Saturday, December 31, 2011

So long 2011


Ilang oras na lang ay magpapalit na naman ng taon. Isa na namang makabuluhang taon ang magtatapos at may bagong taon na naman na papasok para matututo. Sa totoo lang, ang daming nangyaring pagbabago sa akin ngayong taon na ito. Sobrang daming blessings ang aking natanggap ngayong taon na ito. 

Una ay sa academics. Noong January ay hindi ko talaga alam kung saan ako papasok sa kolehiyo. Nagpapasalamat naman ako dahil ako pa ang namili sa tatlong unibersidad na tumanggap sa akin at tulad nga ng nasabi ko dito sa blog ko, UPLB ang pinili ko. Nakapagtapos rin ako ng high school ngayong taon. Kasabay rin ng pagtatapos na iyon ang maraming karangalan na aking tinanggap. Nagbunga ang ilang taon na aking pinaghirapan! Sulit na sulit! Naging maayos din ang aking unang semestre sa UPLB. Magaganda ang grado na aking nakuha. Sana lang ay magtuloy-tuloy ito. :)

Pangalawa, sa aking pamilya. Nakakatuwa lang dahil sa tinagal tagal naming pag-aaya sa parents namin na sumali sa Couples for Christ eh napapayag na namin sila. Sobrang dami rin ng material blessings na dumating sa pamilya namin. 

Pangatlo, sa buhay YFC ko. Naging active ulit ako sa YFC this year. By God's grace, nakapunta ako sa International Leader's Conference sa Cagayan de Oro. Nakapagserve din ako sa Provincial Youth Conference dito sa aming probinsiya bilang emcee. Nakapunta rin ako sa Regional Youth Conference sa Bataan. All for God ika nga. Basta YFC, kayang magtiis makaipon lang at makapunta sa mga events.

Pang-apat, sobrang dami kong nakilala ngayong taon. Ikaw ba naman na ilagay sa isang lugar na totally wala kang kilala. Ilan na jan ay yung mga dormmates ko especially yung room 207 barkada ko, ang BS Electrical Engineering Bloc W1, ang YFC UPLB Campus Based, ang Students with a Purpose especially the Thursday Group at ang maraming maraming naging classnates sa iba't-ibang subjects. Sila kasi yung nakatulong sa akin para magadjust sa bagong environment na ito.

Panghuli, ang mga trials. I consider them as blessings in disguise. Binigay yun ni God sa akin, at sa family ko para mapagtibay ang akin/aming loob. Hindi naman kasi nagbibigay si God ng trials na hindi natin kayang lampasan. Malaki ang tiwala niya sa atin kaya binibigyan niya tayo ng blessings.

Sa totoo lang, kulang ang mga salita upang idescribe kung gaano naging makulay ang aking taon. Hindi rin makaya ng aking kamay na i-tipa lahat lahat dito. Magkagayun man, lahat ng mga nangyari ngayong taon ay nag-iwan ng aral sa akin. Sigurado yun! Nawa ay naging makabuluhan din ang inyong taon. 

Kaya nga may NEW YEAR kasi may bagong pagkakataon. Kung hindi naging maganda ang taon na ito, subukang bumawi sa susunod. Life's full of second chances.

Let's make it on 2012! Bawi tayo sa kung ano man ang naging failures natin. For this coming year, I'll try to be more mature, tutal, I'll be turning 18 this 2012. Legal na! Malaki na ang responsibilidad. 

Maraming salamat sa pagiging parte ng buhay ko sa simpleng pagbabasa lang sa blog na ito. I-try ko din magblog hangga't kaya :)

Happy New Year! Cheers to 2012!

Sunday, December 25, 2011

Pasko

Pasko (Pangngalan)-- Panahon kung saan ang mga pantalon ay nagsisikipan at ang salitang diet ay taboo.

HAHA

Pasko na naman. Panahon na naman ng sandamakmak na party na katatampukan ng sandamakmak na pagkain. Pilitin mo mang pumikit para hindi iyon makita, maaamoy at maaamoy mo pa rin ito at ito ang magiging dahilan ng iyong pagmulat muli. Bwahahaha. 

Ang pasko rin ay sinasabi nila na para sa mga bata which is I agree. Sobrang nami-miss ko lang yung kabataan ko, I mean here nung sobra pa akong bata ha, (mag 18 pa lang naman ako), madami akong natatanggap na mga regalo. Iba't ibang klase ang mga iyon. Mula sa damit, laruan at siyempre ang pinakagusto ng mga magulang--cash. Alam niyo yan! Ang cash na regalo sa bata ay napupunta sa magulang. Tama? haha. Ngayong pasko na ito, wala na akong masyadong natatanggap na regalo. Mayroon man, simple lang ito at kaunti. Hindi kagaya noon na ang dami talaga.

