Tuesday, May 11, 2010

Happy Mother's Day

Dahil sa circumstances na hindi ako nakapagpost nung sunday dahilo ako'y bulakbol eh ngayon ko na ito ipopost. Bakit nga ba ako naglaho nung Sunday? Kasi I attended a camp. Nagfacilitate kami sa kids camp so naghandle kami ng 40 na makukulit at bibong mga bata.

Hindi tungkol dito ang kwento ko. Ito ay tungkol sa aking ulirang mother.

Ang pangalan ng mommy ko ay si Mrs. Leonila Asuncion-Sucaldito. Physically siya yung mukang bunso sa aming pamilya kasi siya lang ang pinakamaliit. Thanks to my dad dahil sa kanya kami nagmanang dalawa ni ate. My mom is very clean. Napaka OC niyang taong yan, yung tipong titiklopin mo na yung damit guguluhin niya pa at titiklupin ulit dahil hindi daw siya satisfied. Ang nanay ko, magaling sa linisan ng bahay, pamamalantsa pero wag mo siayng asahan sa kusina. Buti na lang anjan ang papa ko, chef chefan ng bahay namin.

Ang nanay ko ngrabe yan humalakhak lalo na pagkasama ang mga sisterly niya ( mga tita ko--yan ang tawagan nila, sisterly). Palibhasa nagtratrabaho sa derma clinic eh namaintain niya ang flawlessness niya dahil nagdidiamond peel siya magisa. Ang mom ko ay chubby gaya ko at kamukha ko daw siya. Medyo agree naman ako kasi nga maganda siya at gwapo naman ako (joke) haha.

Kapag nagkakasagutan sila ni papa, si mommy ay napakatalakera pero pag nagalit na si papa asahan mo, napakatahimik niyan. Super sa trabaho yan dahil siya ang breadwinner ng pamilya dahil si papa sa ngayon ay HOUSEBAND kasi may hinihintay siyang kung ano ba yun pa abroad.

What I love with my mom kasi magaling makisama, as in yung katabi lang namin sa jeep ay chinichika pa niya at sobrang love na love kaming dalawang magkapatid. Super weird din itong si mommy kasi kung anu-ano ang inuulan, manggang nilalagyan ng gatas, kanin na may gatas, BAGOONG. yan ang favorite niya.

Ang pinakaayaw ko lang na ugali ng mommy ko eh sobrang talakera minsan to the point na wala naman connect yung iba niyang sinasabi pero ok lang yun. Napagpapasensiyahan ko na rin dahil halos lahgat naman ata ng nanay eh ganon diba?

So kahit hindi ito mababasa nino man na relatives ko, still I would like to greet my mom here.

Mommy,

Happy Mother's day. nung sunday pagkauwi ko ng camp hindi kita masyadong nagreet kasi nga dahil na rin sa pagod at puyat, na kiss lang kita pero para sa akin kulang pa yun para sa lahat ng ginawa mo para sa akin.

Mom, thank you for always being tehre for me, in good time or in bad. In troubles at sa tuwing enrollan at may gastusan ay sa inyo ako kumakapit. Thanks because you're not failing me. Thank you for being a generous mom.

Mom, I know you are not a perfect mom, I do understand that, and I am not a perfect son too and I know you understand it too. Thank you for you patience mom to raise a good and handsome (well joke lang naman) child like me. Thanks for all

Mom, sorry for failing you sometimes at kung nasasagot ko kayo often times. I know naman po na maiintindihan niyo ako.

Thank You for all. I so love you mommy. You're the best among all moms!

Happy Mothers Day!

BURGER!

3 comments:

BatangGala said...

"Ang mom ko ay chubby gaya ko at kamukha ko daw siya. Medyo agree naman ako kasi nga maganda siya at gwapo naman ako"

--yan ang mga ayos na banat bro!hehe:)) at dahil wala na kong masabi, HAPPY MOTHER'S DAY na lang kay mommy mo. :D

mr.nightcrawler said...

ang sweet naman... at saka lahat naman ng nanay katulad ng mom mo, mine included! haha. greet your mom for me, although i don;t think she would appreciate it considering that i'm a stranger. haha. peace :P

Renz said...

@batanggala ang lakas lang ng loob ko kasi blog ko naman ^^ haha

@mr.nightcrawler siyempre eto na lang ang way para mapakita ang sweetness sa nanay ^^ btw follow you na :]