Friday, April 23, 2010

JEJEMONster



I've been planning for this post for a month or so, pero kala ko hindi naman ganung kainteresting noon so hindi ko na lang pinost but since dumadami na ang exposure nila eh mapipilitan talaga akong ibroadcast sila dito sa aking blog.

EoWhsZ pOwhSz jejejejeje

Alam mo na ba kung ano ang aking topic for today? OO. Tama ka, ang mga jejemon. Since nagkalat na ang mga blogpost sa blogger man or tumblr pati sa facebook at multiply eh makikiisa na rin ako sa usaping ito.

First, ano ba ang jejemon? Ang mga jejemon ay tao lang din naman na pinanganak na nagsusulat ng normal pero ewan ko ba kung bakit nagtransform ang kanilang text style sa EoWhsZ pOwhSz jejejejeje cChuAmuZhTahsz nUahs PfOeszH? grabe napakasakit sa mata pagnakakakita ako ng mga ganito.

I do agree naman sa isang blogger na nagsabi na tao din naman sila. Sobra naman daw tayo kung mangdiscriminate sa kanila. Totoo naman. They are born with hearts ika nga pero anu ang magagawa natin, don't exclude yourself kasi diba naiinis ka naman talaga sa mga ganyang klase ng tao?

Naaawa ako sa mga jejemon pero kailangan maituwid yung ganyan. Talagang ituwid ehano. Basta, tama ba yung ganyan> tignan niyo toh pic ni Gibo, anti jejemon din siya

what else can I say?

Dear Jejemons,

EOwsHz sUah inYohSz.. pFuaHcKiuXaP luNg, WuAk nuAhz kcEo muAhktYpE nUanG gHnaiToWh

ang hirap kasi basahin. Nagmumuka pa kayong tanga sa ginagawa niyo. Sorry for the term but that's the truth. Don't blame us if one day may maisulong na batas para sa inyo. hahaha

nagmamahal,
RENZ

Tuesday, April 20, 2010

Tambay

Isang buwan pa lang ang nakararaan noong magsara ang school year at official na magstart ang summer vacation. Yes pinakahihintay ko ito matapos ang nakakasawang pagpasok sa eskwelahan kung hindi lang sa baon at kay cras eh hindi na ako papasok. Pero siyempre joke lang yun nuh. Sabe ko nga sa mga about me ko eh I value education pero minsan ang sarap pa rin magbakasyon diba.

Sa mga unang linggo ng bakasyon ay super enjoy naman ako dahil sa iba't ibang trips na aming pinuntahan tulad nga ng mga iba kong naikwento dito sa blog kuno ko. Nagharvest sa totoong farmville sa Nueva Ecija, Nagpalamig ng bongga sa mataas na lungsod ng Baguio, at lumublob at sinisid ang pool ng Adventure. So far ayan pa lang natapunan ng oras ko bukod sa araw-araw na computer-- facebook, blog, tumblr, at kung anu ano pang download pages sa paghuhunt ng mga bagong trends, at idagdag pa ang pagtetext habang nanonood ng paborito kong mga palabas-- PBB yan lang naman ang pinagtyatyagaan kong panoorin dahil dream ko din pumasok sa bahay ni big bro.

Ang tumal ng linggong ito. Nababagot na ako, siguro kung nakatira lang ako sa bukid ngayon eh ibabaon ko na lang ang sarili ko at babangon sa hukay pagtapos na ang bakasyon. I miss school-- ang mga tao sa school, ang baon pag may school. Nakakamiss din pala ang kabusyhan kasi naman sobrang boring ngayon diba bakasyon, walang magawa, walang pera.

Ngayon ko napatunayan na ang pinakamahirap na trabaho pala sa mundo ay ang pagiging tambay. Hindi mo alam kung paano mo uubusin sa maghapon ang oras mo kaya nga karamihan sa mga tambay ay kung anu-ano na lang ang ginagawa na minsan masama na sa lipunan.

Sana sa mga susunod pang weeks ay matuloy ang mga proposed pagkakaabalahan ko tulad ng ilang seminars, camps, at sana nga ay makapagenroll ako para sa review for entrance exams sa college. Kailanagn ko yun para kahit paano ay madagdagan naman ang aking alam para pag nagexam ako sa college.

Alam ko ngayon lang ako tambay kaya kahit papano ay nilulubos ko na rin to. Ang gulo talaga ng mga tao ano? Kung ano ang wala siyang hinahanap-hanap. Kaya talaga namang agree ako sa statement na ito..

Pag May Pasok ----SANA BAKASYON NA
Pag Bakasyon-- SANA MAY PASOK NA!


