Friday, July 30, 2010

Move on. Fourth Years na tayo...

*This post is dedicated to my dear SILVER JUBILARIAN 2011 BATCHMATES

Sobrang malaking pagbabago ang naganap ngayong taon na to. Yung dating two sections natin from 1st-3rd year eh narambol rambol. Nagkahiw
alay na yung mga dating friends. Mahirap mag move on pero ano ang magagawa natin? Let's just accept the fact that we are not classmates anymore. Anyways may mga times na merged class naman tayong mga seniors.

Sobrang namimiss ko na yung dati nating samahan. Yung mga tawanang wagas sa tuwing gumagawa tayo ng mga kung anu-anong preparations para sa school activities, pero ngayon iba na. Magkakalaban na tayo ngayon pero besides that fact, ramdam ko pa rin na solido pa rin tayo.


Nakakamiss ang buhay third year lalo na sa advisory class ni MISS FAT. Nakakamiss yung may adviser ka na, may kaibigan ka pa, (may nanay ka pa :)) ). Nakakamiss yung super kulit na adviser mo dati, pero iba na ngayon. W
e need to train ourselves dahil sa college mas lalong walang mga ganitong mga basta.. walang ganito sa college.

Resto modes, Gigolo modes, LAUGHTRIP modes kahit sa kalagitnaan ng klase EVERYDAY. Idagdag pa dito ang weekend gala sessions natin. Isama mo na rin ang mga overnights project making. Yung tipong 1 1/2 lang ang tulog niyo tapos papasok pa kayo kinabukasan dahil ayaw niyong mapagalitan.

I really miss III- St. John 09-10. I really miss MISS FAT. I really miss that SPECIAL SOMEONE in my life. I really miss you. I want you all back but sadly, I can't. I am not superman, batman nor the god of time. I am just a mere "Louie" , that student wearing glasses, that can't do anything but sigh and reminisce those times when we're together.

Emo?

OO. Sige ako na emo. Nakakamiss kasi tulad kanina
may event sa school tapos nakakainggit yung all around support and cheer ng dati naming adviser sa new advisory class niya. (I'm not telling our adviser isn't cheering us much. HE IS. In a different manner) Somewhat nakakalungkot at nakakainggit pero we need to be strong at pigilan ang mga emotions na maaaring magpahina sa atin. Sabi nga din niya sa isa niyang post sa facebook kht d nmn aq advsr nio lab q pah dn kau lahat!..kylangn tlga nten mg-muv on sa buhai.haha.

It's really hard to magmove on lalo na kung masyado kang rooted sa isang bagay/tao o events. Kasing hirap ng pagtransplant sa isang puno na nakaugat na sa isang lugar sa mahabang panahon at tinibay na ng mga bagyo na nagpatatag sng a pagkapit ng ugat nito. Pero may paraan din naman na iba. Pwede namang stem cutting na lang diba? Yung tipong nakaugat ka pa rin sa tao na yun pero puputol ka lang ng sanga para itanim sa panibagong lugar.

I an really getting so emotional kaya so much for this one. All I can say is that, St. John 09-10, kahit na magkakaiba na tayo ng classes and at the same time magkakahiwalay-hiwalay na tayo, lagi kayong nakaugat sa puso ko gaya ng isang punong pinagtibay ng mga bagyong dumaan. Love you all.

Eto yung isang pic namin. Nakakamiss :[


Monday, July 26, 2010

Dagok sa Pamilya

"Lasing ka nanaman. araw araw ka na lang lasing... Anu toh? Bakit amoy babae ka? Nambabae ka nanaman? Walang hiya ka talaga."

"Bakit ba? Pakialam mo ba? Ako naman ang bumubuhay sa pamilya na ito?"

"Ah ganun na ba yun? So dahil hindi ako nagtratrabaho ay wala na akong halaga sa iyo? Eh kung ikaw na lang kaya ang magalaga sa mga anak mo. isusumbat mo pa ngayon sa amin ang mga ginagawa mo, HAYOP KA!"

"Walang hiya ka! Ako pa ngayon ang HAYOP? Eto bagay sayo!"

"Tay, wag! Wag na po kayo mag away ni inay!"

"Manahimik ka dyan! Pare-pareho kayong hayop!"

Madrama ba? Pero totoong nangyayari iyan sa mga pamilya sa panahon ngayon. Dumarami na ang mga pamilyang wasak at ang epekto ay karaniwang nararamdaman ng mga anak. Sino ba namang anak ang matutuwa dahil lalaki siyang wasak ang pamilya?

