ng isipan ko.

Back to the lyrics ng kanta.
"Si V ang tunay na mahirap..."
Paano naging mahirap? Tignan mo lang yung sa commercial niya diba. Ewan ko ba. Ang politika talaga ang gulo. Tapos pag naluklok san kukunin ang pinangkampanya?

Tsk..isip-isip mga kababayan.

Tuesday, January 5, 2010

Baliw ba ako?

Naguusap-usap kaming magkakatabi sa upuan dahil wala pa naman kaming lessons at may aftershock pa ang buong class mula sa nakaraang bakasyon. Siyempre malalaki na kami, hindi na kaiba sa amin pagusapan ang tungkol sa love life.

Siyempre tanungan yon, so may point na ako ang napagbuntungan ng mga tanong.

Striking question is "Mahal mo pa ba siya?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Di ko rin kasi sure if may feeling ba ako sa kanya and 1 thing ayoko ng balikan. Moving on process number 2 na ako. Nagawa ko na dati kaya lang bumalik yung feelings. Ngayon, ayoko na. Sobrang hirap. Pero sumakit lalo ulo ko kagabi dahil dito sa quote na toh..

The minute you think of giving up...Think of the reason why you held on for so long


Tama nga naman.
Kung tutuusin madami na rin akong effort. Imagine, more than a year na ang OBSESSION ko sa kanya. Obsession. Tama ang nabasa niyo.

Halos araw-araw na lang napapadaan siya sa isip ko. Ewan ko. Ang gulo gulo. Alam ko namang hindi na pwede eh. Pero bakit ako baliw na nakahawak pa din sa kamay niya? Nababaliw sa kakatitig sa kanya ng palihim. Nababaliw sa tuwing nakikita siyang papalapit. Nababaliw sa mga oras na tumatakbo siya sa utak ko. Nababaliw ako. nababaliw. Nababaliw sa tamis ng kanyang mga ngiti. Nababaliw sa maliiit niyang boses. Nababaliw akong kasama ka kahit sa panaginip lang. Nababaliw ako. nababaliw. Nababaliw ako pag nagtetext ka. Nababaliw ako pag kinakausap mo ako. Baliw na baliw ang puso ko dahil sayo. Baliw man ako kakaasa sa wala, wala naman akong magawa. Alipin lang ako ng kabaliwan na ito. Ako'y isang baliw. Baliw dahil sayo!

(puro baliw. Nababaliw na kasi ako.)

Sunday, January 3, 2010

Bagong Taon.

2010 na..ang daming pagbabago. Una sa lahat ay wala ng year na magkatabi ang dalawang 0 right. Hay ang bhilis ng panahon. Naalala ko lang dati nung bata ako yung sinusulat ko yung mga taon mula 2001-2020 at chinechekan ko bawat taon yung date kapag new year. May kawirduhan kasi ako nung bata ako.

Anyways, ano ba ang bida pag new year?

New Years Rsolution? Ewan ko ba kung natutupad ko yung mga NYR ko. Basta ang pinakanatupad na NYR ko at pinakaproud ako ay noong kinder ako. NYR ko na HINDI NA AKO IINOM NG DEDE SA BOTE> LOL. Naaalala ko pa ang paghihirap na tiniis ko noon para maiwasan ang pagkatakam sa gatas. haha..

Ngayong Taon na to, since ilang months na lang ay magiging Senior na ako, I wish na maging MAS MATURED na ako in terms of thinking, in acting and sa lahat ng aspeto. Sinasabe naman nila na mature nga ako pero I want more.

Pangalawa, I aim to be more responsible. Oha, mabigat na goal yan. Sana kayanin ko.

Tama na sigfuro yang 2 na yan since mabaet na ako, wala ng dapat ipagbago. Ayoko din naman mgabago to the point na di na ako yung Renz. I want to be just my self. Konting polish lang.

Ang I wish na maging maganda ang buhay ko this year. 2009 is not that good but not bad. But this year would be different.

Bangon kabataang pinoy. Hoho..

Geh eto muna. Wala na akong maitype.. :D

formspring.me

bakit wala ang pusa sa chinese calendar?

Ayon sa aking narinig sa aking lola, kaya walang pusa doon dahil yung unang 12 na hayop lang na tinawag ni buddha yung napili niya basta something ganun..haha..tama ba? eh na late ata yung pusa

Ask me anything