Monday, August 30, 2010

1 Grading Down. 3 to go.

Kahapon, kinuha na namin ang card namin for first grading at dahil doon, eh naeexcite nanaman ang aking nanay na malaman kung ano ang rank ng kanyang anak. Lage na lang sila nageexpect na makakasama ako sa rank at dahil ayaw ko naman silang biguin eh ginagawa ko pa rin lahat ng makakaya ko para lang hindi sila madisappoint.

I ranked 3 among 65 seniors sa school namin. It's not bad. I mean masaya na ako para doon pero they keep on telling me na kaya mo pa yan habulin. 88.92 ka, yung top 2 eh 88.94. Kaya mo pa yan. Wag ka na dapat mawala sa rank mo. PRESSURES.

I just told them last night, "It's not about the grades naman. it's about the learnings". I admit, Medyo nakakapressure sila dahil mataas ang expectations nila sa akin dahil kinocompare ako sa ate ko na consistent top 1 nung hs siya. Ang sakin lang, ayos na din ang rank ko. Ang mahalaga natututo din naman ako.

Alam din naman ng top 1 at 2 ang f(x), domain at range? Ganun din ang Free Fall at Projectile motion? Pare-pareho din naman kaming nagimpromptu speech sa english, pare-parehong nag rerecite, nakikinig at naglilibang. It's ok. Pare-pareho naman kaming natututo. Hindi na din masama diba?

pero kung papalarin, at makakaangat pa eh Thanks God. Kung hindi naman, Thanks God pa rin. Sabi nga sa Gospel kahapon, "Ang mga nagpapakababa at itataas at ang mga nagpapakataas ay siyang ibababa"

OK. Ganito na lang. LUKEANS let the healthy competition begin :)

Saturday, August 28, 2010

Linggo ng Wika 2010

Kapag sumali ka sa isang kompetisyon, isa lang ang kahulugan niyon. May kagustuhan kang manalo. Pero hindi lahat ng kompetisyon ay nakalaan para sa iyong pagkapanalo. May mga oras na kailangan mo na matalo at magreflect kung anu ba ang iyong mga naging pagkukulang.

Sa buhay, hindi kailangan na perpekto ka. Ang perpektong tao ay katulad din ng walang alam--walang alam kung hindi ang tama. Walang alam kung hindi pilitin ang sarili na maging tama. Ang labas-- pagiging mayabang.

Tulad na rin halimbawa si Miss Universe 2010 4th Runner up Maria Venus Raj sa kanyang "MAJOR MAJOR..THANK YOU THANK YOU" na banat. Hindi man niya naiuwi ang pinaka-korona, natuto naman siya sa kanyang pagkakamali diba? Ang maganda pa doon, hindi siya napipikon dahil tanggap niya na ang pagkakamali na iyon ay normal.

(*Ang haba ng intro.. Sige na kwento na ako.)

Noong last July, kami ang nanalo sa Nutri-Jingle competition sa school namin, maging ang mascot making. Sobrang naghanda talaga kami noon. Kahapon naman, may isa nanamang kompetisyon sa school namin, ang SABAYANG BIGKAS.

Kung tutuusin, sobrang kulang ang oras namin magpractice. Hindi kami pinapayagang magpractice tuwing may klase kaiba sa mga kalaban namin sa mga lower years. Madami pa kaming ginagawa, lesson plans, CAT etc. Pero kahit ganoon na nga ang nangyari eh nagawa pa rin naming makapagtanghal.

Inaamin ko, hindi namin makukuha ang title ngayon bilang panalo kasi alam ko na gahol kami sa oras. Mismong araw na nga ng kompetisyon eh hindi pa namin tapos ang sabayang bigkas namin pero naging masaya naman kami.

Iyon naman ang mahalaga diba? Ang pagiging masaya sa bawat ginagawa mo, maging panalo man o talo, basta'y sama-sama at masaya, solve na.

Dahil dito sa nangyaring kompetisyon na ito na medyo nagkalat kami ng kaunti, natuto kami. Natuto kaming magpahalaga sa oras at bigyang importansya ang bawat bagay na gagawin namin. Iyon naman ang kailangan. Aanhin niyo ang napakaraming parangal kung wala kayong natututunan?