Galit. Yan ang damdaming nagliliyab sa sinumang anak na nakasaksi sa pagaaway ng kaniyang mga magulang na nauwi sa hiwalayan. Galit na kahit kailan ay hindi na huhupa. Galit na pagmumulan ng poot at pagkasuklam. Itong galit na ito ang dahilan kung bakit ang pananaw ng isang kabataan ay magbabago. Ang isang magandang pananaw ay nabahiran ng tila isang grasa--grasa na kailan man ay hindi na mahuhugasan ng tubig. Habambuhay na mananatili sa puso. Habambuhay na magiging mantiya ng kanilang pagkatao.

Bakit ko ba naisip ang ganitong paksa?

Naalarma lamang ako isang gabi habang narinig ko ang isa naming kapitbahay. Sobrang malapit kami dito sa tao na ito. Itago na lang natin siya sa pangalang Kuya Ton. Si kuya Ton ay isang masayahing tao at may pagkamalambing sa pagsasalita. Dala na rin siguro ng pagiging Ilonggo. Siya ay pala tawa, at sa tuwing kami ay magkakasalubong sa aming iskinita'y palagian akong binabati ng mga ngiti sa mga labi pero kagabi, ay ibang kuya Ton ang nakita ko. Isang kuya Ton na malungkot at problemado. Isang kuya Ton na nakaharap sa inuman ng mga kalalakihan sa amin na malaking problema ang pasan-pasan.

Lingid sa aming kaalaman ang problema sa kanyang pamilya. Akala namin ay masaya ang kanyang pamilya dahil sa tila laging sinasabi ng kanyang mga ngiti pero nakakubli pala sa mga ngiting ito ang isang malaking problema-- ang unti-unting pagkasira ng kaniyang pamilya na nagresulta sa unti-unting pagbabago ng pananaw sa buhay ng kanyang mga anak. Ang tila rebeldeng asal nila ay nangingibabaw. Ayaw na nilang ipagpatuloy ang pag-aaral. Gusto na nilang umalis sa bahay nila kuya Ton at humiwalay dito.

Hindi ko alam ang iba pang detalye ng kwento ni kuya Ton pero ang tangi ko na lang naaalala ay yung payo ng mga kainuman niya. "Pare, kailangan lang niyan na kausapin mo ang mga anak mo. I-one to one mo." Sa tingin ko epektibo din naman ito pero mahirap talaga sa isang anak na may positibong pananaw sa buhay ang tanggapin ang ganitong pangyayari sa kanilang pamilya.

Ako man, ayoko na humantong sa ganoong sitwasyon ang aming pamilya. Mahirap yung may iniisip ka pang problema maliban sa mga problema mo sa pagaaral. Mahirap mabuhay sa mundo kung saan mapupuno ka ng inggit-- inggit sa mga pamilyang kumpleto. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil buo at matibay pa rin ang pamilya ko sa ngayon. Matibay pa ring nagsasama ang aking mga magulang kahit na 25 taon na ang nakalipas ng sila ay ikasal. Masaya ako dahil isa ako sa mga masusuwerteng maayos ang pamilya at hinding hindi ko hahayaan na masira ang pamilya na ito, lalung-lalo na ang magiging pamilya ko sa hinaharap.

Friday, July 23, 2010

TGIF -- Thank God It's Friday-- A Blogging Friday

Hay salamat. Friday nanaman at ngayong weekend na ito ay hindi na ako busy! Yahoo. Kongrasyulesyons. I won wan melyon kass! :)) Ilang linggo na din kasi akong may pasok ng sunday to saturday eh. Nakakamiss kaya ang magbabad sa higaan ng walang ibang iniisip kundi tulog tulog tulog. Anyways eto ang weekend kwento na ewan ko ba kung bakit mo pa binabasa ngayon. Pero kung wala kang magawa at sa tingin mo ay gusto mo pa magbasa eh proceed na sa susunod na paragraph.

