Swimming dito, swimming doon. Handaan dito handaan doon. Grocery dito grocery jan at kung saan saan. Pero ano ba ang koneksiyong ng mga ito sa ikukwento ko ngayon?
Last Saturday, since fiesta dito sa amin nung linggo (akalain mo may fiesta pa dito harhar) eh napagdisisyunan naming maghanda ng kakaunti para sa mga bisita kuno na sinasabi ni madir so dahil nga jan eh naatasan kaming mamalengke ni madir somewhere in Bagong Silang Caloocan. Siyempre may byahe byahe ng kaunti, nagtricycle kami ni madir. Aba into my surprise ha, yung dating malamukang tigyawatin na daan eh nagponds ata o kung anu-anong treatment ang ginawa ant ngayon eh swabe na siyang daanan. Good. napagalaman ko na ginawa pala ito ngayong traon lang. Mga March. Iba na talaga pag mageeleksyon. nagpapabango na ang mga kandidato. Pero after election meron pa kayang ganito? ewan ko lang.
So natapos ang tricycle swabe ride at nagkipagsiksikan kami sa public market pero hindi dun ang tungo namin. Pumunta kami sa grocery para bumili ng rekado sa mga lulututin ni papadir. Kuha dito, ayun after siguro mga 30 mins ng pakikipagsiksikan sa grocery ba yun na uber dami ng tao eh pumila kami ng panibagong 10 mins sa counter at dahil nga sa kainipan at kainitan eh naghintay na lang ako sa after counter para kunin ang plastik ng napabili ni inay.
So malapit sa mga counter ang separate counter para sa bilihan ng mga gatas ng may lumapit na 3 batang alam mong batang kalye na bumibili ng gatas. Nakuha lang nila ang atensyion ko dahil sa pinaguusapan nila.
B1:(sa tindera) Pabili nga po neto (pointing alacta)
(sa B2) anu basa dito (pointing alacta pa rin)
B2: a-----lak----ta
B3: eh magkano yan? (tinuro yung tag price)
B2: edi 45. 50
B1: eh eto (poiting alactamil)
B2: eh pareho lang yan ehh.... ay hindi pala.. a-lac-ta----mil
B3: o cge nga magkano toh (pointing tag price 209.40)
B2: edi one hundred zero nine
Sa totoo lang naawa ako sa bata kasi hirap na hirap talaga siya pero nagstrive talaga siyang basahin yun at naisip ko lang dapat sila yung mas lalong pinagbibigyan ng pansin ng government ngaun diba?
Sa paguwi namin ay madami pang nakitang ibidensiya ng kahirapan ang aking mga mata. Mga batang sagad sa buto ang pagbabanat ng mga buto para makapagtrabaho at para makakain kahit 1 beses lang sa isang araw.
Barely 6 days to go at pipili nanaman tayo ng bagong mga leader. Choose wisely mga botante, para sa aming mga bata na hindi pa makaboboto, please isipin niyo ang makabubuti sa amin. NASA INYO ANG AMING KINABUKASAN.
Vote wisely
2 comments:
bilib talaga ako sayo renz...
@kua mj ay mayganun? bakit naman.. anyways salamat
Post a Comment