Monday, March 21, 2011

Graduation

High school life,on
my high school life
Ev'ry memory, kay ganda
High school days, oh my high school days
Are exciting, kay saya

High school life, ba't ang high school life
Ay walang kasing saya?
Bakit kung Graduation na'y
Luluha kang talaga?


Grumaduate din! Ang saya. Kahit na nakakalungkot dahil magkakahiwa-hiwalay na kame. Parang hindi naman. Kasi after the graduation, magkakasama pa rin kame the whole day. Tapos kahapon magkakasama ulit kami. Tapos mamaya magkakasama nanaman kami. Sinong nagsabing tapos na?

Sobrang naging masaya ang buhay high school ko. Ang dami kasing twists na dumaan. Feeling ko yubng mga twists na yun pag ginawa sa isang damit eh mawawasak na yun sa sobrang twist. Pero kahit na ganun, yung mga twist na yun yung nagbigay ng flavor sa buhay high school.

Kahapon nga, nagsimba kaming batchmates. Ang dami namin. 21 ata kame. Wala kaming masakyan na jeep na kasya kami lahat, ang resulta, naglakad kami ng isang oras hanggang makarating sa may sentro. Oh diba, ayos. Walang nang pagod pagod na naramdaman. Puro tawa at saya na lang. Sinusulit na namin hanggat pwede pa. Madami kasi ang lalayo tulad ko.

By the way, maraming salamat sa lahat ng bumati sa akin through my prior post, sa txt, sa fb at kung saan saan pa.

Share ko lang din yung ilang pictures ng graduation ko.
After graduation, sinundan yun ng family dinner tapos ng graduation ball para sa amin. Wala na akong picture ng dinner kasi na lowbatt ang cam. Tapos nakikuha lang ako ng isang picture ng gradball. Eto:


Siya si BFF na nasabe ko dito dati. My first and last dance :]

Graduation+Family Dinner+Graduation Ball= BEST NIGHT OF MY LIFE!
Congratulations Silver Graduates of our school. Bon Voyage!

Wednesday, March 16, 2011

I'll always remember YOU

I always knew this day would come...
Ang bilis talaga ng panahon. Ilang araw na lang at matatapos na din ang lahat. Bilang na nga pati mga oras, mga segundo. Pati nga mga minuto kayang kaya na din bilangin. Alam ko naman, alam nating lahat na dadating tayo sa ganito. Pero ang hirap din pag nasa ganito ka nang sitwasyon. Ayaw mong iwan ang ilan sa pinakamahal mong tao sa buhay mo.

We'd been standing one by one
Sa tinagal tagal ng panahon nating magkakasama, natuto na din tayong tumayo sa mga sarili natin. Dati takot na takot tayo sa mundo. Ngayon proud na proud na tayong nakatindig at sinasabing, sige i-try mo ako. Isa isa na tayong ready--ready para tumapak palabas ng institusyong kinalakhan nating lahat.

With the future in our hands. So many dreams, so many plans.
Noong June, kaunti pa lang yung naghahanda para sa kolehiyo. Madaming may aftershock pa ng 3rd year life. Maraming ayaw pa magpatuloy, pero wala tayong nagawa kundi maging 4th years. sa pagdaan ng mga panahon, napuno tayo. Naging mga responsableng estudyante. Nanindigan. Nagdesisyon. Unti-unting nangarap. Hanggang ngayon, patuloy pa rin na nangangarap. Namulat tayo sa kasabihang "libre lang ang mangarap". Bawat isa gusto maging successful. paano tayo magsusucceed kung ayaw nating bumitiw sa institusyon natin ngayon?

I always knew after all these years. There'll be laughter, there'll be tears...
Sobrang naging makabuluhan ang taon na ginugol ko sa high school dahil kasama ko kayo. Hindi ko makakalimutan yung mga pagkakataon na mangiyak-ngiyak ako sa kakatawa. Yung sobrang ang ingay sa science laboratoty nung second year tayo dahil sa mga palaka. Yung tawa tayo ng tawa kay JP na nadulas sa hagdanan. Yung MEYHI chocolate. Yung pagpiyok ni sir Garces. Yung "patingin please" phrase nung retreat. Ang dami kong tinawa kasama ninyo. Hindi ko rin makakalimutan yung mga tampuhan, mga konting awayan at di pagkakaunawaan. Yun kasi yung mga nagpatibay sa samahan natin bilang isang klase diba?

I never thought that I'll walk away, with so much joy but so much pain and IT'S SO HARD TO SAY GOOBYE.

But yesterday's gone, we gotta keep moving on. I'm so thankful for the moments, so glad I gotta know ya. The times that we had, I'll keep like a photograph, and hold you in my heart forever. I'll always remember you.