Oh sige, tatambay muna ako sa iba kong kuta. :]

Sunday, April 18, 2010

16 at 16th


*warning late post :) sorry

April 16 1994, 8:07 am bumuka ang langit at pinanganak ako (joke lang). I was born on the said date at St. Lukes Medical Center in QC. Sabi nila it was expensive daw dun sa hospi na yun pero ewan ko. Di naman ako ang pumili ng lugar na papanganakan sa akin. pede naman sa bahay lang pero hindi pwede kasi CS Section ako pinanganak.

Lumaki na ako dito sa isang city sa Bulacan pero actually taga valenzuela MM kami dati nung pinanganak ako. That was 16 years before now. For the past 16 years of inhaling and exhaling in this Earth, marami na akong natutunan. I transformed from a baby to a toddler, then a boy, now a teenager. For the past 16 years, nagmatured na daw ako. I doubt them pero sabi nila Im so matured for my age.

Let's go to the main point.

I would like to thank the person who were involve in my 16 years of living.

My family- thank you for being there for me. As the youngest member of our family, ako yung pinakamadaming trouble na napasukan compared sa inyo pero stil tinatanggap niyo ako ng buong buo. Kahit nung nagkabalibali ang aking mga bones eh hindi niyo pa rin nagawang magalit sa akin and thank you for everyday na nakakasama ko kayo.

To my teachers- thank u sa pagmumulat niyo sa akin sa mga bagay bagay na dapat at dahil sa inyo natuto ako mula sa simpleng pagsulat lang ng pangalan at pagbilang ng 1 to 100 hanggang sa matuto ako magsulat ng mga entries sa blog ko at magsolve ng 2x+x-4 o kung anu man yan. Thank u

sa mga classmates ko-- wag na kayo haha :) jokes lang. thanks for being there for me at sa samasama nating pagtuklas ng mga bagay bagay sa mundo salamat :)

sa YFC- thank u sa pagbuhay sa spiritual life ko. I found a place in our community talaga. I really don't know how to express my thanks to you guys.

sa mga BLOGGERO/BLOGGERA salamat sa matiyagang pagsubaybay sa mga wapakels kong blogposts and thank u for ur post na talaga namang ang dami kong natututunan. Let me mention names
~batanggala- ang mistulang kapatid ko na dito sa blog dahil nga kaage ko lang siya :) what I like about her is pinapatunayan niya na kahit iba siya sa mga classmates niyang porenger eh talaga namang nagmamakeway para ipagtanggol ang sarili :) Thank u for inspiring me.
~dark lady- usaping love life ba? ang dami kong natutunan diyan subra!
~keso- super strength ng babaeng to. kahit anong problema nagagawa pa din umismayl at magpose sabay sabing say CHEESE (ay whisky nga pala) :))
~bad mj- my brother in this world. Salamat dahil super warm welcome mo sa akin sa blog mo at super kulit mo kachat at nagtext pa :) sorry globe ako di ako makareply sayo
~NAGLALAGABLOG ANENG!- ikaw ang isnpiration ko para magblog hop nung naguumpisa pa ako! tsk nawala ka na sa mundong ito haha pero thanks!
~kay LED- siya ang naginspire sakin magblog :)
~kay panjo-- super galing ng stories mo idol talaga kita

at sa iba pa-- kay kua saul, miz yhel, ate faye, lord cm, izhel, bravewarrior, glampinoy, goyo, glennkun,llama etc salamat sa inyo

Siguro nga hindi mabubuo ang nakaraang taon ko kung hindi ako nag blog :) thanks friends


NGAYON dahil 16 na ako--wala lang haha magbloblog pa rin ako at nais ko lang talaga magthank u sa naging parte ng buhay ko this past years

LALO NA SAYO--ikaw na nagpasaya at nagpaiyak na rin sa akin ♥

ok siya dito na lang.

Thursday, April 15, 2010

International Leaders Conference 2010

Hello sa lahat. Grabe ngayon lang ako makakapagblog after a week dahil sa sinabi kong aatendan kong conference for three days pero ayun nauwi siya sa matagal na hindi pagiinternet kahit nakauwi na ako ng bahay ng sunday because of the internet loss. Hay nakakaasar ang hirap na pala pag walang net. hindi na ako sanay kaya sorry for the delayed kwento so ito na yun.

Wednesday pa lang ay nakahanda na ang aking mga clothes na dadalhin para sa conference na iyon sa may baguio City and dahil nga first ILC ko yon eh super excitd to the max ang inyong lingkod. Nagprepare ng ilang tshirt, pants, shorts, briefs, boxers, towels, hanky basta parang ilang linggo naman akong magstay nun sa baguio no pero ika nga eh mas maganda ng sobra kesa kapos.