Last Saturday, Last review session ko yun sa standards review center somewhere sa commonwealth near Philcoa at kung alam mo yung EVER eh ilang tumbling lang yun doon. So far madami naman akong natutunan sa 5 weeks (45 hours) + 1 sunday (5 hours) na review session na yun for preparation sa UPCAT. Pumasok ako sa review center na yun na para akong baso na kalahati lang ang laman. Pag labas ko ay naging 3/4 na ang laman plus nagkaroon pa ng flavor XD (chocolatte flavor yung katulad nung nasa vendo don). Ganyan ko maicocompare ang help ng review na yan para sa preparation ko for UPCAT. I would like to share na din yung result ng dry run exam namin. So far so good and happy naman ako para sa result. I ranked 26 out of 130+ na nagtake ng dry run. Yipee. natuwa lang ako. Unexpected kasi alam mo yun yung nangangamote ka na lalo na sa math tapos nagpapawis pa yung kamay mo tapos sobrang lamig wala kang jacket at nabrabrain freeze ka na eh nakakuha pa ng ganyang rank. Pero hindi dapat ako makuntento diyan. Review more--kahit self-review lang.

Nung monday naman eh binigyan kami ng task ng aming teacher sa English na si MISS FAT (alam ko mababasa niya toh. Nagbabasa siya ng blog ko whahaha) gumawa daw kami ng prepared speech kasi kasama sa english subject namin yung public speaking. Dapat daw kabisado kahit papaano tapos sa podium atmay mic pa. Kabado, nagprepare pa rin ako at dumating ang araw ng performance (kahapon) super nanginig ako habang naiispeech pero nadeliver ko naman ng maayos at pinagperform ulit ako (pati yung iba kong classmate) sa harap ng lahat ng 4th years. Doon ako namental block ng husto. DAmi nga njilang rumors eh kasi medyo tinamaan ng topic na FIRST LOVE ang speech ko. kaya daw ako namental block kasi nandoon daw si FIRST LOVE. Mga tao talaga.

Bukas din meron kaming Acting workshop. Actually para lang yun sa theater arts club ng school namin pero ininvite kami ng moderator na si MISS FAT kaya it's a plaesure at nakakahiya naman na tanggihan yun. I want to learn more naman din sa field ng acting para naman hindi lang so-so yung mga talents (singing?, dancing?, acting?, drawing?, Playing musical instuments?) ko. Kailangan madevelop din sila diba? Nagpreprepare kasi yung club para sa nalalapit nilang play production na HAMLET at gusto ko maging part nun. Maganda yun!

Kanina din, nagalit yung French teacher namin, ayun minus 5 kami sa quiz kanina na 15 items na hindi tapos. Tsk. Kakaasar kasi mga classmates na epal. Sarap isilid sa locker. Haha

Yun lang. Kwentuhan ko lang kayo at umapdate na din. Nabubulok na kasi blog ko :))
Ingats. Next time kwentuhan ko kayo ng PAGIGING TEACHER ko :) oo, teacher nga!

Friday, July 16, 2010

Gusto ko maging...

Bilang tugon sa nais ni G.Munting Bisiro ng Panulat, eto ay isang post sa mga pinagpiliang landas ng buhay sa hinaharap.

Noong bata pa ako, naaalala ko bakasyon noon at nasa nueva ecija kami noon, tantiya ko mga 4 years old ako noon, naguusap-usap ang mga oldies cousins ko tungkol sa mga pangarap nila ng suddenly, may tumawag sa pansin ko habang naglalaro ng ewan, salagubang ata yun na may sinulid, siya ay ang lola ko. Sabi ni inang "Renz ikaw ano ang gusto mong maging pag laki mo". Walang halong kaba at buong tikas kong sinabi "Gusto ko po maging hardinero". Tawanan silang lahat. Ang nasabi na lang ni inang "Kung hardinero lang din pala ang gusto mo eh dito ka na lang sa amin ako pa ang magtuturo sa iyo".

OO, hardinero ang gusto kong maging trabaho dati. Bata pa naman ako noon at wala pa akong alam sa ekonomiya at inflation deflation at rates at kung gaano kahirap ang trabaho ng isang hardinero. Bata pa lang kasi ay nahilig na ako sa mga halaman. Kasama ko kasi lagi si papa pag nag gagarden kami habang tinuturo ang mga gulay "Anak, yaan ang carrots, pampalinaw ng mata. Yan naman ang sitaw, pampahaba ng paa". Nagustuhan ko tuloy magtanim at natutuwa ako pag yung tinatanim ko ay tumutubo.

Nung grade one naman ako, gustong gusto ko maging teacher. Naaalala ko pa nga yung mga panahon na kinukuha ko lahat ng mga lumang libro ni ate at libro ko tapos inaarrange ko sila tapos kunwari nagtuturo ako. Natuwa din siguro akong magturo kasi pilit akong sinasali ng mga kapitbahay namin sa teacher teacheran pero PE ang favorite kong klase nun, puro takbuhan.