Salamat naman at malaki na ako. Naiintindihan ko na ngayon kung ano ang tunay na diwa ng kapaskuhan. Alam ko na kung bakit madaming handa tuwing Pasko--ipinagdiiwang kasi natin ang kaarawan ng ating hari na walang iba kung hindi si Hesukristo. Alam ko na rin kung bakit ang mga bata ang lubhang masaya sa Pasko--dahil gaya ng pagbibigay ng tatlong hari ng regalo sa sanggol na ipinanganak sa Bethlehem, binibigyan natin ng mga regalo ang mga bata. 

Simple lang ang naging pasko ko at ng aking pamilya. Ngayon na lang kami nakumpleto ulit sa araw ng Pasko. Hindi kasi kami nakauwi nila mommy sa probinsiya kasi may pasok na agad sila kinabukasan. Hassle naman daw. Kaunti lang ang aming handa. Tamang tama lang iyon upang pagsaluhan namin sa aming hapag. Wala rin kaming mga bagong damit na suot suot. Tama na sa amin ang aming mga lumang damit. Sinalubong namin ang Pasko na magkakasama at nagdarasal. Sobrang isang napakagandang regalo sa akin yung makapaglead ako ng dasal para sa pamilya ko. Sobrang masarap na regalo na rin yung yakap ng mga magulang at kapatid mo. Walang materyal na bagay ang tutumbas pa sa regalong natanggap ko ngayong pasko. 

Tunay na ang panahon ng kapaskuhan ay panahon ng pagsasaya. Marapat lang naman kasi na ipagdiwang natin ang kapanganakan ng Kristo na nagligtas sa atin. Sa kabila ng malalakas na tugtugan, bumabahang inuman at nakabubusog na kainan, huwag natin kalimutan na ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagpapasalamat sa regalo ng panginoon sa atin--si Hesus. 

Bukod doon, alalahanin din natin ang mga kapatid natin na mas nangangailangan ng ating mga tulong.

Mula dito sa sulatkamayko, ako at ang aking pamilya ay bumabati sa inyo ng isang mapagpalang Pasko! 

Friday, December 23, 2011

pananaw ng kabataan sa pag ibig

Pananaw ng kabataan sa pag-ibig?

Sa totoo lang, ang pag-ibig para sa mga kabataan ay yung pag-ibig sa opposite sex. Ito ay isang realidad. Siguro nga ay talagang ito ang naiisip ng mga kabataan ngayon dahil sa iba't ibang dahilan.

Una, ang impluwensiya ng media. Hindi lingid sa ating kaalaman na patok na patok ngayon ang mga teleserye na nagtatampok ng pag-iibigan. Wala naman siguro kasing dating ang teleserye na walang love story hindi ba? Sa tingin ko yun ang nag-iiwan ng impluwensiya sa utak ng mga kabataan--na sa buhay, ang pag-ibig ay yung kayong dalawa ay nagmamahalan.

Pangalawa, dahil sa curiosity ng kabataan, akala nila(namin) na kailangan sa ganitong edad nila (namin) ay mayroon na silang(kaming) mga partners which is in reality, hindi naman talaga.

Pangatlo, masyadong general ang word na pag-ibig or love at kaming mga kabataan ay mas naiinterpret ito as the intimacy between the opposite sex apart from others like love of the country, love of your friends, neighbors etc.

Sana ay nasagot ko ang tanong ng maayos :)
Maligayang Pasko!

Tanong ka lang..

Monday, December 19, 2011

Bangon CDO

Alam ko, madami na ang mga blog posts tungkol sa sinapit ng Mindanao sa kadaraang bagyong Sendong, pero heto pa rin ako upang makiisa sa pagtulong, hindi man sa pamamaraan ng pagvovolunteer, kung hindi sa isang panawagan.

Alam naman natin ang sinapit ng ating mga kababayan sa Mindanao lalung-lalo na yaong mga taga CDO at Iligan. Hindi ko lubos maisip na ang lugar na iyon, kung saan ang mga mata ko mismo ang nakasaksi ng ganda, ganun na rin sa mga mababait na tao doon ay nahaharap ngayon sa isang crisis. Tunay nga na hindi natin alam kung ano ang kinakaharap nating lahat. Heto na nga at dumating ang isang sakuna na puminsala sa daan daang mga pamilya. Isang sakuna na kumitil sa mga pangarap. Isang sakuna na pumawi sa mga ngiti ng mga tao lalo na yaong mga naapektuhan.