Thurdays na grabe sa kaexcitan ang kaing nadarama at dahil nga sa uber uber excitement eh nauwi ako sa pag google ng lahat ng tungkol sa conference, pictures, workshops venue, map locations at kung anu-ano pa. So 3 pm pa lang eh naligo na ang inyong lingkod at nagbihis at dahil sobrang aga pa nga eh nahiga muna sa sofa at nanood at hinintay si mama dahil hihinge ng allowance. mahirap na ang walang pera baka kung san na lang ako pulutin.

Umalis ang supe
r excited na ako sa bahay ng 6 pm para pumunta sa bahay ng aking kasabay sa pagpunta doon. Dyaraaan, 9pm kami nakumpleto so 6 kaming nagtungo sa meeting place ng mga iba naming kasama para hintayin ang aming transportation medium---corimba bus yon. After ilang minutes ay este 2 hours ng paghihintay na inabot na kami ng gutom ay dumating na din ang bus. So ayun inayos ang seat plan, and nauwi kami sa may dulong dulo ng bus. Ok lang yun basta makaattend lang ng conference.

Fast forward..

Umalis kami dito sa Bulacan ng 11 pm at matapos ang 2 stop over at nakakangawit sa pwet na byahe ay nakarating kami sa baguio ng before 6 am so mahabang byahe ito at super exciting ang byahe dahil paakyat ng zigzag. TAKE NOTE may nakita pa akong SHOOTING STAR! First time in my 15 years of exciting in this Earth nakakita ako ng shooting star. So ayun, hindi naman ang shooting star ang star ng aking kwento so lets proceed. fast forward

Dyaran...So ay
un na nga, nakarating na kami sa venue ng conference, isa siyang malawak na sports field na may bleachers at may kung anu-ano pang life siza na etc. ang hirap explain basta ang dami. Medyo dumadami na ang tao kasi nga INTERNATIONAL yun eh expected na 10 500 Youth For Christ ang aatend nun kasi yun ang registered so yayanig ang Baguio samin.

Ano ba ang sense ng pinunta ko sa confer
ence na toh? Para lang ba magpalamig sa Baguio (promise ang lamig dun sobra) or para matuto ng mga values? Siyempre para matuto.
Mayroong 4 sessio
ns ang conference na toh, na pinagdidiinan ang TO THE MAX experience of life na talaga namang matututo ka. I just want to share one thing na talaga namang tumatak sa isip ko---

Imagine isa kang baso, isang baso na punong puno ng laman. How can you get more of God's Blessing? Hindi ka na makakakuha pa kung ano ang higit pa sa meron ka ngayon kung HINDI MO ISHASHARE yung meron ka sa iba. WE NEED TO EMPTY OURSELVES so that we can receive a better blessing from the Almighty.

Ang pinakamasayang part dito sa conference ay ang makaluha talagang worships as in TO THE MAX ang glory na maeexperience mo. Yung feeling na parang lulutang sa kasiyahan.

Hindi lang naman puro talks to, masaya din ang conference dahil may mga competitions din per region kasi. I belong to Central Luzon at grabe sa saya dahil wala lang. Hindi joke lang. ang saya kasi ang daming pakulo. sports, dance bands etc. Nagenjoy din ako sa YOUTH WALK kung saan lahat ng delegates from Luzon, VisMin + foreign, saka metro manila ay nagrally sa Baguio at nagmeet sa iisang lugar. So ang saya kasi 10 547 people to be exact ang kasama mo maglakad sa streets ng baguio.

Sunday natapos ang conference and dahil nga kulang ang letters sa keyboard para maitype ko lahat ng gusto ko dito ay hindi ko na magagawa. Share ko na lang sa inyo ang iba pang pictures ng ILC.


































After nun syempre mawawala ba ang mga gala? Eto ang mga pictures :)





























And hopefully, sana makasama ako next yr sa ILC 2011 CAGAYAN DE ORO. Alam ko naman close to impossi
ble na makasama ako doon pero sana sana sana sana makasama ako

Thanks for reading this a bit long story of mine :)

Wednesday, April 7, 2010

I will be out again


I will be leaving tomorrow so I'll make this final post for this week. Attend kasi ako ng International Leaders Conference sa Baguio City. I'm so excited kasi first time ko umattend ng ganung kalaking conference, regional or provincial conferences pa lang kasi ang naaattendan ko eh, so I hope I will be inspired by that conference. I will be leaving my blog but I will return as soon as possible :) And with that I will be leaving you this weekend song in my blog hope you like it. here's the lyrics

Here I Am to Worship – Hillsongs United

Light of the World
You stepped down into darkness
Opened my eyes
Let me see
Beauty that made this heart adore You
Hope of life spent with You
Here I am to worship
Here I am to bow down
Here I am to say that You’re my God
You’re altogether lovely
Altogether worthy
Altogether wonderful to me
King of all days
Oh so highly exalted
Glorious in heaven above
Humbly You came to the earth You created
All for love’s sake became poor
I’ll never know how much it cost
To see my sin upon that cross.

