Wednesday, May 12, 2010

My YFC Life

Anu nga ba yung sinasabi ko palaging YFC YFC na yan mapablog man, o mapaGM, lagi ko daw binabanggit yun parang super attached na daw ako sa YFC na yan, kesyo madaming pinupuntahan. Let me explain to you my organization.

Youth for Christ is under the Family Ministry of Couples for Christ at nagsimula ito noong 1993 as far as I know. Layunin ng org namin na ito na maging makabuluhan ang buhay espirituwal ng isang kabataan hindi lamang sa dasal kundi sa serbisyo. Napakaraming bagay ang matututunan sa YFC promise.

I started to be a part of this family ministry as Kids For Christ. Isinali ako ng ate ko, which is a YFC then, so ayun after nung KFC years ko, nag camp ako as an entry point sa YFC.

May 2-4 2008, nung nagcamp ako. Isinama ako ni ate, and siyempre wala akong kakilala sa mga kasabayan ko magcamp so ayun loner loner ako. Ako kasi yung tipo ng tao na tahimik sa umpisa kasi nakikiramdam pa lang sa mga tao pero pag nakilala niyo na ako at close na tayo ay sabog din naman ako. My first night sa camp na yun ay sobrang boring, wala akong kakilala and naOOP ako sa mga kasama ko. Second day, I enjoyede the other's company at ayun na nga, natapos ang camp, officially naging member na nga ako.

After the camp, active ako sa org na yun. Serve dito sa mga camps camp habang bakasyon pa. Attend ng bondings, meetings, at kung ano-ano pa pero simula nung pasukan nung 2nd year ako, naging YFC na lang ako sa pangalan. Medyo nagstop ako sa pagseserve kasi nahihirapan pa ako ibalance ang YFC at ang studies.

The tragedy happened on October 16, 2008 Lunch that time. Hindi ko na ikukuwento dito siguro masyadong hahaba ang post. That tragedy changed my life. I committed toGod that I will serve HIM after this tragedy.

Bumalik ako sa YFC after months of being a ghost ika nga. I started serving sa camps, covenants, Lord's day, household hanggang makarating ako ng Provinicial conference, sumunod ang regional. Naappoint na din akong leader, hindi lang small time leader kundi big time. Nakaattend na din ako ng international conference, nagseserve pa rin sa camp, naexperience ko na rin mag worship kay God, at ipagsigawan na I LOVE YOU GOD!

I am hooked. I love this community, I love all the things here. Ngayon, mas malaking hamon ang hinaharap ko cause I am appointed as Sector head serving Kids for Christ. (sector head po yung mas mababa ng isang level sa provincial). Malawak na ang hawak ko and I know kaya ko to!

YFC is not just about serving God, ika nga ng iba eh puro alive alive lang. No!. YFC can be a training ground for leadership, friendship, how to be a spaeker, how to build confidence. YFC is not boring kasi nga may Christ sa pangalan, no! I never regret being a member of this organization.

I am a proud YFC, because I love God and I love serving.

May God be Praised!

May video po ako dito nung International Youth Conference. This is made by yours truly dahil wala akong magawa and I so love this community.
Featuring po jan ang YFC Muzon, to where I belong saka po yung ILC Baguio chant
Watch neo na lang po


3 comments:

krn said...

kaya mo yan! nice to know na may mga kabataang katulad mo.. keep it up!

Anonymous said...

Gonna live the fullness of life!!! yeah!

Renz said...

@ate karen thank you po :]

@anonymous yeah ! kasama ka sa baguio?