Ang pangyayaring ito ay gumising na naman sa kamalayan ng sangkapilipinuhan. Panibagong dagok na naman ito na sumusubok sa ating pagkakaisa. Hayaan ninyo na magbahagi ako ng ilang pictures dito. Itong mga pictures na ito ang pumukaw sa aking puso. (ang mga pictures ay hindi sa akin. credits sa mga may ari nito):







Nakalulungkot lang talaga na ngayong magpapasko pa nangyari ang trahedya na ito. Wala naman tayong magagawa dahil natural na kalamidad iyon. Ang tangi na lang nating magagawa ay ang magkaisa bilang isang bansa. sinu-sino pa nga ba ang magtutulungan kung hindi tayo tayo din, hindi ba? Ngunit ang tanong ay papaano? Narito ang ilan sa mga pwede nating maitulong:


GMA KAPUSO FOUNDATION:


Material donations may be delivered to the GMA Kapuso Foundation office Mondays to Fridays from 9:00 a.m. to 6:00 p.m. Aside from old clothes, food items and medicines, we also accept hygiene products, mats, blankets, medical equipments, toys as well as other things that are helpful to our beneficiaries.


For monetary donations, the Foundation accepts cash or checks. Our finance officer can personally accept these in our office, from Mondays to Fridays, 9:00 a.m. to 6:00 p.m. or you may course your donations through the following:

•METROPOLITAN BANK & TRUST COMPANY (METROBANK)
Peso Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:3-098-51034-7
Dollar Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:2-098-00244-2
Code:MBTC PH MM

•UNITED COCONUT PLANTERS BANK (UCPB)
Peso Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:115-184777-2
:160-111277-7
Dollar Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:01-115-301177-9
:01-160-300427-6
Code:UCPB PH MM

•CEBUANA LHUILLIER (all branches nationwide)

•NO SERVICE FEE CHARGED!


Donation are also accepted in the following banks:

BANCO DE ORO (BDO)
Peso Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:469-0022189
Dollar Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:469-0072135
Code: BNORPHMM

PHILIPPINE NATIONAL BANK (PNB)
Peso Savings
Account Name :GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Numbe:121-003200017
Dollar Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:121-003200025
Code:PNB MPH MM


Pwede din yung sa globe, kung globe user ka (this is for RED CROSS HUMANITARIAN EFFORTS)
text RED send sa 2899
minimun po ito ng 5php. This was according sa isa kong nabasa. 

Above all, maganda kung lahat tayo, bilang isang bansa, ay magdadasal para sa mga biktima ng mga kalamidad na ito.


Bukas, alam ko, pagtila ng ulan, lahat tayo ay babangon. Kapit-bisig nating haharapin ang bagong umaga. Tulong-tulong tayo bilang isang Pilipinas. Bangon CDO. Bangon Pilipinas!

Thursday, December 15, 2011

Hala sige takbo!

(Oops na post bigla yung title nito kahit wala pang body. Eh kasi naman, naka iPad daw kasi. Libre lang ito ngayon kasi next year eh may bawas na ito sa aming free 20 hour of Internet service.)

Ayun nga. Ngayong araw ang huling araw ng klase ngayong taon (I suppose). Karamihan kasi sa mga teachers namin ay hindi na nagkaklase kasi dama na namin ang Christmas season. Iba na rin talaga ang simoy ng hangin dito. Ang kakaibang laming nito ay humihila as akin pabalik as kama as tuwing pipilitin kong gumising ng maaga. At ngayon nga, mabibigyan ko na ng hustisya ang pagod kong katawan. Ang sarap Siguro matulog ng matulog.

At dahil nga huling araw ng taon, may pahabol din na pasabog ang isang kilalang frat dito as UPLB. Alam ko nahulaan niyo na---OBLATION RUN. Naging tradition na ito ng unibersidad kahit noon pang hindi pa ako estudyante dito. Silang mga nagsisitakbong nakahubad, bitbit ang mga placards at Rosas, matapang na ipinahahayag ang kanilang saloobin sa isang isyu kahit na hindi nila batid kung nakukuha ba ng mga tao ang nais ipahayag oh ang natatandaan lamang nila ay ang kanilang mga katawan na nakalantad sa madla.

Ito ay isang katotohanan. Siguro nga, noong mga bago pa lang ay epektibo talaga ang ganitong paraan ng pagproprotesta.Ipinakikita kasi nito ang transparency ng tumatakbo. Ipinakikita nito ang malinis na hangarin ng tumatakbo na bilang isang sinserong nagproprotesta ay handang ipakita ang lahat. Hindi ko lamang alam sa panahon ngayon. Totoo na may impact ang ginagawa nila pero yung impact ba na yun ang naiiwan sa mga isipan ng mga Tao? Nakasisiguro akong mas pag-uusapan pa ng mga tao ang kanilang mga pinakatatago kaysa sa isyu na kanilang ipinahahayag. Yaon ang katotohanan.