Basta, kahit anu man ang maging resulta, mahal ko pa rin kayo LUKEANS :]

Enjoyin na lang natin ang mga susunod na buwan. saglit na lang, madidischarge na tayo sa high school :)

Wednesday, August 25, 2010

Ako bilang teenager


Ako bilang teenager, hindi man ako ganoong kalakas, hindi man ako popular, hindi man ako superhero, may magagawa pa rin ako.

Ako bilang teenager, kahit hindi ako dawit sa gulo, kahit wala akong malay na nagkakaganoon na nga, kahit nakikinood lang ako sa tv habang nagkakaputukan, may magagawa ako.

Ikaw may magagawa ka ba?

OO, meron. Ikaw, ako, tayo ay may magagawa. Ngayon, idineklara ng Palasyo ang araw ng pagluluksa sa mga biktima ng hostage taking noong nakaraang lunes.

Mahina man ako, magagawa ko pa rin magdasal sa mga kaluluwa ng mga napatay sa incidenteng ito.

Buong puso po akong nakikiramay sa mga pamilya ng mga napatay, sa mga mamamayan ng Hongkong at sa buong sambayanang Pilipinas.
Nawa ay manumbalik ang kapayapaan.

Monday, August 23, 2010

Draft

Meeting you is the best thing that ever happened to my life. Meeting an angel who just came from heaven, goddess of beauty and perfection. Carrying with you, your killer smiles, tantalizing eyes, cute voice and everything charming.

You are the one that makes my day, and the one who makes me smile. You are the one who makes me feel like floating. No one, but you, owns my heart.

You are the one who puts sunshine in my dark days. You are the one who wipes my tears away. Your voice is the only music for my ears.

You are everything to me. You are my world. My life rotates on you. My day is incomplete without you.

Sadly, you're not for me. He owns you. You love him. You care for him. You are so much devoted to him. He is your world. He is your beloved. He is your everything. He is your better half.

I am nothing. I am such a wasted man. I am just a normal person for you. You can live without my presence. You can be happy even without me.

I am yours. You are not mine. I love you. You love him. I care for you. You care for him. I miss you a lot. You misses him more. I need you. You need him. I am doing everything for you. You aren't feeling something.

Too much time wasted. Let's make a stand. It's now over. You're not mine.

I've done my part. I'm tired. Good bye.

(Anu ba, wala lang yan.. wala akong magawa. Kung may pagkakahawig man sa buhay ko, nagkataon lang yan.)

Sunday, August 22, 2010

USTET Experience

August 22, 2010, ngayon yan, ay nagtake ako ng isa nanamang college entrance test sa isa nanamang university na kabilang sa tinatawag na BIG 4. USTET nga ito or mas kilala din sa tawag na University of Santo Tomas Entrance Test. Ayon sa mga rumors bago pa man ako mag exam sa UST, mas madali daw ang USTET kaysa sa UPCAT pero may isang distinction ang USTET--panalo sila sa mental ability test.

Umaga pa lang, nagprepare na ako. Umaga kasi ang test ko so need ko pa sumakay ng bus papunta ng manila at this time, solo na lang ako. Ayaw nila ako samahan. Sabe nila "Bakit magpapasama ka pa? Ang dali lang pumunta dun. Paano ka niyan magcocollege?" At dahil ouch nga naman ang statement na yan at dahil na din naghahanap ako ng feeling of independency ay mag-isa akong lumuwas ng Maynila bitbit ang test permit, at ilang mga baon. 1st time ko bumyahe mag-isa pa Maynila, na sasakay ng bus at dadaan pa ng NLEX pero thank God nakarating ako sa UST ng safe at MAAGA pa. Early bird talaga ako.

Lakad, lakad, lakad. Feeling ko ang galing ko. Kasi naman wala akong ibang nakikitang mageexam na mag-isa lang. Lahat sila may moral support. Yung iba kasama pa ang buong pamilya, san ka pa. Ano to reunion? Pero on the other hand, naiinggit lang talaga ako sa kanila. Bitter ako dahil wala akong kasama LOL.