All is set ika nga. May grad song na tayo. May sosootin na tayo sa graduation. Naannounce na din ang honor students. Pati mga awards na iba ay meron na din. Nagpractice na din tayo for graduation. May papasukan na tayo for college. May plano na tayo for next year kahit konti lang. Araw na lang ang binibilang.

Kaya bago matapos ang lahat, maraming maraming salamat sa inyong lahat. Sa 64 na kaibigan, kaklase, kapuso, kapamilya, kapatid, kabarkada at kabuddy, naging sobrang saya ko. Di ba obvious? Alam ko alam niyo na sobrang masaya ako. kanina, last flag ceremony na natin yun sa sols, pinilit ko kayong batiin lahat ng good morning. Pinilit kong maging busy kakalibot sa school para manlang malibot ko yun bago mag graduation. Pinilit kong ngumiti buong araw para man lang kahit huli nakasmile pa rin ako sa school. Bukas, walang pasok. Sa biyernes, the end na?

Di bale, alam ko naman na magkikita-kita pa rin tayo. Pero tandaan niyo, lab ko kayo sagad!
Oh siya, sentimental na masyado to. HEHE
Pakinggan niyo na lang grad song natin:


12 years din pala ako naging Selettinian. Ang tagal noon. Halos buong buhay ko sa kasalukuyan umikot na sa sols.

Natatandaan ko pa, noong kinder 1 ako, panghapon ako pumapasok. Hinahatid ako noong dati naming kasambahay. Tapos na homesick ako. Umiyak ako at tumakbo palabas ng campus. Umuulan noon. Wapake ako kung mabasa man ako. Namiss ko kasi yung bahay namin.

Kinder 2 ako, bago teacher namin. Hinanap ko yung dati naming teacher sa bagong etacher namin. Nagaagawan kami sa placemeat na kulay blue tuwing recess. Nakaindian seat kami sa floor during some discussions. Nagsayaw pa ako nung graduation.

Grade 1, dumami ang kaklase. Naalala ko pa nga noong first time ko na meet si Camille, isa sa mga trustworthy friends ko ngayon. Ang sungit pa nga niya nun. Naaalala ko din nung nagkaroon ng leak sa room namin. Tumulo yung tubig from the 2nd floor. Early recess tuloy kami. Naalala ko pa noon pag tinatamad ako sa discussion, gumagapang ako sa lapag, pumupunta ako sa shelves, inaayos ko yung mga libro. naaalala ko din yung mga pagkakataon na sumisigaw yung teacher namin dahil may daga sa drawer niya. Naaalala ko din yung pinalo kami ng teacher namin sa kamay doon sa harap ng klase dahil late kami after break.

Grade 2, First day noong, nag-ayos kami ng kurtina dahil inutusan kami ng teacher namin. Nakilala ko noong yung mommy kuno ko ngayon. Nakilala ko di si top 1 ngaun noon. Sakto lang, only few memories retain. Medyo tinamad kasi ako mag-aral nun.

Grade 3, naexcite ako mag first communion. Pinagpraktisan pa nga namin nung yung haw haw flakes. Parang host kasi yun. Same ang adviser namin noong grade 2. Nagleave si Ma'am kasi manganganak siya. Pinaglihi daw sa kakyutan namin ang anak niya.

Grade 4, kumakanta kami ng iba't ibang songs pero ang lyrics mga rehiyon sa Pilipinas, lugar noon at mga kapital ng bawa't lugar. Para daw matandaan namin agad. Excited din ako noon kasi naka panta na kami noon papasok.

Grade 5, naging sobrang maingay ang science class. Pano ba naman kasi reproductive system ang pinag-aaralan. Alam mo naman ang mga kabataan diba. Nag-usbungan na din ang crush crush na yan.

Grade 6, naging adviser namin yung isa sa idol kong teacher sa pagsasayaw. Ang dami niyang pinapagawa sa amin tulad ng iba't ibang sayaw na practicum at pati pagkanta. Naaalala ko din, intrams noon, nagalit siya sa amin, binasag niya yung mug na may halaman sa desk niya tapos sabe niya hindi daw kami makakapaglaro. Kami naman nagalsahan, sabe namin uuwi na kame, pero in the end, nakagraduate naman kami ng matiwasay.

1st year na, bagong uniform na. Dati blue ngayon black na. Dati tuck-in ngayon TAK OUT na. Madaming nawala sa batch namin noong elem pero mas madami ang pumalit. Eto yung taon na sobrang bumuo ng pangalan yung batch namin. Lahat kasi ng contests pinapanalo namin. Tuloy ang init ng tingin ng ibang year sa amin. pati tuloy adviser namin nakikipagtalo na sa ibang teachers for us. 1st time ko din makapagswimming with classmates ng panahong ito.