Nung grade 4 ako, nagsimula ang pangarap ko na maging chef, isang magaling na magaling na chef, kung saan lulutuin ko lahat ng gusto kong pagkain, paglulutuan ko ang pamilya ko at magluluto ako sa barko, pero lahat ng pangarap na iyon ay gumuho nung naging aware ako na mahal magculinary tapos parang mahirap humanap ng career pag ganoon plus hindi naman ako humahawak ng gamit panluto sa bahay.

These years bago ako mag 4th yr (siguro from 2nd yr- 4th yr) naconceptualized na sa isip ko na magtatake ako ng engineering course sa college. Hindi naman ako math-wiz gaya ng sinasabi nila na pag engineering student ka eh mabangis ka sa math. Marunong naman ako sa math, nakakaintindi naman ako, alam ko naman ang basics ng math at ang pinakamahalaga ay handa naman akong MATUTO pa eh kaya sa tingin ko eto na talaga, magiging engineer na ako paglaki ko. Gusto ko ito, at higit sa lahat gusto ng mga magulang ko. Mahirap din kaya mag-aral kung dinidiktahan ka nila, atleast ako, gusto nila at the same time gusto ko din naman.

Kaiba sa mga ibang bata, ni minsan di ko naisip maging doktor or nurse para gamutin ang mga taong may sakit. Ewan ko ba, para kasing nakakapanghina ang mga ganung scenario kung saan makakasaksi ka ng kritikal na buhay at mga may sakit. Bata pa lang kasi ako may takot na ako sa dugo plus injection pero hindi na ngayon.

Hindi rin pumasok sa isipan ko maging lawyer. Sa tingin ko, hindi para sa akin yun. Hindi pa sapat ang pagiging makatwiran ko para maging lawyer.

Di ko rin naisip magtake ng mga super out of this world courses or yung tipong super nerdy ang dating like paleontology, astronomy etc. Para kasing sobrang hirap ng mga ganung course. Ikababaliw ko yung mga ganun.

Tama na din siguro yung naging desisyon ko, isang Engineer na Writter, oh diba, malay niyo someday matatag pa rin ang daliri ko magtype ng mga kwento at maging Engineer witter ako at makapagpaDOMAIN na din ng blog. kasama yan sa mga pangarap ko, pero ngayon ang magagawa ko na lang ay mag-aral. Madami pa akong pagaaralan. 8 months pa sa hs, 5 years pa sa college. Madami pa akong matututunan.

--End

PS Sir sana po ok lang sa inyo ito : ]
Kung may gusto kayong post, ok lang tumatanggap ako ng request basta matripan ko lang gawan ng post.

Thursday, July 15, 2010

ISSUE

Di dapat ako magpost ng tungkol dito, pero since wala naman akong maikwento at tanging blog na lang ang outlet ng gusto kong sabihin eh eto na nga.

Yang picture sa taas ay pawang likha lamang ng makulit na utak naming dalawa ni bff. Gusto lang talaga naming mantrip dahil nga madaming online at sa tingin namin ay nauuso na yung mga ganitong scenario sa fb. Natawa naman ako dahil sa mga taong naglike at nagcomment pa. Di rin kasi siguro nila ineexpect na makikita nila sa wall nila ang isang IMPOSSIBLENG bagay na mangyari.

Impossible. Yap tama, super impossibleng mangyari ang nasa itaas. (para sa kanya). Mas ok sa tingin ko na maging friends kami -- or what we call bff. In any sense relationship din naman yun, as friends nga lang. Nagtataka na nga lang ako dahil sa two years na nagdaan eh naiissue pa din kami. Ganun ba talaga?

Umemo slight lang ako. Wala lang, nagkaroon kasi ng isang maselang feedback sa relationship status na ito. Nakakatwa, pero bad yun. Dapat hindi ako matawa sa reaksiyon ng too ni bff. Pero in the other hand, nalungkot din ako kasi tapos na ang pagpapanggap. Wala nang pagtatawanang mga comments.

Sa di inaasahang pagkakataon din eh nagpasaya sakin tong trippings na ito. Ewan ko ba, dala na rin siguro ng katiting na espesyal na pagtingin sa puso ko :)) LOL KATITING PO. :l

"Sana tayo na lang talaga" Sabi yan ng klasmate kong itago na lang nating sa pangaln na JP LUCIO. Sabihin ko daw yan kay bff. LOL

Ewan.

