Naiinggit ako sa kanila kapag ipinagmamalaki nilang botante na sila. Hindi ko naman kasalanan na ipinanganak ako sa taong 1994 kung kaya ay 16 pa lang ako ngayong eleksyon 2010. Ewan ko ba kung anu ang meron sa pagboto at gustong gusto ko bumoto. Hindi naman dahil sa jingle na bilog na hugis itlog. Gusto ko lang bigyang justice ang mga taong guto kong maluklok sa pwesto.
Choosing for the desired leaders is a hard thing to do. Ang daming bases na dapat isipin mo. Kesyo anu ba ang nagawa niya this past years, kung ano ang background niya at ng pamilya niya at kung anu-ano pa. Isama pa natin diyan yung mga kasabihan ng tao na ang pulitika ay napakarumi. Ika pa ng nakakarami eh "CHOOSE THE LESSER EVIL".
Naniniwala ba kayo na hindi lahat ng politiko ay hindi nangungurakot? ako, naniniwala naman ako pero hindi natin masisisi ang ganitong perception ng ibang tao dahil na rin sa mga nasaksihan nating kasinungalingan sa politika.
Habang iniisip ko pa rin kung sino ang gusto ko sanang iboto bilang presidente, pumasok sa isip ko ito.
Kung iboboto ko ang pangulo ng Laban kuno ay parang nagdadalawang isip ako kung anu ang mangyayari sa ating bansa sa loob ng anim na taon. Para kasing hindi pa siya ganung ka ready for the highest position sa politics. Pero we may not know who really he is.
Yung susunod naman na presidentiable, nakakatakot iboto sa dami ng nagastos sa mga politikal ads. Sabi pa niya hindi na daw niya babawiin yon. CHOS. Negosyante siya nu, at ewan ko lang kasi para sa akin babawiin niya iyon kung sakali.
Ang gusto ko talagang iboto ay yoong kandidato ng Sipag at Talino. Sa tingin ko kasi mas madami pa siayng magagawa kaysa sa ibang politiko pero yun nga lang nakatali sa administrasyon kaya medyo alangan pa rin.
Pero kung papipiliin ako sa tatlong nabanggit na presidentiables, pipiliin ko na yung may talino. Yun ang bet ko.
For vice president naman gusto ko yung may nagawa na, tulad nga ng sinasabi sa ads. Para kasing madadala niya sa pwesto kung anu man ang napraktis niya sa kanyang panunungkulan diba?
At siyempre senators at iba pang politiko, hindi ko na sila rereviewhin. Hindi ko naman kasi napagiisipan pa yun.
Tignan na lang natin kung ano ang mangyayari sa eleksyon at sana manalo yung deserving, may will at yung maaasahan ng bawat Pilipino para sa susunod na anim na taon.
6 comments:
helow renz! :D musta bakasyon?haha:)) oo nga pala, lapit na eleksyon, ten days na lang! haay, no comment na ko dyan, basta ang hiling ko naman, sana at this time, meron ng isang tao, na maglilingkod ng totoo. =D
Hmmm talagang din nagmensyon ng pangalan ah...hehehe ako din sa presidentiable parehas tayo ng bet..at sa vice kay Binay na ako..
go gibo
naku nagiguilty naman ako...kasi 20 na ko at hindi ako nakapagregister...kaya ang ginawa ko na lang eh mangumpanya haha...at ipabasa sa lahat ito haha
https://docs.google.com/fileview?id=0B_KE7QMu1oqNNzQ3ZmVjMmYtYWFlYi00ODRkLWIyMzktMDBmOTE4ODIwZWU0&hl=en
makakatulog yan for a better understanding of the candidates..
kaya kahit matatalo si Gibo at mananalo si Noynoy..ok na un..basta never ever si Villar.. haha..masyado siyang obyus
ngguilty din ako, tsk. di din ako nkapagpagister at sayang talaga ang pgkakataon kong bumoto, pero gibo or gordon ako. :))
Huwag ka masyadong magmadali. Masarap ang maging bata hehe. Actually, it's my second time to vote na. Pero excited ako kase automated na ang election sa atin ngayon. High-tech na kumabaga. Dati kase talagang mano-mano ang pagboto. Talagang isusulat mo ang mga names ng kandidato sa balota, ngayon i-shi-shade na lang XD
About naman sa pagpili ng kandidato, naku napakahirap talaga kaya dapat maging wais tayo pagdating jan. Marami ang nangangako ng kung anu-ano at sana naman matupad nilang lahat iyon.
About my presidential and vice presidential bets, secret muna yung akin hehe... basta my mind is set na kay ____ at kay ____ XD Everyone has their own rights to choose ika nga ^^
@batnggala..tama ka jan..sana nga
@kua bad mj we have the same vote ^^
@kua sendo agree ako..masyadong over pag c villar I go for gibo or noy
@keso sayang naman ang boto mo ^^ pero ok lang yun..support na lang
@fiel kun good luck sa shading shading hah ^^ be wise
Post a Comment