Saturday, July 23, 2011

Konting paramdam

Hephep hooray!

Buhay pa naman ako at dahil doon ay nagpapasalamat ako kay God. 

Isang buwan na din ang lumipas nang una akong akong pumasok sa malaking mundo ng buhay kolehiyo. Sa ngayon, masasabi kong masaya naman ako sa mga nangyayari. Madaming mga bagong kaibigan ang dumating. May mga makukulit, may mga seryoso, may mukang suplado, may mayabang at kung anu-anong uri ng tao. Talaga ngang sobrang dami kang maeencounter na tao sa kolehiyo kasi paiba-iba ka ng kaklase sa bawat subjects.

Masarap din pala mabuhay sa isang dormitoryo. Malayo man sa pamilyang kinagisnang kasama eh masaya pa rin dahil sa mga bagong kaibigan na karamay sa kalungkutan. Oha, may ganun pa. Pare-pareho naman kasi kaming nalayo sa pamilya kaya kung hindi kami magtutulungan na pasiyahin ang isa't isa ay mahohomesick talaga kami. 

Isang buwan na din pala akong nakakaramdam ng kakaibang init. Ang init kasi sa los banos as in. Pati tubig doon ay mainit din. Libreng hot spring kami lagi sa aming cr sa dorm. Yun nga lang, masakit maligo pag tanghali kasi mainit talaga. Bukod sa init ng tubig eh siyempre nararamdaman ko din ang init ng pagtanggao ng ubnibersidad sa akin at sa iba pang freshmen. Sa sobrang init nga eh ang dami kong napuntahan na event for freshmen na may libreng foods. Oh diba, solve na ang tyan, solve pa ang bulsa. Saan ka pa? Dito na sa LB.

Ngunit sa isang buwan na nakalipas, mayroong isang bagay na hindi ko pa nararanasan at iyon ay mararanasan ko na sa darating na linggo. Iyon ay ang HELL WEEK or examination week sa UP. Actually hindi naman confined sa isang linggo ang lahat ng exams sa lahat ng subject. Iba iba rin ng schedule. So hindi lang siya basta week. Ito ay HELL WEEKS. 

Ayon, so wish me luck at pati na rin ang lahat ng may paparating na exams. napa-update lang ako dahil namiss ko magblog at para pasalamatan ang self-proclaimed number one fan ng blog ko na si ARMANDO NATHANIEL PEDGRAGOZA. Oh yeah palakpakan! :)

By the way, miss ko na kayong lahat.

Belated Happy 2 years old my sulatkamayko! :) (July 4)

Related Posts:

  • untitledI blog to express. Not to impress.wala lang. Wala kasi akong maisip na introduction para sa post na ito. naisip ko lang i-publish ang mga walang kwentang doodle poem na trip ko ngayong ipublish sa gitna ng usong-uso na dengue… Read More
  • kwentong walang kwenta. kwentang walang kwentoMagkukwento na lang ako.Feel ko na na ganap na akong tao. Nakakapunta na ako sa lungsod ng walang kasamang nanay. kaibigan lang. Natry ko na rin na mag-isa lang. kailangan ko na kasi matuto. Next year lumbay na ako dahil mala… Read More
  • random.01.I love you...Weh ang lakas ng trip mo ah..ayaw mo ba?..ahmmm.gusto rin. aminin...wenks hindi kaya...di nga?.oh, nadala ka naman agad. Ikaw talaga...wala lang..kamusta na kayo ni....?.ayos lang. Bakit siya nanaman pinaguusapa… Read More
  • RandomTulad nga ng nabasa ninyo sa title, random post lang naman to sa kung ano lang. Sabe ko pa namanb sa sarili ko, ngayong 2011 eh dapat maysense na akong magblog kasi malaki na ako. Pero nahihirapan pa rin akong magcompose ng i… Read More
  • Pinoy HenyoOk. it's been six months, eight days, twelve hours since you went away. Ay mali, it's been a while since my last blog post. Nakakatigang kasi this past few days eh, alam mo naman, super busy pala talaga pag senior ka, puro ka… Read More

3 comments:

Mr. Blue said...

buti naman at marami ka ng mga kaibigan. pagbutihin ang pag-aaral, Renz. malalampasan mo din 'yang "hell week". :)

BatangGala said...

happy blogniversary! good to know na ok naman ang college life mo. goodluck sa ebriting! ingaaaaats! :D

Arvin U. de la Peña said...

good luck sa pag aaral..