Thursday, August 25, 2011

unknown title

I just want to blog today. Wala naman kasing importante ngayong araw. Kung pwede nga lang sana na hindi na nageexist ang August 25. Sana pagkatapos na lang ng August 24 eh 26 na agad para mas masaya diba?


























HAHAHA


Joke lang!


Alam niyo ba na ang araw na ito ay special? Ang araw na ito kasi ay ang birthday ng isang malapit na malapit na kaibigan para sa akin. Siya ay si Armando Nathaniel Pedragoza. (Tama ba spelling?) 
Sa palagay ko ay hindi niyo siya kilala. Malamang kasi shy type daw siya. (Self-proclaimed) Pero hindi naman :))) 


Nakilala ko si Nathan dito sa UPLB. Hindi ko siya coursemate sapagkat Applied Physics ang course niya at Electrical Engineering naman ako. Hindi ko rin siya classmate sa kahit anung subject. Nagkakilala ko siya sa isang page sa facebook para sa mga freshmen ng UPLB. Iniwan ko yung number ko doon sa isang thread at presto, may isang makulit na tao ang nagtext sa akin. Kinulit niya din ako sa fb chats and etc. Siyempre ako naman bilang isang mabuting kaibigan (ehem XD) ay kinulit din siya para makaganti at lumabas na mas magaling ako mangulit dahil madali siya mapikon XDXD.


Who would have thought na sa ilang buwan pa lang naming magkakilala eh naging close na agad kami. Siguro dahil kakaiba din kasi ang ugali netong tao na to. Napaka-sigasig niya, napaka-persuasive napaka-baet (ehemm) at siyempre calm. 


Best friend ko nga ba siya? First define best friend? Sa akin kasi ang best friend na tawagan ay iba sa best friend na turing. I never called him as my best friend but I consider him as one. Best friends will always be best friends kahit naman hindi kayo magtawagan na best hindi ba? 


Alam niyo rin ba na dahil sa kanya at sa mga kalokohan niya ay nadiscover ko ang isa pang pamilya na sobrang nakakainspire sa akin dito sa UPLB? Dinala niya ako sa SWAP (students with a purpose) isang lunes na wala akong idea kung ano ang pupuntahan ko. It was our first time to meet then. Libre niya daw ako ng dinner. Ako naman, since pagod ako sa byahe kasi galing pa akong bulacan, eh pumayag ako. You know, butas ang bulsa XD. Pero hindi pala niya ako ililibre ng dinner kasi may FREE FOOD talaga doon sa pinuntahan namin. Tingnan mo nga naman ang wais. XD Pero thanks to that, naging active pa rin ang spiritual growth ko dito sa UPLB.


Nathan, 
Happy Birthday! Salamat sa lahat. Yari ka mamaya kailangan mo kami pakainin nila kuya Dennis! May ibibigay din pala ako sa iyo. Yung statement doon ang tandaan mo palagi. Kung ano yun, malalaman mo mamaya. WEEE. 
You know I can't say a lot at alam mo na kapag nagsasalita ako, madalas double meaning or kung hindi man eh triple o quadruple pa. So hanggang dito na lang.
Salamat!


:)


PS
Alam niyo ba na si Nathan daw ang SELF PROCLAIMED na number one fan nitong blog na ito. Nagkunwari pa siyang anonymous writer at nag email sa akin ng compliments. I know it was him kasi sa isang email ko siya nag-mail. Buking :))
hahaha


SMILE always!

6 comments:

ned said...

renz! wohhoooh! cool ng blog mo! see you later :) at dapat pakainin talaga tayo ni Nathan! hehehehe

kuya D

Anonymous said...

happy bday sa kanya.. ahahha

Armando Nathaniel Pedragoza said...

Renz! Nadala naman ako sa blog mo. Waaa. Maraming salamat!!! I can't find any words that will express how much I thank God because of you. Basta. Salamat talaga! Smile. :D

LordCM said...

enjoy talaga ang school days, namimiss ko :(

vivierepato said...

cool naman! how sweet of you to write about your dear friend!

Anonymous said...

Binasa ko daw ulit. At lahat ng mga nangyari noong araw na 'yon ay muling nanumbalik sa isip ko. Hehe. Nakakamiss!