2nd year, nagbago ng sections mildy. Naging classmate ko ulit si TABA (Lanz). Dumating sa school si BFF. Bumubuo pa rin ng pangalan section namin. Nagdissect kami ng palaka na hinuli pa namin sa school. Sinorpresa din namin yung adviser namin na si sir Erwin. 21st birtdhay niya kasi yun. Ayun napaluha naman namin siya.

3rd year, medyo ang sarap ng buhay. Ang tibay na ng samahan. Dagdagan pa ng adviser na super lovable. Isama ang competitiveness= tres de san juan. Halos lahat ng pagkakataon na naging 3rd year ako memorable, though di ko kayang i-specify, mananatili yun na lessons for I'd learned a lot from this school year.

and lastly, 4th year. The best year of high school. Hanep sa projects, hanep sa extracurricular activities hanep sa lahat. Lahat ng mga nangyare masaya at todo-todo kasi nga ang iniisip namin huli na ang lahat.

Lahat ng ito ang bumuo sa pagkatao ko. Lahat ng ito ay pagpapaalala kung sino ako. Kahapon lang lahat ng ito. Ngayon ala-ala na lang. Ala-ala ng isang masayang kabataan. Ala-ala ng isang SALETTINIAN. Ala-ala ko, kasama kayo.

tama na nga. Wag na malumbay. :]

Bago pala ako matapos, CONGRATULATIONS SA ATIN SILVER GRADUATES OF SOLS!


Wednesday, March 9, 2011

HBD Batanggala!


Batanggala

Sa mundong ito, kita'y nakilala
sa taglay mong talentong di maikakaila
sa bawat kwentong iyong inilalathala
Di ko maiwasan na minsan ay matulala

Sa mga topics mong lubang nakakalibang
sa mga drama mong minsa'y nakakahibang
Pramis, ako'y dalang-dala mo
Kaya nga ikaw ay isa sa idol ko!

Sa murang edad, madami ka ng napagdaanan
Kaya nga siguro, sa mundo'y madami nang napatunayan
Lakas ng loob at determinasyon, kitang-kita sa iyo
Batanggala, halika, ako'y bigayang mo nga ng payo!

Batanggala, o batanggala!
Anak ng teteng, saan ka pa ba gagala?
Sana'y mga paggala, sa blog ay laging itala
at nawa ika'y pagpalain palagi ni Bathala!

Pagpaumanhinan mo na ang aking tula
Dahil panget siya at walang kwenta
pero kahit magkaganoon, huwag kalilimutan
sinsero akong bumabati kaibigan!

---Sana okay lang to. haha. Sobrang nahihiya ako dahiol eto na nga lang ang magagawa ko medyo panget pa. pero Happy Happy Birthday na lang! Salamat sa lahat lahat at wish you all the best for this year of your life. Should I call you ate? Ahaha. Huwag na siguro. Take care always!



Saturday, March 5, 2011

10 down to 10

Ayoko pa sana magblog tungkol dito eh, pero dahil nga udyok ng text ng isa kong classmate eh nainspired naman ako mapost. Eto yung sabe sa text:

A Student life

Ang pinakamahirap at pinaka maimpluwensiyang tanong:
"oi, papasok ka?"

Ang mapanuksong sagot:
"ikaw ba?"

Nakakapressure na sagot:
"ewan ko nga eh"

The best na sagot:
"kapag hindi ka pumasok, hindi na rin ako papasok"

WHICH WILL RESULT TO
"Tara, wag na tayo pumasok!"

At ang mapagkunsinteng pangyayari:
"Buti na lang hindi tayo pumasok. Wala naman daw ginawa eh"

---mamimiss ko ang mga tanong na to
Nagsimulang umikli ang panahon ko sa sols noong mag fourth year ako. Noong pasukan eh hindi ko pa nga feel na fourth year na ako. Mantakin mo, pasukan na bukas ay hindi pa nakaayos ang gamit ko. Feeling ko kasi sobrang bitin ang bakasyon at sobrang hooked pa ako sa 3rd year class ko. Pero wala naman akong nagawa, sa ayaw ko at gusto, 4th year na ako. Mas ok na to kesa bumalik pa ako ng 3rd year. dyahe yun.

Ngayong taon, naganap ang isang pinakamalaking twist sa buhay estudaynte namin. Nagkaroom kasi ng shuffling ng mga sections. Meaning to say, mashed up na ang section namin sa kabila. Noong una, nakakalungkot kasi hindi na kami yung dating Tres de San Juan na magkakasama. Parang nagkaroon pati ng malaking pader sa pagitan naming dating magkakaklase na ngayon ay hiwa-hiwalay na. Pero sa una lang yun.