Dahil ayoko mag mukang tangengot, nag asta naman akong confident habang naglalakad. Yung feeling ko kabisado ko yung loob (pero medyo talaga. Doon graduate si ate) pero hindi naman gaano. At last, nakita ko din ang building na pageexaman ko, as usual sa mga ganitong pagkakataon feeling star struck audition ang mga testing centers pero since kami naman ang star eh deretso na kami agad sa loob. Konting akyat ng hagdan, PRESTO. Nasa tapat na ako ng room ko sa may third floor. Gusto ko na sanang tumalon sa baba pero hindi masyadong maganda ang babagsakan. Wag na lang. Sayang ang sandwich na dala ko. Medyo huming-hinga muna ako saglit. Akala ko kasi may pila pa. Pagsilip ko sa room may ulo kaya ayun pumasok na ako. Waaa.. konti ng tao, pero ang cute ng proctor ha. :)) (students ng ust ang proctors)

Bago mag exam, nakailang cr din ako. Ang lamig kasi eh sa room. Nahiya naman akong magjacket kasi mahahalatang poor ang resistance ko sa lamig kaya bahala na. 50 heads per room, absent ang dalawa samin. Lahat ng nasa room halos lahat kami lalaki 3 lang ang babae. Puro engineering aspirants kami lahat.

Pagkabigay ng test instructions, ayon nagsagot na kami. Una yung parang IQ test siya, measurement daw kung gaano kabilis mag-isip, pure common sense lang pero ang iksi ng oras. 80 items for 30 minutes. Bitin. Di ko tuloy natapos. Hanggang 62 lang nasagutan ko. Next doon yung English na medyo may kahirapan kasi vocabulary ang focus ng halos lahat. Weak pa naman ako dun. Sana error identification na lang like upcat. Sumunod naman yung math, madali siya compared sa upcat pero bitin din ang oras. 60 items for 45 minutes lang. Last yung science, madali lang din siya.

Pagkatapos ko lumabas ng testing room ko, pinuntahan ko ang classmate ko sa may kabilang ibayo ng building. Swerte ko, may kasabay na ako umuwi at kala ko uuwi na kami, may libre inasal pa ako. Birthday niya kasi. Ayos guud!

After that, umuwi na kami at pag dating ko sa bahay, bulagta. Kapagod ang biyahe :)).

Sana pumasa din sa UST para may second choice campus if and only if ma reject sa UP.

2 down. 1 more. See you mongol 2 pencil sa OCTOBER :)) MSAE naman. (Mapua Scholastic Aptitude Test)

Saturday, August 21, 2010

Day 3: Pictures daw ng aking friends


Ito nanaman ang yugto ng blogging pattern, skip na ako sa day 2 kasi naman ang blogger name ko ay walang secret.

Eto ang iba sa mga pictures ko with my friends.
Yung unang picture, with my closest YFC barkada yan. Sila yung mga klase ng tao na sobrang pananakitan ka ng tiyan dahil sa mga kakornihan nila at sila rin ang mga taong katulad ko rin, di naman ganun kayaman sa buhay. Sakto lang.Tingnan mo yung picture background, champions of the poor. Oha AYOS.

Yung nasa baba naman yung mga Super tropa ko sa school, formerly, ultrasounds daw ang name ng grupo kasi daw ang ultrasound ay isang sound and we are sounds sa pandinig ng school. assuming lang ho yan. Sila yung mga friends na super care sa akin at sa buong grupo. Sila yung kasama ko sa halkos lahat ng oras sa school.

Actually madami pa sana akong ilalagay na pics kaso tinatamad ako magbrowse ng pics. :)




Friday, August 20, 2010

Ako si Teacher

16 na taong gulang pa lang ako, kakaunti pa lang ang nalalaman. Hindi ko pa masyadong master ang algebra, lalong higit ang calculus. Hindi ko kabisado ang periodic table of elements, ang mga atomic weight dito. Hindi ko kabisado lahat ng rules ng subject-verb agreement, hindi ko kabisado ang lahat ng bansa sa buong mundo at hindi ko kabisado lahat ng techniques ng good entrepreneurship pero sa edad kong ito, alam ko may magagawa ako--Ang magturo.

Sabihin nga ninyo, kaya ko bang magturo kung simpleng domain at range lang na may radical sign eh medyo nahihirapan na ako? Rectiliner at free fall lang ang alam ko sa physics. Kung ito ang mga basehan eh hindi ko talaga kayang magturo pero sa maniwala kayo at hindi isa akong teacher. Oo, teacher ako, isang student catechist, na hadang magturo sa mga bata sa mga pampublikong paaralan ng mga bagay-bagay tungkol sa Diyos. Dito, alam ko bihasa ako.

