Wednesday, January 2, 2013

Wag kang mag-alala

"Kailangang manalig sa bawat sigaw at bulong ng 'yong puso..."

Sa taong nagdaan, masasabi kong madalas akong magdalawang isip sa mga desisyong aking binibitawan at sa mga bagay-bagay na aking ginagawa. Takot na din siguro ang nangunguna sa aking puso at isip. Binabalot nito ang determinasyon na siyang dapat na namayani para matupad ang mga bagay na gusto kong matupad. Nakakatakot. Siguro nga ay hindi ako yung tipo ng taong risk taker. Masyado akong confined sa mga bagay na alam ko na ang magiging kalalabasan. Takot akong magkamali. Lalong takot akong mahusgahan. Kung kaya nga madalas ay pinipili ko na lang na hindi gawin ang mga dapat at gusto kong gawin.

"Sumayaw sa sarili mong awit. Umindak at 'wag pasindak..."

Ako? Paano? Iyan ang mga tanong na kalimitan kong naitatanong sa aking sarili. Marahil ay nabubuhay nga ako sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa mga ginagawa ko. Nabubuhay rin ako na tinitingala ang mga taong gusto ko maging katulad. Pero sino nga ba ako?

"Hindi ka katulad ng iba, 'wag kang mag-alala."

Sa nakalipas na taon, namuhay ako sa takot at kaba sa mga sasabihin ng mga ibang tao tungkol sa aking mga ginagawa. Takot akong sumubok ng bago. Iyon na rin siguro ang naging dahilan kung bakit hindi ko naipapakita ng husto ang tunay kong kakayahan.

May sarili akong pagkakakilanlan, talento at talino. May sarili akong prinsipiyo at paniniwala. Kung may pagbabago man akong gusto makamtam, sa akin pa rin iyon magsisimula.

Kasabay ng pagpapalit ng taon, sisikapin kong mamuhay sa aking sariling musika. Isang musika na binubuo ng himig na sa akin mismo magmumula. Susubukan kong iwanan ang takot at kaba.

Pipilitin kong Wag mag-alala. Kasama naman kita, hindi ba?

(Wag kang mag-alala ni Ebe Dancel)

Related Posts:

  • Alamat ng bloggerong si RENZHindi ko talaga lubos maisip kung bakit ba ako nahihilig sa blog na ito eh nung bata nmaman ako ay hindi ako ganoong kainteresado sa mga storya maliban na lang kung comics yan tulad ng pugad baboy o kahit ano man na comics. S… Read More
  • random.01.I love you...Weh ang lakas ng trip mo ah..ayaw mo ba?..ahmmm.gusto rin. aminin...wenks hindi kaya...di nga?.oh, nadala ka naman agad. Ikaw talaga...wala lang..kamusta na kayo ni....?.ayos lang. Bakit siya nanaman pinaguusapa… Read More
  • untitledI blog to express. Not to impress.wala lang. Wala kasi akong maisip na introduction para sa post na ito. naisip ko lang i-publish ang mga walang kwentang doodle poem na trip ko ngayong ipublish sa gitna ng usong-uso na dengue… Read More
  • RandomTulad nga ng nabasa ninyo sa title, random post lang naman to sa kung ano lang. Sabe ko pa namanb sa sarili ko, ngayong 2011 eh dapat maysense na akong magblog kasi malaki na ako. Pero nahihirapan pa rin akong magcompose ng i… Read More
  • Pinoy HenyoOk. it's been six months, eight days, twelve hours since you went away. Ay mali, it's been a while since my last blog post. Nakakatigang kasi this past few days eh, alam mo naman, super busy pala talaga pag senior ka, puro ka… Read More

2 comments:

Jondmur said...

Happy Happy New Year!

May emosyon itong post mo... parang naramdaman ko na rin yan dati....

un nga wag na lang mag alala... lahat naman makakaya natin...

Takot din ako sa risk dati pero naisip ko na subukan ang ilang bagay... alisin ang pag alala at takot.... lalo na kung alam mong may handang sumuporta sayo...

Renz said...

Maraming salamat JonDmur sa iyong suporta :)
Kaya natin to. :)