"Kailangang manalig sa bawat sigaw at bulong ng 'yong puso..."
Sa taong nagdaan, masasabi kong madalas akong magdalawang isip sa mga desisyong aking binibitawan at sa mga bagay-bagay na aking ginagawa. Takot na din siguro ang nangunguna sa aking puso at isip. Binabalot nito ang determinasyon na siyang dapat na namayani para matupad ang mga bagay na gusto kong matupad. Nakakatakot. Siguro nga ay hindi ako yung tipo ng taong risk taker. Masyado akong confined sa mga bagay na alam ko na ang magiging kalalabasan. Takot akong magkamali. Lalong takot akong mahusgahan. Kung kaya nga madalas ay pinipili ko na lang na hindi gawin ang mga dapat at gusto kong gawin.
"Sumayaw sa sarili mong awit. Umindak at 'wag pasindak..."
Ako? Paano? Iyan ang mga tanong na kalimitan kong naitatanong sa aking sarili. Marahil ay nabubuhay nga ako sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa mga ginagawa ko. Nabubuhay rin ako na tinitingala ang mga taong gusto ko maging katulad. Pero sino nga ba ako?
"Hindi ka katulad ng iba, 'wag kang mag-alala."
Sa nakalipas na taon, namuhay ako sa takot at kaba sa mga sasabihin ng mga ibang tao tungkol sa aking mga ginagawa. Takot akong sumubok ng bago. Iyon na rin siguro ang naging dahilan kung bakit hindi ko naipapakita ng husto ang tunay kong kakayahan.
May sarili akong pagkakakilanlan, talento at talino. May sarili akong prinsipiyo at paniniwala. Kung may pagbabago man akong gusto makamtam, sa akin pa rin iyon magsisimula.
Kasabay ng pagpapalit ng taon, sisikapin kong mamuhay sa aking sariling musika. Isang musika na binubuo ng himig na sa akin mismo magmumula. Susubukan kong iwanan ang takot at kaba.
Pipilitin kong Wag mag-alala. Kasama naman kita, hindi ba?
(Wag kang mag-alala ni Ebe Dancel)
Wag kang mag-alala
Related Posts:
Desisyon Naniniwala ako na ang buhay natin ay naka-ugat sa kung ano ang desisyon na ating binibitawan, maging ito man ay mabuti at masama. Minsan may pagsisisi pero wala naman tayong pwedeng gawin kung hindi ang panindigan ang ating … Read More
Tumatakbo pero walang paaMay paa nga siguro ang oras. Ang bilis kasi nito tumakbo. Parang kailan lang hawak mo ito, ngayon ikaw na ang naghahabol dito. Totoo ngang hindi natin malalaman kung gaano na karaming oras ang nasasayang natin hanggang sa dum… Read More
Buhay pa akoAkalain niyo yun, dahil sinasamantala ko lang ang libreng wifi na nasasagap ni laptop mula sa di kalayuang hostel na karamihan ay koreano eh naisipan kong magbukas ng blog at nangati naman ang aking daliri na para bang may ut… Read More
Untitled101Hndi alam ang dahilan ng aking muling pagdalaw dito sa mundong naging aking sandigan noong mga nakakaraang mga buwan. Marahil dahil dinala lang ako dito ng aking mga kamay para magsulat ng kung ano man. Gusto ko ang magsulat… Read More
Wag kang mag-alala"Kailangang manalig sa bawat sigaw at bulong ng 'yong puso..." Sa taong nagdaan, masasabi kong madalas akong magdalawang isip sa mga desisyong aking binibitawan at sa mga bagay-bagay na aking ginagawa. Takot na din siguro an… Read More
2 comments:
Happy Happy New Year!
May emosyon itong post mo... parang naramdaman ko na rin yan dati....
un nga wag na lang mag alala... lahat naman makakaya natin...
Takot din ako sa risk dati pero naisip ko na subukan ang ilang bagay... alisin ang pag alala at takot.... lalo na kung alam mong may handang sumuporta sayo...
Maraming salamat JonDmur sa iyong suporta :)
Kaya natin to. :)
Post a Comment