Tuwing wednesday, tinitiis ang ilang minutong dagdag lakarin para lang makarating sa school na pampubliko na di naman ganoon kalayuan sa may bahay namin. Bitbit ang lesson plan, ilang mga visual aids, konting papremyo tulad ng stars at kendi at isang matamis na ngiti, nagtutungo ang bawat isa sa kani-kanilang mga assigned classroom. Ako, assigned ako sa mga grade 1 na sobrang ang kyu-kyut at ang bibibo.

"Okay Class, may magtuturo sa ating ng Religion."

Matapos yan ay matamis akong binati ng mga chikiting. "Good Morning kuya Louie." Sa una, medyo nakakakaba kasi nga kaharap mo yung teacher nila at nakakahiya pumalya pero anyways, sa awa naman ni God eh mabait naman ang teacher at mababait din ang mga chikitings ko. Swerte ko kasi sila ang napunta sa akin. Yung iba kasing mga sections grabe sa wild, may mga nagsusuntukan, umiiyak, at nambabastos.

Sa dalawang beses na nagturo ako sa kanila, nagenjoy naman ako siguro dahil sumusunod sila sa mga pinapagawa ko tulad ng mga pagkanta ng walang kamatayan na "ANG MGA IBON, NA LUMILIPAD, AY MAHAL NG DIYOS, DI KUMUKUPAS...." Hindi rin ako nahirapan ihandle ang mga bata, siguro advantage na rin ang pagiging kids for Christ leader ko ngayon kung saan nakakahalubilo ko ang iba't ibang uri ng mga bagets.

Simula pa lang ito ng mahabang panahong bubunuin ko para kilalalanin ang bawat estudyante, at simula pa lang rin ito ng mga WEDNESDAY sa buhay ko bilang 4th year na maririnig ko ang mga salitang "THANK YOU KUYA LOUIE for teaching us" Ang sarap pakinggan niyan sa mga bata dahil tandaan, ang mga bata ay hindi nagsisinungaling. :))

Oh siya, gagawa muna ng visuals si teacher Louie ay este si RENZ pala . :)

Sunday, August 15, 2010

Day 1 : Tungkol daw sakin

BABALA: Kung nauumay ka na sa litrato sa taas at ayaw mo na talaga magbasa dahil nauumay ka na, maaari lang ay isarado na ang tab :))

*Babawi ako ng posts ngayon weekend eh, busy nanaman ako sa weekdays.

Ayon sa module, ahm let us say na guide na pinost ko sa baba lang ng entry na ito, eh dapat daw sa day 1 eh mag post ako ng recent picture ko (medyo recent naman yan, kuha last May sa Subic) at dapat daw ay magpost ako ng facts tungkol sa akin, so here we go :))

SUPER FACTS by SUPER RENZ

1. Ako ay isang sixteen, labing anim, didi-sais, seize or the like years old na ng nagsimulang huminga dito sa langit este lupa pala. Sa pamamagitan ng Caesarian (tama ba yung spelling? bast yung bibiyakin yung tyan ng mommy) type ng panganganak eh iniluwal sa mundo ang isang anghel noong April 16 1994 exakto 8:07 ng umaga.

2. Pangalawa at huling anak ng aking mga magulang. (ewan ko kung pangalawa talaga ha) Basta ang alam ko eh ako ang bunso at may isa akong kapatid, almost 7 years ang gap namin pero close pa rin naman kami.

3. Favorite Color ko ang GREEN, obvious naman sa font color at banner pati kung anu-ano pang bagay dito sa blog ko. Green is refreshing diba? diba?

4. Isa akong certified food lover, kahit anong klase ng pagkain pwede na wag lamang ang OKRA at SALUYOT na sobra sa dulas parang laway at saka AMPALAYA, natatakot ako kumain ng ampalaya. Trip ko din ang mga pagkain na may sabaw, at less trip ko naman ang mga pag-kain na may gata.

5. Dehinds ako marunong magplantsa ng damit. Sinasabihan nila ako na dapat na ako matuto pero pag sinusubukan ko naman eh pinapaalis ako sa harap ng kabayo dahil di raw ako marunong. Anung sense ng pagpipilit nila sakin diba? Wag na lang.

