Monday, February 7, 2011

Ano na ba?

Ano na ba ang balita? Bakit ba hindi ako makapagpost ngayon? Patay na ba ako? Magbloblog pa ba ulit ako ng matino? MAGBLO-BLOG pa nga ba ako? Masaya pa ba ako?

Ang sagot: EWAN.

Parte na ng buhay ko ang magblog. Dahil sa mundong ito madami akong naging kakilala kahit na sa PC lang kami nagkikita-kita. Marami akong storyang nasubaybayan. Maraming kwento ng buhay na aking nalakbay. Maraming kwentong ang naipost ko na din. Maraming tao na rin ang nakiramay sa akin.

Etong mga nakaraang araw, di ko feel magpost. Una sa lahat, ang daming ginagawa. Binobomba na kami ng gawain bilang dahil graduating na daw kami. Exams, Projects at kung anu-ano pa. Siguro nagpapakabusy lang ako dahil yung iba ko namang batchmates happy-go-lucky lang. Patambay-tambay, petiks, maluwag sa buhay. Pangalawang rason, nahook ako sa isang PC software. Pangatlo, wala akong mapost. Fourth, nawalan din ako ng gana matapos nung nangyare sa school last Jan. 28 kung saan binasa nila ang blog ko sa projector na malaki. Laking hiya ko nun kahit na sa room lang namin at adviser lang namin ang nakarinig. But still, I'll be back. Sooner? Later? Di ko alam kung kailan. Babalikan ko kayo. Pwede bang hindi? Mahal ko kayo ^^

SUS
dame ko sinabe.
Pero pinapabatid ko po na buhay ako. Humihinga pa ng inhale exhale. Busy lang. Miss ko na magblog hop. Siguro after these hell grading at makagraduate na ako ng matiwasay babalik ako.

6 comments:

KESO said...

ohmygulay. bakit binasa? balik ka kagad renz. ingat! :)

LordCM said...

hahaha, grabe naman yun binasa ung blog mo sa harap ng marami mong classmates, ayos! may entry ka ba nun? hanapin ko nga :D

Bino said...

at miss ka na namin :D

KikomaxXx said...

di naman nakakahiya basahin ang blog ah... basta yoiur just being true... :)

halojin said...

parang nararamdaman ko nararamdaman mo.. basta renz... yaan mo lang sila kung anu enterpretation nila sa blog mo.. mhalaga msaya ka

Arvin U. de la Peña said...

ayos lang iyong hindi mag blog minsan..