Naaalala ko pa nga yung first day of classes namin eh. Sobrang tahimik sa classroom. Feeling ko walang tao eh. Nakakatakot din kasi ang adviser namin. Yung prefect of discipline ba naman eh. Pero noong mga sumunod na months ay napalagay na din kami sa isa't-isa. Naging malapit na rin kami. Ang maganda pa doon, naging saksi kami sa pag-angat ng aming classmates na dati ay nahuhuli sa klase.

Ang dami naming mga napagsamahan. Ilang araw din na gabi na kami umuuwi dahil sa kung ano-anong group projects ang ginagawa. Ilang servings na din ng lugaw ang napagsaluhan namin. Madami-dami na ding bananacue ang naubos namin. Madami na ding kabag ang inabot namin sa halos buong araw na pagtawa.

Ang ikinatutuwa ko ngayon ay yung lumawak ang mundo namin. Hindi na lang kami limitado sa mga dati naming kaibigan. Naging close din kami sa kabatch namin. Akalain mo, yung dating hindi mo makausap dahil feeling mo hindi ka niya kakausapin, ngayon eh nahahampas hampas mo na lang. Yun nga siguro ang naidulot ng merge. Maganda, masaya dahil madami!

Nakakalungkot ngayon, dahil patapos na ang 10 months. 10 school days na lang ang natitira. Ang nakakalungkot lang doon ay mabilis lang ang 10 days. Ilang tulog lang yun kung iisipin diba?

Pero sabi nga ng adviser namin, ang graduation ay hindi iniiyakan. Dapat wala sa inyo ang iiyak. Tingin ko, sinasabi lang ni sir to para hindi kami gaano malungkot. Imagine, 12 years ako nag-aral sa school na yun. karamihan sa kanila since elementary ko pa classmates tapos next year hiwa-hiwalay na?

Oo, magkakalapit lang kami ng bahay pero hindi naman ibig sabihin noon na lagi pa rin kaming magkakakitaan. Tulad ko, sa laguna na ako titira for UP, tapos yung iba din, mapapalayo na. Masasabi ko lang, sobrang salamat sa lahat lahat. Di ko alam kung paano ako magpapasalamat pero salamat talaga. Sa inyong lahat, sa 64 na naging classmates ko, at sa lahat ng teachers ko, sa lahat ng schoolmates and friends. Thank You for beeing part of my life.

Sa mga next batches, goodluck

to the SILVER JUBILAREAN BATCH AKA PILAK BATCH of 2011, swerte natin, graduate tayo ng 25th anniversary ng school. Good luck sa atin lahat, mapa UP, UST, Ateneo, UE, Mapua, PATTS, Fatima, CEU o kahit anong school man kayo pupunta, GOOD LUCK!

**cancel ko na yung video upload. ang tagal tagal :]
link ko na lang once ma-upload sa youtube

Friday, March 4, 2011

Career Talk

****Actually, ang career talk na tinutukay ko sa taas ay hindi naman isang pormal na career talk. Naisipan ko lang na yun ang i-title for formality sake.

March 3, 2010, Huwebes, nagtatake kami ng RAT or sige na, para pahabain eh Reginaol Achievement Test. Tantiya ko eh mga alas kuwatro na yun nga hapon. Kasalukuyan nagdiriwang ang aming mga cells nun dahil huling exam na namin yun ngayong school year na nangangahulugan ding huling exam para sa high school life. Natatandaan ko pa naman (dahil kahapon lang yun) ang subject namin nun ay values ed (na napakahirap i-analyze kasi tagalog). Yung proktor namin, itago na lang natin sa pangalang SER, eh nagpapamigay ng fliers ng isang school na itago na lang natin sa pangalang SCHOOL. Isa-isa niya kaming binigyan ng flyers (na kalaunan ay pinalipad naman ng ilan dahil sa kadahilanang ginawa itong eroplano talaga).

Ang ang catch?

Habang binibigay niya yung mga flyers, sinasabihan niya kami na huwag ka mag-aral jan. Depende sa tao. Kapag sa amin na medyo may napasahan na na magandang school ang sinasabi ni SER eh "wag ka dito mag-aral." Kapag naman sa mga nahuhuling classmate namin "Oh, dito ka na. maganda dito".

Oh diba? Natatawa lang akong isipin na first time ko makaencounter ng nagpropromote ng negatibo. Pero kalaunan ay binawi din naman ni SER yung mga sinabi niya. Sinabi niya na maganda naman din daw yung SCHOOL kasi accredited by CHED naman.

So ang katapusan, nag check kami ng papers. 32 over 50 lang ako sa values. Ayos na din. Mukha pa ring mabaet na bata.

At ngayon, two weeks na lang graduation na. At desidido na rin ako kung saan ako lulugar next year. :] at feeling ko walang sense na post na naman.