6. Favorite Subject ko ang HISTORY, noon yan nung madyo lower years and elementary pa ako. Ang saya kaya maging explorer at feeling ko kasi pag nagbabasa ako ng history books eh nandoon din ako sa binabasa ko. WEIRD

7. Nakakasense/nakakaramdam at minsan ay nakakakita din ng mga spirits na dumadaan daan. nagsimula ito noong third year high school ako. Scary sa una pero medyo nasasanay na rin pero natatakot pa rin naman ako.

8. Obviously, isa akong myopic (nearsighted). Ang grado ng aking mata ay 200 both left and right at kapag wala akong salamin ay tinatamad ako mag-aral kasi naman ang makikita mo ay parang naka gaussian blur effect ng adobe photoshop and the like blurs. Mahirap kaya lalo na pag gabi at walang ilaw para akong bulag.

9. Girl Friend? Wala po ako niyan eh at sa tingin ko matatagalan pa bago ako magkaroon ulit niyan. *ulit-dati pa yun, mga mahigit isang taon na ang nakaraan. Dahil ayoko ng laro-laro lang tulad ng uso ngayon na paramihan ng BFGF. Gusto ko yung seryosohan :))

10. Ang huli kong napanood na movie as of this day is Toy Story 3, poor ko kasi di ako mahilig manood sa sine, masyadong mahal at pwede namang hintayin ang dvd nun eh diba, convient pa manood sa bahay walang magshota na maingay sa likod ng inuupuan niyo.

11. Hindi ako mahilig sa softdrinks. Royal lang ang trip ko sa lahat ng softdrinks at iced tea lang ang gusto ko. Healthy pa yon diba> Try one now. Dali :))

12. Mahilig ako sa mga hayop, lalo na ang pusa. Masarap kasi sila asarin at harutin tapos masarap din sila mahalin. XD wala silang tutol pero ayoko naman nung mga hayop gaya ng sawa na aalagaan mo. katakot yun baka one day wala na akong maipakain eh ako na ang lamunin niya ng buong-buo.

13. Ako ay isang "JACK OF ALL TALENTS BUT MASTER OF NONE" Sad no, kasi sa dami-dami ng talents ko eh ni isa hindi naman ako ganoong kagalingan. Actually, kaya ko namang kumanta, sumayaw slight, magdrawing konti, magsulat ng konti, magacting ng konti, magsalita ng konti pero wala doon ang super master ko. Ok lang yun, one day may mamamaster din ako diyan.

14. Death ang greatest fear ko. Ayoko mamatay at ayoko din maexperience mamatayan. huhu

15. Gustong gusto ko sa UP mag-aral pero ayoko na maguuwian ako. gusto ko titira ako sa dorm or boarding house para masaya, independent life, saka ang ayaw ko lang sa UP walang uniform pero all in all, gusto ko talaga sa UP :))

Yun lang ;)) tapos na ako sa day one. 29 days to go.

Try natin to

Datil nagtataka ako kung bakit ang posts ni vanessa o kilala sa benipotpot ng kanyang blog eh may mga day day naisipan kong siyasatin at ayun parang gusto ko din i-try. Credits to VANESSA ORTEGA for this guide. YUHOO Let's begin.

Day 01- A recent picture of you and 15 interesting facts about yourself
Day 02- The meaning behind your blogger name
Day 03- A picture of you and your friends
Day 04- A habit that you wish you didn’t have
Day 05- A picture of somewhere you’ve been to
Day 06- Favorite super hero and why


Day 07- A picture of someone/something that has the biggest impact on you
Day 08- Short term goals for this month and why
Day 09- Something you’re proud of in the past few days
Day 10- Songs you listen to when you are Happy, Sad, Bored, Hyped, Mad
Day 11- Another picture of you and your friends
Day 12- How you found out about Tumblr and why you made one
Day 13- A letter to someone who has hurt you recently
Day 14- A picture of you and your family
Day 15- Put your iPod on shuffle: First 10 songs that play
Day 16- Another picture of yourself
Day 17- Someone you would want to switch lives with for one day and why
Day 18- Plans/dreams/goals you have
Day 19- Nicknames you have; why do you have them
Day 20- Someone you see yourself marrying/being with in the future
Day 21- A picture of something that makes you happy
Day 22- What makes you different from everyone else
Day 23- Something you crave for a lot
Day 24- A letter to your parents
Day 25- What I would find in your bag
Day 26- What you think about your friends
Day 27- Why are you doing this 30 day challenge
Day 28- A picture of you last year and now, how have you changed since then?
Day 29- In this past month, what have you learned
Day 30- Who are you?

Pananaw ukol sa Pag-ibig

LOVE is in the AIR, mapabata man o matanda lahat yan may sariling interpretasyon sa sinasabing LOVE. Eto ang isa, isang interpretasyon ng 4th year high school tungkol sa pag-ibig sa opposite sex. Sana magustuhan niyo yung tula ko. (eto yung pinasa ko sa filipino subject namin.)

Pananaw ukol sa Pag-ibig
-Louie Renz A. Sucaldito

Minsan sa punto ng ating mga buhay
ay may isang taong magbibigay kulay
ang taong magmamahal sa'yo ng tunay
at taong papawi ng 'yong pagkalumbay.

Sa Pag-ibig dapat tayo'y maging tapat
Magmahal ng tunay ay ang gawin dapat
Mga bituin sa langit ay di sasapat
sa pag-ibig ay walang makatatapat

Dagat pati lupa, lahat tatawirin
Gubat man o bundok, tiyak tatahakin
Lindol man o bagyo, lahat hahamakin
Ganyan ang pag-ibig, sadyang mapang-angkin.

Kaya pag-ibig 'wag nating sayangin
Pagmamahalan ay ating payabungin
Respeto't katapatan, dapat linangin
Madaming taon ang siyang bibilangin.

Sana po ay nagustuhan niyo :)


Friday, August 13, 2010

Alamat ng bloggerong si RENZ

Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ba ako nahihilig sa blog na ito eh nung bata nmaman ako ay hindi ako ganoong kainteresado sa mga storya maliban na lang kung comics yan tulad ng pugad baboy o kahit ano man na comics. Sa isang taong paglalathala ng mga kwento na minsan ay walang kwenta dito sa blogosperyo naisip ko na may hilig na pala ako sa mga storya simula pa dati.

Grade three ako noong una akong nagtry gumawa ng mga kwento. Kwentong walang kwenta at puro kalokohan lamang. Ilan sa mga nagawa ko ay patungkol sa mga classmates ko tulad ng "Ang Alamat ng VIENNA Sausage" na patungkol sa classmate ko na si Vienna. Iba pa sa mga ginawa kong mga kwento ay "Tonton Maton" na tungkol sa classmate ko na si Anthony at ang pinakanakakatuwa sa lahat ay ang kwento hango sa adventure game namin sa school, "ANG ALAMAT NG MULAWIN" Sayang hindi ko na makita yung mga kopya ko neto ang saya sana ilagay dito sa blogosperyo yun.

Grade 4 ako nung na meet ko ang sulatin pangwakas at formal theme. Dito marahil nagsimula madeveleop ang aking hilig sa pagsusulat kahit hindi masyadong kagalingan eh atleast nagsusulat pa rin para matuwa at the same time makaentertain. Kinakareer ko noon ang bawat formal theme. Sinasaid ang tinta ng bolpen-- ganyan ko mailalarawan kung gaano ako kahayok magsulat noon kahit masakit sa kamay sige lang. Buti ngayon pa pindot-pindot na lang dito sa tapat ng pc.

3rd year High School, nagdecide na akong maggawa ng blog. Una kong blog ay isang private blog ng kaemohan ko, puro hinanakit. Naipost ko na naman ang isa dito sa blog pero sige i-popost ko na din yung iba kasi nga past is past na (kung may past :)) )

Ikaw na nagbabasa neto, sa tingin mo ba dapat ko pang ituloy ang paglalathala o itigil na lang? wala lang.. wala kasi akong maipost.. TSSS TIGANG na TIGANG ang blog ko ngayon.

Anyways I believe na balang araw eh mas magiging successful ako sa blogging career ko, makakabili ako ng sarili kong domain o malay natin makapaglathala ako ng mga libro :))

At dito na nagtatapos ang walang kwentang kwento :))
(nawala ako sa focus pagdating sa gitna kaya ang gara ng post ko ngayon :)) bawi na lang :)) )

Monday, August 9, 2010

I survived UPCAT


August 07, 2010, 12:30 PM, Malcolm Hall (College of Law) University of the Philippines, Diliman, Quezon City...

