Money Crisis kuno ng kabataan
Three weeks from now eh buhay na buhay nanaman ang mga jeep at tricycle sa lansangan na maglalaman ng mga estudyante, mapa hayskul man, kolehiyo, prep kasama ang nanay o elementarya. Buhay na buhay nanaman ang mga sidewalk vendor na nagbebenda ng fishball, sago't gulaman, palamig, bananacue at kung anu-ano pang cues pati chichiria, pero three weeks pa yon.
Tigang na tigang ngayong bakasyon ang bulsa ng mga kabataang nasa pangkaraniwang antas ng buhay pababa kabilang AKO. Umaasa sa kahit papaano'y pangmeryenda sa hapon na tinitipid pa para lamang pandagdag sa mga gastos ng kabataan. Ang hirap pag bakasyon, walang pera.
Nakakahiyang isipin na pagbakasyon eh burden ako sa mama ko at kay ate na mga financer ng gastos ko. Wala naman silang magagawa kesa naman makita nila ang anak nilang namamalimos sa kalsada. (as if naman) Napakarami ko kasing gastos ngayong bakasyon na ito. Sa kanila ako humihinge ng pera pang outing, pang conferences, pang lakwatsa, pang meryenda, pang audition dance battle sa shop (hindi kasi kaya ng pc namin ang audi poor) at siyempre idagdag pa ang pangunli mga siguro 4 times a week akong may load (buti anjan ang 4438 for my rewards ^^). Ewan ko ba kating kati ang kamay ko pumindot at magtext.
Idagdag pa dito ang major financial problem, ang pangtuition, Jusko po napakamahal ng tuition ko ngayon since graduating ako sa isa pang private school. Nalulula talaga ako sa price, biruin niyo 25k na wala pa libro, so pag sinama eh 30 k na. Napakamahal para sa isang hayskul pero sulit naman kasi talaga namang nagaaral akong mabuti. So dahil nga napakabuti kong anak (insert evil laugh here) at nais ko mabawasan ang gastos eh naghanap ako ng murang paraan ng pagkakaroon ng libro. Minus 5k na din yun nu minus 5k pa ulit dahil sa scholarship ni Pangulong Gloria. Nakipagswap ako ng libro sa schoolmate ko dati na may kapatid na incoming 3rd yr. Ayun libre na libro ko. Mapagtitiyagaan ko pa naman ang third hand na libro eh, makapagaral lang. (palakpakan haha)
Isa pang suliranin na mahirap isolve ng kabataan ngayong bakasyon : ANG BAYARIN SA KURYENTE. Jusko po, wala na akong masasabi dito, tatahimik na lang ako at makikinig sa paulit-ulit na sermon tuwing darating ang bill ng meralco. Eto na lang ang buhay ko pagbakasyon ititigil ko pa?
Di bale 3 weeks na lang, lulusog na ulit ang bulsa ko, hindi na burden sa inyo ang gastos ko ^^ Three weeks na lang mababakante na ang pc dahil sa madalas kong pagbabasa ng libro (weh di nga? ) Sana kayanin haha ^^
Pero magbloblog pa rin naman ako kahit papaano
2 comments:
heynako!very true! been there, at napakahirap ng walang pera tuwing bakasyon, iisipin mo kung paano ka kinabukasan?!?!nyahaha:))) isa pa yang lowd na yan, at lalo na ang meryenda. anyway, isipin mo na lang madaming batang walang pambili ng pagkain sa araw araw, at kung tutuusin maswerte pa tayo. so yeah. konting tiis na lang, at may skul na ulit, at... senior ka na!!yess!! :D
@batanggala haha so true ang mga sinabi mo. Indeed mas muka ka pang magsesenior sakin kasi the way you think :]
Post a Comment