"Ang mali, dapat ihinto na noong nagsisimula pa lang, bago dumating sa puntong magiging adik ka na.." Wala lang, naformulate ko lang galing sa distorted kong pagiisip ngayon. Sad pero happy, Happy pero Sad, ewan ko ba.

Hay hay hay hay Buhay.

Tuesday, July 13, 2010

Trip to UP at kwentong UP

Last sunday, after ng super madugong dry run examination namin for UPCAT ay nakita ko na lang ang aking sarili na naglalakad sa overpass patawid sa UP. Katapat lang kasi ng testing center namin (which is PSSC) na katabi ng Iglesia Central kaya naglakad na lang kami papuntang UP. Isang overpass lang naman ang tatawirin at dahil nga mga cam whore ang mga kasama ko eh pati ba naman sa overpass ay nagpicture? Ok lang. cute naman ako :] Connect?

Only thorn among the roses daw ako. Huwag kayo, matinik to :] joke lang wala kasing choice. Yung mga dabarkads kong mga brothers ay sa STI at PMA na lang ata magaaral (Sa Tabi ni Inay at Pahinga Muna Anak). Ewan ko ba, sa batch namin 3 lang kaming boys ang nagapply for UP. Masyado silang occupied sa mga gawaing iba. Mabuti na yun, para sa future ko naman toh.

Ilang linggo ko na din plinano magpunta ng UP kasi medyo malapit-lapit na din ang UPCAT. Buti na lang naisingit sa hectic schedule ng artista ang pagbisita
sa mga fans niya.

Pagdating sa gate ng UP (hindi main gate) ay natuwa naman ang inyong lingkod dahil first time kong gumala sa isang university kasama ang kaibigan at hindi ang mga magulang so balak ko na sanang halikan ang sahig ng UP, nahiya lang ako sa mga kasama ko. Sabi kasi ng mga matatanda, pag hinalikan mo daw ang sahig eh makakarating ka daw dun ulit--so ibig sabihin 5 years akong paulit-ulit na pupunta doon if ever na makapasa ako sa UP pero since makabago na ngayon, nakakahiya namang gawin yung mga ganung kasabihan diba.

Ang laki ng UP, pero kinaya naming maglakad ng halos kalahati ng UP para mahanap lang ang mga testing centers namin. Nakakapagod, di namin kinaya kaya sumakay na kami ng Jeep na UP IKOT. May jeep din daw na UP TOKI. (reverse daw ng ikot) pero hindi ko nakita ni isa sa mga jeep na UP TOKI. Nacurious lang ako. Since mga first timers kami sa UP at walang mapa, ay nagsabi na lang kami kay manong driver na ibaba kasi sa SOLAIR pero fail, nakalimutan ata ni manong at lumampas na kami sa SOLAIR. Ilang segundo din ang lumipas ng mag sink in sa utak ko na lumagpas na kami sa SOLAIR kasi nakita ko na yung sign board "UP SOLAIR". Bakit ganun yung utak ko ang slow, pagod na ata. At yun, bumaba kami at nilakad pabalik ang mga siguro ay 100 meters na sobra sa SOLAIR.

Napagusapan din namin habang kumakaen sa isang k
ainan sa loob ng UP, dahil nga sizzling ang kinbakaen namin, mahirap siguro mareincarnate bilang sizzling plate. Napakainit na nga ng trabaho mo, ang itim mo pa. Wala lang, resulta lang siguro iyan ng pagkapagod sa paglalakad-lakad.

Sabi din ng tatay ko dati, wag daw ako magaral sa UP. Iba daw kasi ang kultura sa UP. Baka daw mamaya mapilit ako magfrat at magoblation :)) pero di ko naman gagawin yun. Ngayon, convinced na siyana doon ako mag-aral if ever. Pinakamalapit kasi sa amin ang UP kaysa sa other choices ko for college (UST and MAPUA). Isang tricycle lang a
t jeep na hataw at pag magulo na ang buhok mo, nasa UP ka na noon.

Speaking of oblation, akala ko malaking super laki yung oblation na yun (yung rebulto) sa main gate ng UP. Ang liit lang pala. Ang itim pa :] Pero ewan ko, di ko makita kung ano ang simbolism nun. Maybe soon, pag nagaaral na ako sa UP. By the way UP Diliman po pala tinutukoy ko.