Yan ang nakalagay sa aking test permit kung saan yan ang schedule ko ng pagtatake ng University of the Philippines College Admission Test o mas kilala sa tawag na UPCAT. Dito, libo-libong mga pangarap ang pilit na binibigyang kasagutan-- mga pangarap na makapag-aral sa dekalidad na eskwelahan na medyo may kababaan ang matrikula kumpara sa ibang mga unibersidad. Saksi ang aking mga mata sa libo-libong pangarap na iyon, dahil ako ay isa din sa kanila.

1st Campus: University of the Philippines, Diliman
BS Electronics and Communications Engineering

2nd Campus: University of the Philippines, Los Baños
BS Civil Engineering

Yan ang mga courses at campuses na pinili ko at handa kong tahakin pagnakapasok ako sa UP. Puro math daw pero kahit na mahirap,makikipagkaibigan ako sa mga numbers para sa inyo :))

Balik sa UPCAT..

Three Months ata ako nagprepare for UPCAT, simula sa pageenroll sa isang review center na ang focus talaga ay UPCAT, hanggang sa pakikisawsaw sa mga modules ng classmates ko at pagsesearch pa ng ibang modules sa net na makakatulong para makadagdag ng kaalaman sa akin at nung sabado nga ay natuldukan na ang lahatng ito.

Alas dies, kasama ko ang aking tatay, ay umalis kami sa aming bahay dito sa Bulacan patungong Diliman. Mainit pa noon ang panahon pero may baon akong jacket. Malamig daw kasi sa testing centers kaya pinagdala ako. (based sa experience ni ate). Ilang traffic din ang inabot ko habang binabagtas ang daan. Pagdating ko sa loob ng UP traffic pa din? Grabe ang daming tao halos hindi na gumagalaw ang mga jeep at nang-gagalaiti na ang mga driver bukambibig ang "IIsa lang naman kasi nagkokotse pa..!"

Dumating ako sa testing center ko, medyo kabado ng kaunti, kinuha ko ang permit ko sa bag, kasama ang paper bag na pinaglagyan ko ng baon na chicken sandwich at fresh citrus juice na kakapiga lamang bago kami umalis ng bahay. Kasama din sa paper bag ko ang isang tissue (pinabaunan ako ng ate ko in case of emergency daw :)) ), tatlong BLESSED mongol 2 pencils, Faber Castle na pambura, pantasa na kulay red at towel na blue. Nakipila ako sa dagat ng mga tao, hinanap ko ang dulo ng pila, naknangpucha ang haba pala ng pila pero ok lang nakipila pa rin ako.

eto yung picture: (pinicturan ako ng mga classmate ko na kakalabas lang sa testing center ko dahil morning session sila)

Todo smile pa ako diyan LOL at wala po akong kaugnayan sa babae sa harapan :)) isa lang din siyang nangangarap makapasa sa UPCAT :))

Ayun kita sa picture na madilim, kumulimlim na kasi uulan na niyan tapos ayun yung jacket ko na white at yung paper bag ko na puro pagkain.

Pagpasok ko sa hall, medyo relaxed naman ako ng konti. Siguro dala na din ng pagkondisyon ko hindi lamang ng utak kundi pati puso na mageexam ako kaya ayun hindi ako masyadong tensiyonado. Ilang minutong pumila, tapos pumasok na kami sa loob ng isang malaking room. ANG GANDA NG ROOM. Feeling ko nasa courtroom ako kasi nga college of law yung testing center ko. Centralized aircon pa, yan ang tinatawag na public school. Mukhang hindi naman public.

Instructions, Precautions, ilang sessions ng inhale exhale, isama ang dasal at motivation sa sarili, at nagsimula na ang UPCAT. Ang UPCAT pala ay isang exam na nahahati sa apat na parts, Language Proficiency na 85 items for 50 minutes, Science Proficiency na 60 items for 50 minutes, Math proficiency na 60 items ata for 1 hour and 15 minutes and lastly Reading Comprehension na 90 items for 1 hour and 10 minutes lang. Kung tutuusin time pressured ang exam pero thanks God kasi nasagutan ko naman lahat sila at konti lang ang pasadya kong blanks (dahil right munus wrong ang upcat) para kung sakaling mali ang sagot ko doon dahil clueless ako ay walang bawas. Thanks to the review center na nagtrain sa akin :))

Maayos naman ang daloy ng upcat maliban sa isang scenario na nangyari sa akin. PUTEK as in PUTEK sa sakit mapulikat sa kalagitnaan ng READING COMPREHENSION. Gusto kong sumigaw sa sakit dahil naninigas na ang kanang binti ko pero ayoko ko maging center of attraction kaya pinilit kong igalaw-galaw ang hinlalaki sa paa ko gaya ng normal na ginagawa ko pag pinupulikat. Yan lang naman ang worse scenario at good thing naging maayos ang UPCAT ko.

