Saturday, October 22, 2016

Frustration to Inspiration

Ako ay isang frustrated photographer. 

Nung high school nag-simula ang fascination ko sa pag-kuha ng mga litrato. Sa pag-kakatanda ko, nagsimula ito dahil nanghihiram-hiram ako ng DSLR sa mga kaklase ko noon. Since galing lang naman ako sa isang normal na pamilyang Pilipino, luho na lang ang pag-kakaroon ng ganoong gamit. Sabi ko nga noon, mag-iipon ako sa college para makabili ako ng sarili kong camera. Pero siyempre, dahil nga masasabing "want" lang ang DSL at hindi "need", hindi rin ako nakabili ng isa. 

Sabi nila, savor the moment. Para sa akin, ang way ko ng pag-savor ng moment ay yung pagkuha ng litrato. Gusto ko i-capture yung mga moments at balikan every now and then. Para sa akin, ang isang litrato ay naglalaman ng napakaraming mensahe--kasing dami o mas marami pa sa pixel sa bumubuo dito. Bawat isang larawan ay may emosyon. Bawat isang larawan ay may kuwento. Bawat isang larawan ay may hininga. Sa ngayon, wala pa akong high spec na camera. Tiis muna ako sa phone photography. Medyo okay naman ang phone ko ngayon, 12 MP naman ang rear camera. Tamang adjust na lang sa contrast and lighting para mas makuha ang tamang kulay. Pero as much as possible, very minimal editing lang ang ginagawa ko para ma-preserve ang natural na ganda ng picture.

Siguro i-sh-share ko dito yung ibang photos. Pero disclaimer, I'm not expert. Sobrang amateur lang talaga.



Ito ay kuha sa oblation statue ng aking mahal na alma mater--UPLB. Noong undergrad pa ako, madalas akong mag-lakad-lakad sa campus at randomly ay kumuha ng picture gamit ang aking phone. Ito ang nagsilbing libangan ko at anti-stress. Kung baga, mag-flow man lang ang creative side ko kahit na technical ang inaaral ko. Actually wala pa naman akong masyadong technicalities na alam. Pero may mga nababasa naman na mga tips like rule of thirds ganun. Sinusubukan ko silang i-apply sa mga kinukuha kong pictures. 



Kadalasan ng mga subject ko ay mga natural landscapes at mga halaman. Gusto ko kasi makita sila sa ibang perspective. Sabayan na din natin ng malupit na caption. Tamang tama ito para sa isang katulad ko na may pagka-hopeless romantic. lol. Itong picture na ito ay kuha noong valentines. Binigyan namin ng roses ang mga batchmate namin sa org. Oh diba, how sweet. 





Isa pa sa mga subject na gusto ko ay yung mga kakaiba at may kwento kagaya netong kuha na ito. Diba, iba't ibang interpretation ang pwedeng gawin sa picture na ito. Depende na lang siguro sa taong titingin kung paano niya ito makikita.


Ito naman, nag-try ako ng ibang pespective sa usual na nakikita kong photos. Ito pala yung planta ng pinapasukan kong trabaho. Recently lang ito bago ang bagyong Lawin kaya medyo moody din ang weather. 




Last but not the least, gustong gusto ko kuhanan ng litrato ang mga sunset. Every since high school, may ibang fascination na talaga ako sa mga sunset. Kapag nag-d-drawing sa arts class, madalas sunset ang ginagawa ko. Nakaka-relieve kasi ang sunset views. Isa pa, perfect para sa senti moments. haha

Anyway, ulit, hindi naman ako pro. Marami pa akong matututunan. Makakabili din ako ng DSLR ko sa tamang panahon. Pero sa ngayon, kuha lang ng kuha ng litrato, tingin tingin sa mga professional photographer at ipon ng pambili ng camera. Higit sa pagiging frustration, ito ang nagsisilbing inspirasyon ko sa trabaho (Bukod sa pamilya ko opkors). Kung bored kayo, pwede niyo akong sundan sa instagram (https://www.instagram.com/renzsucaldito/). Oh siya, hanggang dito na muna, 

Sa mga friends kong may DSLR camera na hindi na gagamitin (lol), tumatanggap naman ako ng donations. Haha. 

0 comments: