Monday, November 30, 2009

Pader


Isang post nanaman tungkol sa isang bagay na walang kamuwang-muwang sa mundo. Isang matibay na pader.

Ano ba ang pader? Sa post na ito, ipakikilala ko ang pader bilang isang bagay na masakit.

Naniniwala ka ba sa quote na "Friends can be Lovers but Lovers can't be friends."?

Siguro ako maniniwala na. Based on my experience yap, tama to.

Pag friend mo, pwede mong hawakan yung kamay ng walang malisya. Pwede mong titigan, pede kang makipagbonmding ng walang maiilan. Lahat pede. Walang limitasyon. Walang pader.

Pero bakit pag pinagtapat mo na ang tunay na hangarin ay unti unti na ring tumataas ang tila isang pader na humaharang sa inyong dalawa? Isang pader na pilit pinaglalayo ang dalawang taong nais magsama. Isang pader na mahirap akyatin, Isang pader na napakataas at wala ka ng magagawa kundi umalis at maghanap ng ibang daan.

Bakit pag nagpapakatotoo ka saka pa siya lalong nagagalit? Ito ay realidad na masaklap na nagaganap sa buhay ng bawat isa- lalong lalo na ang mga kabataan.

Ano ba ang dapat gawin para mabasag yung pader na yun?

Share ko lang na minsan naencounter ko din yang pader na yan. Ano ba ginawa ko, act natural as if di ko nakikita yung pader. Umiwas ako at unti unti kong napapansin na sa paglipas ng mga taon ay natitibag din pala ang pader na naghihiwalay sa akin at sa kanya. Unti-unting bumalik ang friendship.

PERO

Masyado akong naexcite. Siguro na miss ko lang yung mga times na nagkahiwalay kame kaya masyado akong natuwa sa pagkawala ng pader. Dumating ang balita. Ang luha muling tumulo, at ang pader ay unti-unting binuo muli upang maghiwalay sa amin.

Hay sayang. Hihintayin ko nanaman gumuho ang pader na iyon.

Friday, November 27, 2009

Iba't ibang kwento.

Haist. Sakit ng buo kong katawan at masyado akong napagod sa cheerdance na yan kaya pati utak ko wala ng laman para magpost ng siang makabuluhang blog entry. Di bale. Nagbalik na ako habang sumisinghot ng kantiko with matching bread sticks.

Teka, wala naman akong maikwentong iba. Siguro eto na lang.

*****
Yes malapit na akong maglevel up sa farmville Xd mag 37 na ako (share lang)

ayt mali.

Di pala yan kwento ko.

let's be serious aha.

*****
Ganito yon. Record breaking na araw, Nov. 25, 2009. Waw super gulo ng isipan ko dahil don nag emotional breakdown ako in short d ko na kinaya kaya napaluha na lang ako.

Waaa nakakahiya kayang umiyak pero wala naman akong magawa dahil mixed emotions na yung naguumapaw sa dibdib ko nun kaya ayun, di gumana yung maskara na humaharang sa muka ko.

Masyado kasi akong naging MARTIR. Asa pa kasi ng asa wala namang dapat asahan. Kahit nangyari na yun, d ko alam kung sumaya ba ako. Mas lalo akong nalungkot.

*****
Eto pa.
dahil wala naman akong mapagtripang matino, bibigyan ko na lang kayo ng lesson na nakuha ko sa cheering namin.

Sa cheering di mawawala yung mga stunts esp. yung mga pyramid etc. at mga tumbling tumbling na kung ano-ano. Sa una d ko talaga kaya ang tumambling huhu.. kahit eggroll lang. Di naman kasi ako tinuruan ng aking ma't ina na tumambling pero dahil kailangan ayun, nagkapasa na ako at nanakit ang katawan but in the end mejo natuto naman ako :D

Lesson: Di lahat ng bagay alam na natin sa simula. May mga bagay na kailangan din nating matutunan---tulad ng masaktan, para makamit ang inaasamasam na tagumpay. Wag sumuko. lalaban tayo!

Ang pag-iyak ay di nangangahulugan ng kahinaan. Ito ay nangangahulugang katapangan dahil hindi ka nahiyang ilabas ang tunay mong nararamdaman

****
ayun memapost lang :D
Enge nalang motivation through comments :D

renz~
shit maintenance countrystory XD

Tuesday, November 24, 2009

Kadugtong ng nasa baba neto :D

Nabuang nanaman ako. Nawala sa sarili. Nagyon napagisipan ko na kung ano talaga ang nasa isip ko habang naghihintay umalis ang ate ko sa pc, isinulat ko na to sa doodle notebook ko.

WARNING: Para sayo, kung mabasa mo man to, wag ka sana magbago, wag ka din mailang. SANA

Ang hirap ng ganitong feeling
Nakikita kitang sobrang lungkot, sobrang depressed.
Gusto kitang tulungan, pero ang tangi ko lang magagawa ay titigan ka.
Sobrang sakit makita kang ganyan.
Okay lang sana kung ako ang nagkakaganyan
Bakit ikaw pa?
Di ba dapat masaya ka na lang ngayon? Anong nangyari?
Di ba dapat wala ka nang problema? Bakit meron?
Di ba mahal niyo ang isa't isa? Bakit nagkakaganito?
Ayokong makita kang ganyan dahil naiinis ako
Ayokong nahihirapan ka dahil ***** pa rin kita
Pero ayoko rin namang makisawsaw
Dahil alam ko, di ako ang dapat umayos niyan.
Wala akong karapatan makialam, at ni walang karapatan upang manghusga.
Tititig na lamang ako, at sa tahimik kong mundo,
Ikaw ay aking yayakapin.
Papawiin ang sakit na nadarama,
Pupunasan ang bawat luhang pumapatak
Lahat ng ito'y mga pangarap, na sa hangin lamang maisusulat.
Pangarap na unti-unting nabubuhay sa aking isipan
Pangarap na walang kasiguraduhan
At pangarap na hanggang pangarap na lamang.
Dahil alam ko, na siya pa rin naman kahit anong mangyari diba?