Eto po pala yung iba pang pics, if ever na type niyo lang tignan


Isa pang magada sa UP, eto :]


Ang cheesy nila noh, ganyan sa UP, freedon yan na tinatawag. Actually, hindi nila alam na pinicturan namin sila sa ganyang posisyon, at lalong lalo na hindi nila kami kilala. Anyways, kung makita man nila ito ok lang naman siguro diba? Mahal naman nila ang isa't isa :))

Anyways, Dito na nagtatapos ang kwentong UP ko :]

Friday, July 9, 2010

Exam week

Motion is the change in position with regards to a reference point blah blah blah blah. Speed is equals to distance over time, to have dignity is to have worth and value, anthropometrics, hayy kung anu anu pang mga dapat reviewhin dahil nga sa mga exams na yan. Actually simula pa lang yan ng school year pero parang burden na ang mga exams. I mean ang hirap magreview pero nakakapangsisi at nakakababa ng self esteem pag bumagsak so the point is mag-aral.

Nameet ko nanaman si usual gray colored long paper na 60 items lang naman siya pero mahirap din pumerpek ng 60 items lalo na sa mga subjects na Physics at FRENCH. Speaking of French sobrang nagkanda kamote na lang ako sa panghuhula ng mga French words like la poisson. Sinagot ko "the posion" pero yung sagot eh the fish. Bakit ba, hindi ko alam eh. Basta ang alam ko lang eh, Bonsoir. Vous baggages s'il vous plait. :]

Anyhow, inihaw, hindi naman yan ang main point ko. Ang main point ko lang naman ay ishare ang kabusyhan ko sa pagsagot sa mga nakakalokong exams SHEETS na yan para sa kinabukasan ko.

Bukod sa semi-quarter exams sa school namin ay involved pa rin ako sa mga exams para sa weekend na ito. Actually di ako papasok bukas sa school kahit exam pa namin dahil may commitment ako sa review center ko at last session of spoon-feeding na namin bukas at sa sunday ay dry run exam na for UPCAT. Hopefully makapasa ako sa UP dahil gusto ko din dun. Pride ko din yun if ever whahaha :]

So dahil sa kaboringan ay nagpost ng no sense blog post. Teka nga rereviewhin ko muna modules ko. :] Saka na ang makabuluhang post.

Aure voir madamme est monsier. abientot! Ewan ko kung tama yan. French yan :))




Monday, July 5, 2010

Blognibersaryo uno :]




June of 2009, nagsign up ako sa blogger for a purpose of having such account at dahil na rin sa pinapasearch sa amin na dito ko lang sa blogger nahanap. If I am not mistaken Anatomy of a Filipino yon. After ko masearch yon, for some day hindi ko binuksan ang blogger account ko cause I find it boring. Noong una, wala akong interest magblog. Thanks to my two classmates who have been blogging before me-- Eyoh @ blog ni eyoh and Izhel of Roll my Credits. SDabe ko sa sarili ko, why not blog? Let me give it a try.

July 4, 2009 nagstart na akong magpost, siyempre introductions and etc. Diyan nagsimula ang mga blogger adventures ko. Ang paki
kipagfriends sa mga other bloggers out there, simple exchange links and follow me messages sa cbox, at alas, Nandito na ako ngayon, isang taon at isang araw nang magsimula akong magblog.

Kahapon talaga ang blog anniversary ko. I am so sad kasi hindi ako makasingit sa pc kasi gumagawa ng lesson plan akong ate kong titser at kailangan kong mgapraktis para sa VJ activity naman kanina kaya ngayon lang ako makakapagpost habang wala ka si ate superiora :))


By the way, natatandaan ko yung promise kong giveaways, balak ko sana isa-isa kayo gagawan ko via photoshop pero dala ng kabusyhan ko sa pagaaral dahil senior hs na ako plus everyweekend ay nagrereview ako for U
PCAT and other college entrance exams ay hindi ko nagawa. Sorry friends. Babawi na lang ako next time, pero may nagawa pa rin naman ako para sa inyo :]

Anyways, sa loob ng isang taon ko sa blogging world, gusto kong magpasalamat sa approximately 10,000+ views since I started blog
ging. salamat din sa 99 friends na naging sandigan ng aking mga kwentong ewan ko ba kung may kwenta. Salamat din sa mga taong naginspire sa akin magsulat. Salamat sa lahat ng mga nagcocomment, sa lahat ng nagiiwan ng bakas sa chatbox, at sa lahat ng mga INVISIBLE readers ng blog ko. Hindi man kayo nagcocomment at nagiiwan ng bakas sa cbox atleast nagbabasa pa rin kayo. Very much appreciated. Kung wala kayo, wala si Renz at wala ang sulatkamayko.

I want to personally thank BATANGGALA-- AKA Janine Binanitan. She's a blogger batchmate na maituturing ko, dahil halos magk
asabay kaming dumiscover sa mundong ito ng blogging at siya ang naging isa din sa inspirasyo ko sa pagsulat dahil halos ka edad ko na rin siya. Isang buwan lang ang tanda niya sa akin. Gusto ko din magpasalamat kay SIR PANJO sa mga kwento niyang talaga namang nakakainspire. Sa kanya ko nafeel ang passion ng pagsusulat.

Anyways, I just want to give special remarks to these ten blogs I LIKE THE MOST :
Click niyo na lang ang link para madalaw sila-- mga ido
l

1. Tuyong Tinta ng Bolpen
2. Batanggala
3. Superkeso
4. Palipasan
5. Why me?
6. Stories of Bad Mj
7. Sendorero

8. Dungeon Lord
9. Dark's Diary
10. Anak ng tokwa

Sila po yung mga blog na napawow ako, at marami akong natutunan. Sila din po yung mga avid supporters ko--I mean yung iba sa kanila.

I just want to appreciate lahat po ng mga blogs na ito for being part of a year of blog experience. Sa mga di ko nasama, paki inform na lang ako :]

Akosimac, Am I real?, Almagations of Peter Paul, An audience of none, Anak ng tokwa, Ang aking talambuhay, Ang kwento at kwenta ng Layp, ang madumi kong isipan, Ang mga kwento ni Paulkian, Ang sabi ng tatay ko, Avery Isaac attempts to write

b'log ang mundo, bakas ng pluma, baklang maton on the Road, batanggala, Biohazard Life, Biyaheng Quiapo, Blagblagan, Blog and Roll, Blog na walang kakwenta kwenta, blog ng ina mo!, blog ni eyoh, blog ni kokoi, buco salad, bulakbole
ro at singapore

cacoethes scribendi, chapter six, chi, chico veluce, choknat's, complicated love

daily guide101, Dallies Twirl, Damuhan: Blog ng Pinoy, dark lady, Dark's Diary, Domesticated Daddy's Diaries, Drake's Room, Dungeon Lord

Eat ka damo, Elay's Escapades, Emoterong Bulol, emotional baggage

Fiel-kun's thoughts, Freedon wall

gitaristangdrummer, GlamPinoy, Glenn's Space, Goyo's adventure, Gusot ng papel

hangout, hidden creation, hu's uber der?

i write to taste life twice, Ira meanders around, iskratspeyper

Jie-No's Pyer.Sips.Yon


ka-blogs-tugan, kaleidos, klasrum ni Pajay, kornchops, KosaPogi, kwentong nakaka

Lanztorys, Larawan at katotohanan, Life 'round me N you, Llama's journal, Love of my life

Mae's Futon, M(.)(.)D sWings, Mojojojo's Lab, MazePlace, Mgakwentoko, Music Upd8: Newest Music, My Haven, My Life in Holland, My unfold stories

naglalagab-BLOG, NoBenta

pahinanibhentot, Palipasan, payato on the go, pink and pot, Pinoy + Adventure + Turista = Pinoy AdvenTurista, Pinoy mixed, pluma ni jepoy, Pretsel Maker, Pusang Kalye

real girl, roll my credits


Sendorero, simple thoughts, Simplymeeh!, SIRA Someone, Something to Brood Over, Soundtrip ni Choknat, Stories of Badmj, Stupidly perfect, Super Gulaman, Superjaid

Tacit Lexis, take a deep breath, tekpen 0.3, The Chicomachinery chronicles, Tuyong Tinta ng Bolpen

Visionary Afterthoughts

what's with vienna?, where your laughs meet, who's Betch, Why me?, wickedmouth.com, written feelings

♥ My own little worLd :)) ♥,
♥AkoCLhey

At para sa lahat may gift ako sa inyo, pasinsiya na, pero sana itreasure niyo yan :]



Sana makasama ko pa kayo ng mas matagal pang blogger years :]

Again, thanks sa lahat. A year of blogging is impossible without you --RENZ

Friday, July 2, 2010

Nadapa ako

"Ako nga pala si Louie Renz A. Sucaldito, mula sa IV- St. Luke, TUMATAKBO bilang secretary on board under SMILE party....."