Ang pagtakbong hubad ay isa lamang pamamaraan ng pagproprotesta. Maraming pang ibang pamamaraan. Sa lahat ng ito, isa lang naman ang nais ipabatid ng mga nagproprotesta---ang maipahayag ang kanilang saloobin sa karapatan na pilit Ipinagkakait sa kanila.

Kaya naman, bilang isang mag-aaral ng pambublikong unibersidad, Paaral ng gobyerno at ng sangkapilipinuhan, naniniwala Ako na may karapatan ako. Dahil doon, may kakayahan akong ipaglaban ang sa tingin ko ay tama. Gayun din, sumusuporta Ako sa pagkikipaglaban sa mga isyu na bumabagabag sa aming mga mag-aaral Hindi man ito sa pamamagitan ng pakikitakbo sa oblation. Susuporta Ako sa pamamagitan ng pagpapahayag ng asking sarili sa ganitong uri ng peryodiko.

Higit sa mga Rosas at hubad na katawan ang mensaheng gustong iparating nga oblation run. Umaasa Ako na Ito ang tatatak sa isipan ng mga manonood nito Mamaya.

Hala, sige takbo.

Tuesday, December 13, 2011

Buhay pa ako

Akalain niyo yun, dahil sinasamantala ko lang ang libreng wifi na nasasagap ni laptop mula sa di kalayuang hostel na karamihan ay koreano eh naisipan kong magbukas ng blog at nangati naman ang aking daliri na para bang may utak ito at naisipang tumipa ng tumipa sa keyboard. Ang tagal ko ding nawala. Who would have thought? kakaunti lang naman ang mga readers nito at sigurado naman ako na di niyo napansin na nawala ako. (self pity?) haha. De joke lang.

Sa totoo lang, na miss ko magsulat dito sa pahinang ito. Marami akong naitagong drafts na hindi ko na pinost dahil feeling ko inappropriate kaya hayaan na lang natin ang mga iyon. Ang mahalaga, heto ako ngayon at tumitipa upang may pag-aksayahan naman ako ng oras at ng sa gayon ay maaksaya din ang oras niyo. bwahahaha

So yeah, okay naman ako dito sa UPLB. Parang noong isang taon lang eh nangangamba ako kung saan nga ba ako mag-aaral ng kolehiyo pero ngayon isa na akong iskolar ng bayan. Patuloy pa rin naman akong nangangarap katulad ng dati. Patuloy ko pa rin pinag-iigihan sa aking pag-aaral dahil ito na talaga yung realidad. Dito ay hinuhulma ko na ang aking bukas. 

Mahirap sa umpisa dahil una sa lahat malayo ka sa pamilya mo. Pero actually sa umpisa lang yun. Mga 3 days. joke sige mga 5 days naman. Sanay na din kasi ako na kung saan saan napupunta at medyo sanay din naman ako makipagsoscialize kaya ayun madali naman akong nakacope dito. Sa katunayan nga, sobrang masaya na ako ngayon dito kasi ang dami ko ng mga kaibigan. Hindi ko na iniisip kung lilipat pa ba ako sa UP Diliman kasi mas malapit sa amin. Parang dito na ako nakaugat eh. Parang taga laguna na talaga ako. haha

Sa loob ng isa at two fifths na semester, feeling ko madami na akong natutunan lalo na sa kulturang UP. Ibang iba ito sa school na kinagisnan kong pasukan. Una, public school ito. Pangalawa, ang laki ng grounds at ang daming students. Pangatlo, open-minded ang mga tao at ang mga sensitibong usapan sa mga private school ay hindi taboo dito. Pang-apat, freedom kung freedom dito. Walang pakialamanan kung ano man ang trip mo sa buhay. Pang-anim ay may pang pito pang rason. basta, sobrang madami. feeling ko nagiging tunay na tao ako dito sa UP. Kahit sinasabi pa nila na ang mga estudyante ng UP ngayon ay MATATAPANG na lang. 

Gaya nga ng sinasabi sa header ng blog na ito, patuloy na iikot ang mundo. Marami pa akong maeexperience at sigurado akong iyon ay ang bubuo sa future na ako. Masyado pang maikli ang nailagi ko sa unibersidad upang sukatin kung ano na nga ba ang narating ko. sa ngayon, binalitaan ko lang kayo sa kung ano nga ba ang nangyayari sa akin. 

Invalid na yung reason ko na wala akong gamit pang-blog kasi may laptop na pero humihingi ulit ako ng pasensiya kung hindi ko ito maisisingit sa schedule kong malupit. Haha.

Yun lang, maraming salamat sa pagbibigay ng oras sa pagbabasa. :) hanggang sa muli!