Hindi ako!

Nalilito

Mahal mo, di ka mahal.
Mahal ka, Di mo mahal.

Mahal mo, mahal siya, Sige kayo na.

Ang gulo.

Kung kelan naaayos na yung gusot. saka nagkakatwist ulit.

Nakakaasar!

Monday, November 23, 2009

This Sleepless Night- by Louie Renz (That's me)

This sleepless night
-by: Louie Renz

You’re the reason why I can’t sleep tonight
Your Face, Your everything still vivid at my sight
Am I in love or deeply infatuated?
At times you’re with him, I feel very frustrated

In love, yes it best describes me now
Waiting for someone to utter thy vow
But how will this vow be as such
When you, yourself is in love with him that much?

I strives to be good, but in your eyes I’m not
That’s the grim reality and you know, it hurts a lot
Many times I wanted this love to stop
But how will I start when my feelings reached to its top

And now, I will sleep with strength and power
Full of courage and hope, for you, my life I’ll offer
Tomorrow is a new day or maybe the start
The fulfillment of the vow, we will never be apart

_January 5, 2009




Share ko lang itong poem na ginawa ko nung January 5 2009 Para sa bollie ko. Walang halong Malisya, gusto ko lang ipabasa sa iba kung gaano ko siya minahal, kung gaano ko siya inisip at ngayon niyo sabihin na false love lang lahat.


Pero I respect those persons na sa tingin nila nagpapakaemo lang ako para magpapansin. Kung ganyan niyo ako kilala I'll accept that.


Pero I therefore conclude, after my realizations that Hindi ako emo. expressive lang ako lalo na sa pagsusulat.


Sana nagustuhan mo yung poem ko.

Patamang kowt

At dahil sa mga quotes na natatangaap ko, eto nanaman ako at nakaformulate ng isang blogpost. Actually dapat kagabe ko pa ito blinog. Tinamad lang ako dahil nagharvest pa ako sa farmville XD at dahil may ka-chat pa ako.

So eto na yung kowt:

Why should I ruin the beautiful petals of a flower
when I know from the start that...
"he loves me not"

Awts. Sapul na sapul nanaman si ako pero dahil naniniwala akong lahat ng bagay may pagasa (dati) kaya kumapit pa rin ako kahit bawal. Ika nga eh "Masarap ang bawal"

Explaining the kowt, siguro hindi naman masamang umasa. Pero wag l;ang to the point na ikaw ang makakawawa sa huli.
Be ready na lang for the conequences kapag nalaman mo na sa huli "He loves me not" pa rin ang result.

Eto lang yun. Maghanap ng iba. (wow ang dali sabihin pero mahirap gawin).

Siguro humanap ka na lang ng ibang flower. Malay mo he loves me na yun. Never lose hope :D

at dahil nakikinig ako ngayon ng On Bended Knees...............wala lang. Tatapusin ko na ang post na ito bago pa humantong sa kaemuhang bagay. :D

Saturday, November 21, 2009

Naiintindihan ko naman.

Grabe. Nakakapagod itong araw na ito bukod sa pasa ay sumakit ang lahat ng laman ng katawan ko dahil sa cheering. Ikaw ba namang gumulong-gulong at dumapa at magpyramid (sa base) at kung ano-anong stunts. Kakapagod.

Pero hindi tungkol dito ang post ko ngayon. Eto ikwukwento ko.

Unfortunately, di ko alam na may lahi pala kami ng myopia (nearsighted) so kelangan ko talaga magsuot ng salamin. Since poor lang kami, nagtiyatiyaga ako sa isang salamain na halos kalansay na, at dahil nga sa cheerdance practice namin kanina ay naapakan ang kawawang salamin.

Kabog Kabog ang puso ko. Parang naghina ako pero siyempre smile pa rin. Hindi ako natakot na wala akong makikita dahil malinaw naman mata ko medyo. Natakot ako sa tatay ko. Alam mo namanmga magulang kung magalit thunder storm. Kung ano-ano sasabihin. Iikot lang ang paksa tapos madadamay yung mga bagay na di naman dapat kasali sa diskusyon.

Nakakabadtrip lang na grabe sila magalit. Sasabihin ba namang "WALA KA KASING INGAT SA GAMIT MO, GASTOS NANAMAN YANG PINASOK MO..etc." Sabe ko na lang sa sarili ko "Pa, hindi lang ikaw ang naiinis dahil nasira yung salamain ko kaya bakit ganyan ka magalit. Ikaw lang ba ang nawala? Kesyo sabi ng iba nagagalit kayo dahil mahal niyo ako. Pa ALAM KO, NAIINTINDIHAN KO. Pero sana isipin niyo naman na walang magagawa kung magagalit kayo. Imbes na icomfort niyo ako eh nagbunganga pa kayo. Ang gusto ko lang naman na sabihin niyo ay anak ayos lang yan. Pagiipunan na lang natin."

Siyempre di ko yan sinabe dahil baka hindi na ako makapagblog dito at nakaratay na lang ako sa ospital. Nanahimik na lang ako. Umintindi at eto, naglabas ng sama ng loob sa blog na ito.

hay..Bakit ganun ba ang matatanda? Malalaman ko din yan pagtanda ko.