TUMATAKBO. Bakit nga ba ito ang term na ginagamit pag eleksyon? Namulat na lang ako sa ganitong sistema ng pangangandidato, simula't sapul noong nagsimula akong kumandidato para sa school student body org namin nung grade 4 ako.

Kung tumatakbo ang term, siguro akma namang gamitin ang NADAPA diba? Obviously, NADAPA ako sa eleksiyon ngayon kung kaya ay naungusan ako ng mga katunggali. Masakit din pala ang madapa nuh? Pero dapat lang naman na minsan sa buhay mo ay madapa ka naman ng matuto ka huminto sandali at tumingin sa paligid mo kung anu na ang nangyayari.

Hindi ito ang unang beses kong pagkatalo sa eleksyon sa school namin. Eto ang PANGATLO. Pero ito ang unang beses na natalo ako sa pagtakbo sa high school. Kadalasan ay noong elementarya pa ako.

Iba't iba ang basehan ng mga estudyante sa pagboto, at sa tingin ko, may mas makagagawa pa ng mas mahusay sa kaya kong gawin kaya sila ang nanalo. Mas ok silang leader.

"Louie.,...Louie... I'm so sad. :( I want you in my group. I can't do it without you..." Sobrang na touch ako sa sinabi ng presidente ng partido namin nung inapproach niya ako matapos maproklama ang mga nanalo. nasabi ko na lang "It's ok. Try working with a new set of friends. I'm ok. Don't worry"

Natotouch din ako sa mga taong nagaapproach sakin at nagsasabi na sayang kuya binoto pa naman kita. Ang daming tao din ang lumapit sakin. Sa tingin ko with that, panalo na din naman ako. Nakaalis ng sama ng loob honestly yung mga taong yun. Nakapagbigay ng ngiti sa mga labi ko, at nagpalakas ng loob ko.

Positively, ok lang naman kasi officer naman ako ng desired club ko-- computer club. Saka bawas stress din kasi walang masyadong iisipin sa KANLUNGAN.

Hindi man ako officer may magagawa pa rin ako--at lahat tayong mga salettinians. Sa mga calssmates/ schoolmates na makakabasa neto..salamat sa tiwala niyo.

Thursday, July 1, 2010

Bloggerong Politiko :

Unang araw ng Hulyo, eto na rin ang araw ng botohan para sa KANLUNGAN Student Body Organization ng school namin. Isang normal na araw para sa karamihan. Araw naman ng kaba para sa akin. Eto na ang araw na judgement kung talaga bang may tiwala pa sa kakayahan ko ang mga schoolmates ko. Umaga pa lang pawi sna ako. Oh my, momay, kabado ako habang nakahanay sa CAT namin at nakatikas pahinga :]

Alas otso ng umaga nagstart ang election. Unang bumoto ang section namin, particularly kaming mga boys. Tahimik akong magisang naglalakad papunta sa precint ng election at nagiisip kung paano kung matalo ako? Anu naman ang magagawa ko pa pag nanalo ako? At biglang sumigaw ang Board of inspectors sa di kalayuan. "DOUBLE TIME!" Naputol ang pagiisip ko.

Kumuha ako ng papel, humanap ng upuan, tumingin sa listahan ng mga iboboto sa harapan, tinanggal ang takip ng ballpen, medyo mga half a minute bago ako nakapagsulat. Drama nu, ewan ko ba iba ang takbo ng utak ko kanina, straight naman ang iboboto ko dahil loyal ako sa party ko, bakit nagiisip pa ako. Matapos isulat ang pangalan ng mga kapartido ko, kabilang ang akin, itinupi ang balota, nag thumb mark, hinulog sa ballot box, presto! Nakaboto na ako. Even though manual elections lang, di naman kasing gulo ng automated kung saan madaming tao. 10 lang ata kami dun sa loob ng presinto.

Clueless ako kung ano ang magiging resulta, even though may naririnig akong mga runors na mga panadalo DAW, ayoko muna mag jump into conclusions. May bukas pa, at bukas iaannounce ang mga panalo.

Sa mga mananalo, sana ay magampanan ng bawat isa ang mga gawain ng isang lider. Sa mga matatalo, nawa ay magampanan din ang tungkulin bilang miyembro ng organisasyon. Walang lider kung walang miyembro.

Para sa mga bumoto at nagtiwala sa kakayahan ko, salamat sa inyo. Sana manalo tayo. :]

Tugtug, tugtug LORD manalo, matalo, sana maging mabuting leader pa rin ako, hindi man sa buong school namin, kundi sa bawat galang ko :]