Daming problema. Peers, Grades, Love. Daming regrets. Ang daming maling moves--at dahil sa mga maling moves, nasira ang week ko.
First in the line is ang gulo sa aming magbabarkada. I didn't think na magiging ganito ang outcome ng ginawa ko. Nagkulang ako sa tiwala sa iosa kong kabarkada. I saw some possible evidences and shared it, pero hindi ibig sabihin nun na nilalaglag ko na siya. I want to help the other party too. Apektado lahat ng barkada. Nakakalungkjot isipin na yung dating masayang samahan na halos nagtagal din ng isang taon mahigit ay mawawasak lng ng biglaan. And imagine, we've been friends for 10 years or more. What the hell. Sayang. Ang tanga ko kasi.
Next in line, low grades. Nagsimula ako noong 1st grading as top 2, then the next grading top 3 and now top 4. I know di naman ganun kababa grades ko. In fact lahat naman yun line of 9 pero bakit grabe naman makapagsalita mga parents ko. Ang hirap kaya magaral lalo na pag nasa isang section ka na puro matatalino tapos pag may kapatid kang matalino na pinagcocompare-an sayo. I know I'm wrong. Medyo tinamad ako magaral. Pero GUSTO ko lang naman enjoyin ang high school life. Masama ba yon?
Idagdag pa dito ang kawalang preno ng bibig ko. GUILTY ako sa mga sinabi ko DATI na cheeter siya pero nagsisisi na ako. Matagal ko ng ibinaon sa limot mga iyon pero nagulat na lang ako dahil may nagsabi daw sa kanya. Pero friend, sorry.
At sa lahat ng nagawan ko ng mali sorry.