Wednesday, March 9, 2011 | By: Renz

HBD Batanggala!


Batanggala

Sa mundong ito, kita'y nakilala
sa taglay mong talentong di maikakaila
sa bawat kwentong iyong inilalathala
Di ko maiwasan na minsan ay matulala

Sa mga topics mong lubang nakakalibang
sa mga drama mong minsa'y nakakahibang
Pramis, ako'y dalang-dala mo
Kaya nga ikaw ay isa sa idol ko!

Sa murang edad, madami ka ng napagdaanan
Kaya nga siguro, sa mundo'y madami nang napatunayan
Lakas ng loob at determinasyon, kitang-kita sa iyo
Batanggala, halika, ako'y bigayang mo nga ng payo!

Batanggala, o batanggala!
Anak ng teteng, saan ka pa ba gagala?
Sana'y mga paggala, sa blog ay laging itala
at nawa ika'y pagpalain palagi ni Bathala!

Pagpaumanhinan mo na ang aking tula
Dahil panget siya at walang kwenta
pero kahit magkaganoon, huwag kalilimutan
sinsero akong bumabati kaibigan!

---Sana okay lang to. haha. Sobrang nahihiya ako dahiol eto na nga lang ang magagawa ko medyo panget pa. pero Happy Happy Birthday na lang! Salamat sa lahat lahat at wish you all the best for this year of your life. Should I call you ate? Ahaha. Huwag na siguro. Take care always!



8 comments:

Jag said...

aww that was a sweet poem for Batanggala hehehe...

Bino said...

astig! magugustuhan nya yan for sure. :)

goyo said...

Birthday gift mo ba sa kanya? ayos! kahit ano pa yan, magugustuhan yan! :)

BatangGala said...

RENZ! MARAMING MARAMING MARAMING THANK YOU NG BONGGANG BONGGA!:))) isa ka sa tumupad ng birthday wish ko! :)at bonggang bongga ang tula mo. thank you soooooo much! **BIG HUGS!!** :DD

Ang Babaeng Lakwatsera said...

aww.. ang sweet.. isang magandang poem at malamang magugustuhan nya yan.. maligayang bati din kay batanggala..

Sendo said...

oooh...cheesy...kayo ha! haha...

KikomaxXx said...

hahha ang sweet mo namang kaibigan.. ahehehe

halojin said...

nice naman kuya renz! hala hindi ko na nabati si batangG..panu d na ako naka open ng intternet...