“Call’
Call upon the name of The Lord and be saved

Ok till here. See you all when I'm back :) Kwentuhan ko kau pag uwi ko

Tuesday, April 6, 2010

10 days to go

10 days to go and another phase of life nanaman ang haharapin ko. It was not so long ago, as if it was only yesterday. (wow english) pero eto nanaman siya. Ang araw na inaabangan ko, ang araw na pinakahihintay ko-- ang kaarawan ko :)

pagkatapos ng 10 araw, madadagdagan nanaman ng isang makabuluhang taon ang buhay ko. Isang taon nanaman ng kasiyahan at kalungkutan, ng pagsubok, ng kung anu-anung etc pa yan :) I will be 16 this April 16. Wow ang tanda ko na pala nu, pero kung tutuusin malayo pa ang malalakbay ko dahil naguumpisa pa lang ako. Kung baga papunta pa lang ako pabalik na sila (bakit hindi ko sila nakasalubong? harhar)

So paano ko ba icecelebrate ang birthday ko? Actually kaya ako gumawa ng post ko na ito dahil ngayon ko lang napagtanto na malapit na pala akong tumanda uli whahaha. Di naman kasi ganung sine-celebrate ang kaarawan ko nu, dyahe walang pera kasi, pero hopefully ngayon eh masaya ang birthday ko. Yung mga nakaraan kasing birthdays ko bukod sa wala akong kasama sa bahay eh BH pa ako (broken hearted) hahaha :) saka txt lang ang medium nila para batiin ako, dyahe bakasyon walang mga pera ang mga tropa ko :)

Before my 15th year on this Earth ends, I would like to thank everyone who made this year meaningful. I learned a lot from the basics of washing clothes to the complicated ones like solving mathematical problems. Thanks for the people na nadiyan, most especially my dear friends. Isang taon nanaman ang bubunuin nating magkakasama. And to the persons here in my blog, i love you all.

CHEERS! whahahaha..walang Alak bawal pa daw (sus, may bawal pa ba sa mundo? haha)

Monday, April 5, 2010

Nueva Ecija Escapade

Tuwing mga holidays, like Holy week, Christmas, Undas, or tuwing birthday ng aking lola eh umuuwi ang pamilya namin sa Nueva Ecija. Sa family ito ng aking mommy. Three times a year kami magkitakita magpipinsan pero kahit ganun parang sobrang miss namin ang isa't isa kaya super bonding nanaman ang aming ginawa, plus ang daming new experiences ngayong bakasyon na toh.

Holy Week + Bakasyon. Pano ba magcecelebrate ng holy week? bawal ang masyadong party party kaya ayun libot libot at nanood na lang kami ng nagpipinetesya. Yung may pinapalo pa sa likod na maraming sticks ng kawayan tapos dumudugo pa. Eto yung ilang pics
so dumaan pa yan mismo sa harapan ng aming ancestral

house sa Nueva Ecija. Ako naman, kahit nakakita na ng ganyan eh parang nasabik ako kayta ayun nakipicture pa ako.Para akong touristang pilit sa ginagawa ko :)

Masaya naman ang panonood kahit parang nasasaktan ako sa ginagawa nilang pinetensya, pero sino ba naman ako para pigilan sila. Kanya-kanyang pananampalataya lang iyan.


Siyempre mawawala ba jan yung mga pictures ng bukid? siyempre hindi noh. Pero super thankful ang aming angkan kasi di kami affected masyado ng El Niño Phenomenon na grabe ang pakita sa ibang lugar. Sumakay pa kami sa kariton para pumunta sa isa pa naming plantation ng ampalaya at namitas ng marami. feel na feel namin ang farmville experience na to. Wala kasing ganun sa mga siyudad eh :) Sumakay pa ako sa kalabaw. Ang pangalan niya nga pala ay si putot :) eto yung picture namin :
Ang Kyut niya no? Pero ang bilis ng bakasyon. 3 days lang eh umuwi na kami agad. Sa June na ulit kami magkikita-kita kasi birthday ng aking lola sa June 86 na siya at bongga ang birthday niya taon taon :)

Pero di pa natatapos ang bakasyon. Yes this coming friday na ang International Leaders Conference sa Baguio City at excited na ako. 10k plus delegates from the whole philippines and first ILC ko kasi yun. kwentuhan ko na lang kayo paguwi ko :)