Natapos ang exam, lumabas ako ng hall. WOW Star studded kami? Grabe sa daming mga magulang hawak-hawak ang payong na naghihintay sa labas ng testing center pero ni isa sa kanila ay wala ang papa ko. Nakuu wala pa naman siyang phone at ang lakas ng ambon :)) ambon lang pero malaks siya ng konti. Lumabas ako ng center, hinanap ko siya pero fail, wala siya. Gusto ko ulit pumasok sa loob pero hindi ako makadaan sa dami ng lumalabas sa center. pagkatapos usmugod sa ulan ayun nakita ko ang papa ko sa ilalim ng puno, nakatayo, hawak ang payong at bag ko at sinalubong niya ako nung makita niyang pasugod ako sa ulan.

Kinamusta niya ang exam ko, sabi ko yaka naman (proud :)) ) At pagkatapos noon ay pinuntahan namin si inay sa Philcoa at kumain kami ng STA-PEGI sa JABI treat daw nila ang kanilang bunso :)) LOL.

*UPCAT facts: share ko lang, sa 86 thousand na nagexam 11 thousand lang ang natanggap. (Last year po yan)
Sana makapasa ako at makaabot ako sa quota grade kasi UP ang katuparan ng pangarap ko.
PS buti na lang hindi ako isa sa mga lumabas ng testing center na LUHAAN at TULALA (opo totoo ito). Thanks so much to the review center. :))

OK thanks sa pagbabasa kahit napahaba ng konti :))

Friday, August 6, 2010

Eto na ang opportunity

paunang salita:
handa na akong ikwento ito. nangyari ito kamakailan lamang :] enjoy reading

Hapon na, tantiya ko ay mga 5 pero tila ay alas sais na dahil sa itim ng ulap sa kalangitan. Panahon nanaman ng bagyo. Shit wala akong payong. Uuwi nanaman akong basang sisiw at siguradong bubulyawan nanaman ako ng aking dad dahil sa pagiging irresponsable at tamad magdala ng payong.

Tama ako. Umulan nga ng malakas. Dapat pala mas maaga akong umuwi, kung hindi lamang sa pinagawa ng adviser namin na si Mr. Garces. Dahil nga ako ang secretary ng club namin ay may pinagawa siyang typing job para sa akin na kailangan daw tapusin noong mga oras din. Mag-isa akong tumitipa ng keyboard; nagmamadali. Ayokong gabihin masyado. Mahirap na ang mabugbog.

15 minuto ay umuwi na ako. Bahala na, may payong o wala uuwi na ako. Nakakatakot kaya magisa sa isang building. Baka may magparamdam pa sa akin, buti wala.

Naglakad ako sa kahabaan ng path walk palabas ng main gate ng school namin. Napalingon ako sa covered court namin na di kalayuan lamang at napangiti ako sa aking nakita. Nakaupo siya sa upuan doon na ginagamit ng mga outreach students ng school namin (kasi doon sila nag ka-klase), mag-isa at malayo ang tingin. Eto na ang pagkakataon. Ilang araw na din kaming hindi naguusap matapos ang issue ng IN A RELATIONSHIP STATUS naming trip sa facebook. Tama, nagdesisyon akong kausapin siya.

Ang lakas ng ulan, kasing lakas ng bugso ng hangin ang bagyo sa puso ko--- pinaghalong saya, lungkot, pagkasabik at pagkadismaya. Hinawakan ko siya sa balikat, kinausap pero parang wala siyang naririnig. "Bakit ka pa nandito? Umuwi na ba si Basco? Uwi na tayo tara hatid kita sa terminal...."

Tulad ng dati, wlang kibo. Hindi niya ata narinig ang sinasabi ko dahil sa lakas ng ulan kaya nagdecide na akong harapin siya pero..

SHIIIIIIIIIIIIIITTTTTTTTTTTTTTTTTTTT

Isang bungo ang nakita kong mukha niya... SUMIGAW AKO.. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA...

Nagising ako panaginip lang pala. Bangungot. Pesteng bangungot XD XD XD