Magkukwento na lang ako.
Feel ko na na ganap na akong tao. Nakakapunta na ako sa lungsod ng walang kasamang nanay. kaibigan lang. Natry ko na rin na mag-isa lang. kailangan ko na kasi matuto. Next year lumbay na ako dahil malalayo ako sa pamilya ko. Titira ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Masaya. Exciting pero nakakatakot. Kaya ko na ba talaga? kaya ko na. Siguro.
Pero hindi yan ang kwento ko. Saka na yan.
As we all know, EDSA ngayon. Ang sarap ng buhay naming mga estudyante ngayon dahil walang pasok. Thanks God. Wala nanamang pasok. At siyempre, hindi ko inubos ang maghapon sa bahay. Naginterview kami for our supposed to be thesis na naging reseach paper na lang. Nahirapan kasi kame kaya nagdemand kame na wag na thesis tutal high school pa lang kame and thesis is for those na may mas mataas na degree kaysa high school or in short sa college.
Gaya nga ng intro ko (i-connect ko lang), tatlo kaming nagpunta sa may Quezon City Hall. Actually, di naman yun kalayuan dito sa lugar namin kahit na sabihin na Bulacan ito. Boundary kasi ito. Mga ilang hours lang eh nakarating na rin kame doon.
Ilang mga bagay yung napansin ko.
Una, bakit kaya walang 13th floor sa halos lahat ng building na may higit pa sa 13 ang floors? Totoo bang may dulot na malas yung number na yun? So ibig sabihin ba, yung pang 14th floor eh yun yung pang 13th? Natanong ko lang. Nakita ko kasi sa number nung elevator, nagskip siya sa 13 kaya ayun.
Kanina din, 1st time ko mag underpass. Nakakahiya no, ang laki ko na. 16 na ako at first time ko lang magunderpass kanina. Fantastic. Saan ka ba naman kasi makakakita ng underpass sa probinsya?
Pagtapos namin maginterview, pumunta kami sa bahay ng lola ng classmate ko sa di kalayuan para palipasin ang lunch break. Balak kasi namin pumunta sa UP para i-check ang UPG namin. Wala pa yung letter ko. Yung mga classmates ko na pumasa rin meron na.
Naalala ko noong last na punta ko sa UP. Sabe ko, I SHALL RETURN. Kanina, nagbalik na ako at sinabi ko ulit yun. Ayun, pinalipas namin ang ilang oras sa paglalaboy sa UP. Wala gaanong tao. Siguro nasa EDSA. Dame tuloy naming wacky pics. Sample to:
Pagod na ako maglakad sa loob ng UP
Batas ako sa Jeep. Ganyan ang tamang pag-upo.
Nagmumuni-muni (daw)
Tapos pumunta naman kami sa SM. Bumili ng kung ano-ano at nagpalamig. Bumili kami ng Ice cream sa DQ, yung Blizzard. Ang cool kasi pag sinerve sayo upside down tapos di nahuhulog yung ice cream. Wala lang. share ko lang. As usual, nagtatanong nanaman ang aking kautakan kung bakit ganun. I'm looking for a scientific explanation ika nga. Tapos ayun, sumakit ang paa. Naglalakad buong araw kasi. Tapos nakita pa namin sa food court si Michael V. Nagtataka kami kung bakit dinudumog yung lugar namin. kalapit lang pala namin siya. Akala ko ako yung dinudumog doon. Kidding. Nanood pa kami ng shooting ng pepito. Sabi kasi ng classmate ko nood daw muna kame. Tapos pinaalis kame ng crowd control.
tapos umuwi na kame, naguupload ako ngayon. Ang tagal. Kaya magpopost at magbabasa muna dito sa blog.
What's the sense of this post?
Go, find it. Hehe. Salamat sa pagbabasa.
6 comments:
Ang cool and nakaka inggit. UP is very desirable for a college university. Swerte mo! :D
huwag kang mapagud chong may 4 years pa.. hahaha
wala ung mga tao sa UP? nasa EDSA siguro nga lahat heehhehe
na mi miss ko ang pagiging studyante,,enjoy lang
ehehe ^_^ nasa edsa nga yun malamang..bsta dapat relax lang po!
ang ganda ng shot sa muni muni... nakatripod ka no :D
Post a Comment