Sa wakas, after ilang days, weeks and months of waiting para makapunta sa aking university for next year ay natupad na rin. It was tuesday, March 29, 2011, an ordinary day everyone might call, but for me, it's different. First time ko dadalaw sa school na papasukan ko. First time ko makakalakad sa streets na lalakarin ko day by day starting june. At siyempre magcoconfirm din ako ng enrollment slot kasi baka maubusan ako.
Malayo ang Laguna dito sa Bulacan kaya maaga pa lang ay gising na ako kasi maaga kaming umalis. We left our starting point here in San Jose del Monte Bulacan at around 6:50 and we arrived at UP Los Baños at around 10. Bale kulang 4 hours din ang byahe. Nakakapagod sa pwet. nakakangalay bumyahe ng matagal. Siguro kaya lang ako natagalan kasi first time ko. Sabe din ni papa, pag madalas na daw akong umuwi ng LB, mas masasanay ako sa byahe at parang iiksi din ang byahe. I hope it's true. Kung hindi baka hindi na ako umuwi ng madalas dito sa Bulacan. I'm planning to go home at least weekly, pero sa pamasahe, talo.
After the long wait, bumungad sa aking mata ang napakacool ambiance ng UP Los Baños. It was like a paradise before my eyes. May mga sibilisadong taong naglalakad sa streets na napapaligiran ng mga puno. Ang lamig ng hangin. Ang green ng palagid. Nakakarelax sa mata.
At siyempre, mawawala ba sa isang UP campus ang OBLATION? Eto siya:
Bakit kaya mga lalaki lang ang nagooble? Never mind. Basta UP, Oble talaga ang tatak.
Habang hinihintay ko yung iba kong kasama na UPCAT passers din na magconfirm ng enrollment slots nila, naglibot libot ako sa di kalayuan para magkuha ng pictures at eto yung isa sa mga napicturan ko. It was a very small flower ng isang animo'y damo na halaman. Nagulat din sila mommy kasi ang cute daw ng shot ko. (yeah I'm a frustrated photographer):
(macro-shot. Maganda siya sa mata ko. haha)
Eto pa isa:
(The UPLB grounds. Ang daming puno. Ang sarap tumira dito)
After confirmation, nagpunta naman kami sa dorms para magpareserve ng slot only to know na iba na pala ang policy. Hindi na pupunta sa bawat dorm na administered by UP para maginquire. Pumunta na daw sa office ng vice chancellor. So ang nangyari, naglakad kami hindi para pumunta sa sinabing puntahan kundi pumunta sa Office of Student Affairs para mag file ng STFAP ko at kumuha ng Loan for tuition ko. Alam niyo naman medyo kapos, so buti na lang may nasasandalan. Habang naglalakad nagpicture ako ng mga sceneries.
(the UPLB street--lagi akong dadaan dito. weee excited)
(eto yung field ng UPLB. Astig kasi ang lawak. Tanaw pa yung bundok Makiling. Tapos yung tower astig. Ang taas niya at ang ganda ng architecture. Luma ang style. I like antiques)
(ang ganda ng punoo na ito. Eto ata yung centennial tree na sinasabi nila. no doubt. Muka nga siyang centennial)
After that, siyempre gutom na kami. Sabi ng naglalakad ng papers namin, punta daw kami sa IRRI para doon na kami kumaen. Magpipicnic daw kami. So ayun, nagdrive na si kuya driver at nakarating kami sa isang place na animo'y palayan talaga. Malapit pala sa college of agriculture. Hindi kami pinayagan na pumasok doon kaya naghanap na lang kami ng place para kumaen somewhere sa grounds ng UP. After eating, siyempre habang nagkwekwentuhan sila naglibot ang frustrated photographer at namicture ng kung anu-ano.
(sobrang laki ng puno. Feeling ko abot na siya ng langit. haha exagge lang)
(Ang hirap picturan ng langgam. ang bilis niya maglakad. camera shy. Muka lang tuloy siyang dumi sa picture.)
After that, nagpunta na kami sa inquiran ng dorms kasi last na yun na dadaanan namin. Tapos di pa rin ako nakapagpareserve kasi may deficiency ang requirements ko. Ipa-LBC na lang daw. After that umuwi na kami. Nalungkot ako kasi di ako nakapagpicture sa mismong gate ng UP Los Baños. Next time na daw. So eto ang huling sulyap kay Oblation before leaving UP.
We arrived home at 5 pm. Hindi kami ginabi. Good thing makakapag computer pa ako. I really love the place of UPLB. Napakaconducive niya for studies. Very different form the city universities kung saan kaliwa't kanan ang pollution--mapa noise, air, water land. I think mapapamahal ako sa LB neto. parang ayoko na magtransfer sa Diliman sa second year ko.
(btw sorry tagal ko magupdate. Daming nilalakad. by the way April 16 is fast approaching. it will be my 17th birthday. Gusto ko po sana ng UNIQUE na photogreetings. send lang po sa sucalditolouie@gmail.com if meron. thanks)
5 comments:
I missed the place...congrats sa pag-aaral jan hehehe...
nice UPLB! congrats :)
ganda naman jan kuya renz! i'm sure mas makakapg aral ka po ng maige jan! Good luck po and God bless ;0
nakanaman. ang daming mga brainee bloggers. UP boi ka na. dika na mareach.:D
@kuya jag salamat. dalaw ka dito :)
@sir Bino salamat!
@halojin ganda tlga super.. salamat
@sir anton hehehe salamat. ui reach na reach mo p din
Post a Comment